"Malay mo lng nmn diba." sabi ko

Pero ang weird talaga. Hindi kaya nagpapanggap lng si queen? What if nagpapanggap lng sya?

magooverthink na ba ako?

"Sa tingin mo prank lng ba 'to?" tanong ko ulit

"Hindi, kasi kung prank lng 'to mabilis lng na ititigil. Ilang araw na nakakalipas, Jiro. Wag mo ng isipin na prank lng lahat." sagot nya

She still has that poker face on na para bang wala syang pakealam sa lahat ng bagay. May problema ba 'to?

"You look so worried about something, may problema ka ba?" tanong ko

"Wala, naboboring lng ako. Gusto ko na bumalik sa UG kasama si queen tapos makikipaglaban tayo don ganon." sabi nya

"Sabagay, nakakamiss nga talaga. Sana mabilis ang maging recovery ni queen."

"Basta tutulungan natin sya, magiging mabilis ang recovery nya."

Patuloy parin kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may nurse station. Halos isang oras din kami sa pag aayos ng mga papeles para makauwi na si queen. Nagbayad na rin kami ng bill.

Agad din kaming bumalik sa kwarto nila Nice at nakitang nagaayos na sila except kay Nice at Keifer na nakatulog ulit. Malapit na rin nmng maubos ang IV fluid sa dextros ni queen kaya ano mang oras ay pupunta na ang doctor dito para tanggalin yon.

"Nice, gising na" pang gigising ko

"Hmm" yun lng ang naging sagot ni queen

"Nice, you're going home." dagdag ko pa

Hindi na sya sumagot pero nakita ko ang pagkunot ng kanyang nuo. Tatapikin ko pa sana ulit sya ng makaramdam ako ng paghawak sa braso ko. I looked at my arm and saw Keifer's hand holding into it.

"Sige na, tawagan mo nlng si Ethan. Ako nalng mang gigising sakanya para hindi ka masaktan." pagkukumbinsi nya sakin

"Ako nlng mang gigising sakanya." pamimilit ako

"Ako na nga." inirapan nya ko

"Sus, pag ikaw chumansing dyan."

"Mukha ba akong chumachansing sa tulog?"

"Di mo sure?" pare-parehas naming tanong nina Fairen, Sam, Rhaine at Lhianne

Sinamaan nya lng kami ng tingin. Hinayaan ko nlng din na sya ang gumising kay Queen dahil baka nga masapak nya ako. Alam kong magagawa nya parin iyon dahil sya parin si queen. Pag inistorbo ang tulog, ika'y matitigok.

Motto nya yon

"Venice, gising na." lahat kaming lima ay napa make face ng sabihin yun ni Keifer sa malambing na paraan

"Akalain mo yon, yung itsurang yan may tinatagong lambing." pang aasar ni Rhaine

"Tangina mo" he mouthed na ikinatawa naming lahat

Natigil lng iyon ng biglang magsalita ang natutulog na reyna namin.

"You guys are so loud, shut tf up." halata sa boses ni Nice ang pagkairita

Nagmulat ito ng mata at sumimangot. Tinignan nya kami isa isa hanggang sa tumigil ang tingin nya sa katabing si Keifer.

"Ampangit mo" inirapan nya si Keifer

"HAHAHAHAHAHAHHA"

"Wasak HAHAHAHA"

Lahat kami ay malakas na humagalpak ng tawa dahil don. Mas lalong umasim ang itchura ni Keifer habang nakatingin kay Venice na nakangisi.

The Nerd Is A Gangster Queen S1Where stories live. Discover now