"I'm regretting that i gave my passcode to you Mac"

napa iling na sabi ni feli habang nilalabas ang mga pagkaing nasa styro at may isang black label na inumin
ew hindi ko tipo iyon masyadong pangit ang lasa, napawi ang tingin ko kay mac at napunta kay mesi na tahimik ng nag ce-cellphone sa tabi ko

"Mag isa kalang?"

tanong ni feli sa kanya habang tumitingin tingin sa labas ng pinto niya

"Bakit? Hinahanap mo si Loey?"
mapang asar na sabi ni mac

"Hell no"

napa isip tuloy ako sa loey na iyon, sure akong nakita ko na iyon nung una naming nakilala si mac at i heard magkababata daw si loey at feli, pero naghiwalay din ng mag migrate sila sa US, iyon lang din alam ko sa kanila, and hindi naman kasi nag kukwento si feli about sa mga naging past relationships niya and iyong kay blake lang alam namin kasi sinabi niya samin, iisang school lang kami nang highschool at inlove na inlove siya dun sa lalaking yun at nagulat nalang kami ni mesi na nag hiwalay sila sinubukan namin siyang tanungin kaya lang hindi niya sinasagot mga tanong namin kaya hindi na kami nag kulit tungkol doon lahat naman tayo ay may privacy e at hindi namin kailangan parati magsabihan ng mga problema para lang matawag na solid ang pagkakaibigan namin dahil sa totoo lang hindi nasusukat ang pagkakaibigan sa ganun, nabaling ang tingin ko ng bigla akong matalsikan ng buksan ni mac ang wine mabuti nalang at nasa tabi ko si mesi at siya ang natalsikan....

"Omygod"

bigla akong tumayo at dali daling pinuntahan si mesi dahil napuwing ata mata niya ng wine pag bukas ni mac
hahawakan ko sana ang mata niya na napuwing ng alak kaya lang naunahan ako ni mac at taranta niyang hinipan ang mata ni mesi

"Don't touch me, Ang baho ng hininga mo!"

tatawa sana ako sa reaction ni mac dahil sobrang nakakatawa ang itsura niya ngayon, kung hindi lang ganito ang sitwasyon namin ngayon, nabaling ang tingin ko kay feli na may dalang bowl na malaki at may facetowel na hawak
si feli na nag asikaso kay mesi dahil pinagpagan ko ang mga papel namin na may notes namin kanina dahil pati iyon natalsikan din

"Next time Mac, Careful Alright?"

pagsabi ng mahinahon ni feli
hindi na nagsalita si mac at tinungga ang alak na binuksan niya kanina
uuwi nalang siguro ako isa pa wala akong gana uminom may pasok pa kami bukas ngayong araw lang wala dahil may appointment daw mga proof kaya nag group study kami, niligpit ko nalang ang mga gamit ko at nilagay sa table at pupunta na ng kwarto ni feli para magbihis

"Uuwi kana?" bungad sakin ni mesi habang hinahawakan niya pa ang mata niya okay naman na medyo mapula nga lang, tumango nalang ako at pumasok medyo malayo ang kwarto ni feli sa salas niya dahil medyo malaki itong condo niya compare sa akin, naalala ko pala may naiwan akong mga damit dito, tinignan ko nalang sa kabilang side nang kabinet niya at tama nga ako nandito pa itong mga damit namin ni mesi dati kasi dito kami parati nag se-sleep over, minsan sa condo ko or kina mesi, pero dito talaga yung main namin na tinutulugan dahil palagi nagpapadala ng mga foods ang mom niya sakanya at hinahatid nalang dito sa condo ng driver nila galing sa bahay talaga nila, nagpalit nalang ako at naupo muna at nag scroll sa ig ko at hindi ko alam ang iniisip ko bakit ko  inistalk si zach nakita kong  may ig story siya, gustong gusto kong tignan kaso baka halata niyang ini istalk ko kaya wag nalang tinignan ko nalang ang last post niya which is iyong picture namin, may 20k likes iyon at hindi ko namalayang nakangiti na ako habang tinitignan ko iyong picture namin...natauhan nalang ako ng may lamok na kumagat sa pisngi ko
nabaling uli ang atensiyon ko sa wall niya in'off niya comsec kaya walang may nag cocomment sa mga post niya kasama na dun ang picture namin na in-upload niya, tinignan ko lang ng matagal ang profile niya pinabalik balik ko lang kamay ko up and down para e refresh pero nagulat ako ng napindot ko ang story niya sa profile niya kaya nakita ko ang story niya na sana hindi ko nalang binuksan, may part sakin na umaasa lang na sana bumalik na siya sakin kahit wala namang namamagitan samin, picture iyon ng building namin sa 2nd floor at may caption sa picture na LFU ano meaning nito? lfu? ano yun? hindi ko nalang iyon inisip dahil wala talaga akong idea doon

so nakabalik na pala siya sa school? hndi ko alam kung may pasok sila or wala dahil magkaiba proof's namin at iba ang schedule nila sa schedule namin kaya wala akong idea pero baka nga meron dahil nakita kong may id pa na suot si mac kanina, hindi ko nalang pinansin iyon at lumabas na para kunin ang mga gamit ko at magpapaalam na sa kanila dahil uuwi na ako tatanungin ko nalang si mesi if sasabay siya or mananatili siya rito, pagkasara ko ng pinto bigla ako nabingi sa lakas ng music sa labas kaya tinignan ko iyon at rinig kong may mga nagtatawanan at may kumakanta, anong nangyayari? tanong ko sa sarili ko, nakita kong pumasok si mesi galing sa labas at mukang lasing na, may tama nato, ang bilis ko lang nawala a? tapos ito maaabutan ko?

"Ow hi sis? Your suitor is outside yieeehehehehe"

"Ano?!"

sigaw ko dahil hindi ko siya marinig sa lakas ng music, naguguluhan ako sa sinabi niya at lumabas para tignan kung bakit ang ingay ingay sa labas
pagkalabas ko para lang akong nabingi lalo, tinignan ko ang mga tao sa labas mga lalaking nakahubad pang taas at nag sasayaw ng pang machong sayaw at leader doon si mac na parang gagong nag tuturo ng zumba pero pang machong sayaw at si feli naman na abala sa pag saway pero tawang tawa na nag vi'video lasing na yata sila, at naagaw nang tingin ko ang lalaking naka tayo lang nag sisigarilyo na nakatalikod at siya lang yata ang may suot na damit

That's him... Kahit likod niya kilala ko
kinabahan ako bigla, anong gagawin ko? tatalikod din ba ako?

////:)

The End (on going)Where stories live. Discover now