"What did you just say? Pag lamayan? Baka Ikaw ang pag lamayan pag ako gumawa sayo ng bagay na hindi mo inaasahan" this is not my first time hearing him speaking in tagalog but why do I always find him hot and attractive in that state? Geez! Go back to you senses Yvy!

"Aba! Hinahamon mo ako?! Sapakan nalang oh!" hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis ng tawanan niya lang ako. Umayos siya ng tayo at tumigil kakatawa "Stop being cute. I might do something to you without your consent" hindi na ako nakapag salita ng mauna siyang lumabas ng bumukas ang elevator. Napakurap kurap pa ako bago lumabas at sumunod sa kaniya.

Napahinto ako dahil sa biglaan niyang pag tigil. Muntikan ko pa siyang mabunggo dahil doon. "You're not going on a date with him Ms. Gabez. Break up with him" and with that he left me dumbfounded.

Just what the holly mother yukinam generation right?!

Bakit siya nakikinig sa usapan ng may usapan. But I can't blame him if he heard about that he's not deaf after all. At saka date yun ng namin ng anak ko. He's just my boss not my parents or boyfriend. He don't have the rights to dictate my life. Binalewala ko nalang ito at dumiretso sa table ko para gawin ang iba ko pang trabaho.

Sumapit ang oras para sa meeting niya with Mr. Cerbito kaya tumayo na ako at kinuha ang bag bago siya kinatok sa pintuan niya "Sir? Oras na po para sa meeting niyo with Mr. Cerbito" kinatok ko pa ulit ng dalawang beses bago siya hinintay na lumabas.

Lumabas siya na inaayos ang coat niya pero napansin ko na magulo naman ang necktie niya. Napailing nalang ako at lumapit sa kaniya para matigilan siya pero hindi ko ito pinansin at inumpisahan ayusin ang necktie na suot niya.

Ang laki laki na pero di pa din marunong mag ayos ng necktie. Pinag pagan ko pa ang coat niya bago bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Napaangat ako ng tingin ng mapansin na hindi ito umiimik at doon ko nakita na nakatutok lang ang mata niya sa akin.

"May problema ba?"

"Did you just fix my necktie?" napakunot ako ng noo ng marinig ang hindi makapaniwalang tanong niya.

"Ano sa tingin mo?"

"Just answer me properly Ms. Gabez!"

"Attitude ka na naman? Oo. Bakit ba?"

"Ganito ka din ba kay dad?"

"Anong kinalaman naman dito ni Mr. Fritinzson?"

"Just answer me!"

"Hindi! Anak ng! Ang attitude mo talaga ah! Kanina ka pa!" hindi niya pinansin ang pag sigaw ko pabalik bagkos ay ngumiti siya at hinapit na naman niya ako palapit sa kaniya. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa akin kaya wala sa sariling nag dasal na huwag muna akong saniban ng kaharutan at baka sakmalin este mahawakan ko ang abot kamay kong abs niya.

Napalunok ulit ako ng mariin ng makita ang pag titig niya sa akin. Huli na para makakilos ako ng halikan niya ang ilong ko. Saglit lamang yun pero nag tayuan lahat ng balahibo ko!

"Good. Sa akin ka lang dapat ganun Ms. Gabez. I also kiss you so you're mine now and you need to break up with him 'cause I don't share what's mine, lady. Never."

Si Mcervin ba ang tinutukoy niya? Sira ba siya? Paano ko hihiwalayan yun e anak ko yun?

"I can't."

"And why is that?"

"Because I can't live without him. He's my life. I love him" pinakawalan niya ako at mariing tumitig sa akin. Nandun ang pag igting ng kaniyang panga at madilim na tumitig sa akin.

"You're going to break up with him or I'll send him to hell?! You choose Ms. Gabez."

"Anak ng! Ho--" pinutol niya ang sasabihin ko ng mariin niya akong sinunggaban ng halik. Dahil sa gulat ay napaawang ang bibig ko para mag karoon siya ng daan para hanapin ang dila ko at sipsipin.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now