Fifty One: Inter School DAY 1(PART 1)

Start from the beginning
                                    

Until a two person got my attention na palabas ng cafeteria na sa tingin ko'y don din ang aming punta.

Isang nanlilisik na tingin ang sumalubong sakin pagkalapit na pagkalapit namin kila Shin kasama si Jay-jay na mukhang balisa sa kinatatayuan nya dahil mukhang itong may tinataguang pinagkakautangan at halos umikot na ang leeg nya ng 360° dahil sa paglingon-lingon nito kung saan.

"Where are you going?!" maangas na pagharang nito kay Yukiro kasabay ng pagdaan ng nanlilisik na mata nya sa kinaroroonan ko.

"I just wanted to talk to him" walang ganang sagot pabalik ni Yukiro kaya ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila, pero mas na-a-alibadbaran ako kay Jay-jay na hindi mapakali sa kinatatayuan nya at parang wala syang pake sa paligid nya, anyare sa taong to?

"For what?!" Muli lang akong nabalikwas dahil sa  boses ni Shin, kaya napatingin nalang ako sakanilang dalawa na mukhang nag-ta-tansyahan ng galaw.

Gustuhin ko mang masaksihan ang live na W.W.E eh sinipa nako ng konsensya ko at pumagitna nalang sakanilang dalawa.

"Walang W.W.E na event ngayon kaya wag nyo na balaking magpatayan dito, saka kung gusto mo maki-chismis sa paguusap namin CHISMOSONG Shin eh sumama ka para update ka sa chika hah?" pang-babara ko sakanya dahil key aga-aga mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha nya.

"Tsk!" Pinamilugan pako ng mata ng loko sabay muling pasok sa cafeteria ng school, juice ko kalalaking tao napaka-chismoso.

.

.

.

"W-what do you want to eat?" tanong ni Yukiro ng marating namin ang counter, at kung tatanungin nyo kung nasan yung dalawa eh nakabuntot dito sa may likuran namin na mukhang minaman-manan ang bawat kilos namin.

"Should we go with  this fish fillet?" pagbaling nito ng tingin sa menu, pero akmang sasagot na sana ako ng biglang sumabat ang nasa likod ko.

"He's allergic in see foods" pareho lang kaming nagkatitigan ni Yukiro kaya mariin lang akong tumango bilang pagsang-ayon sa pakealamerong Shin nato.

"How about this?" pagturo ulit ni Yukiro sa fries at ice cream na nasa menu kaya abot langit ang ngiti kong humarap sakanya para sana sumangayon sa napili nito, pero agad na namang sumabat ang echapwerang tao sa likod ko.

"Too much calories, hindi yan kinakain sa breakfast Terence" pagsita ng ungas na Shin nato kaya napanguso lang ako at binalingan ito ng masamang tingin...nyeta to ngayon nga lang ako makaka-tikim ng libre panira patong animal na bombay nato.

"Pwede ba lumayas ka dito Shin!, ako ang kakain hindi ikaw, kaya chupii shoo!!... asikasuhin mo yang kasama mong mukhang may pinagtataguang maniningil" pagtukoy ko kay Jay-jay na baliko na ang leeg kakabaling ng tingin kung san-san, kanina pa sya walang imik at walang pake sa nangyayari sa paligid nya, kaya ako ang na-a-alibadbaran sa kilos nya.

"Tsk!" labas sa ilong na asik nito kasabay ng pagtalikod nya samin ng naka-pamewang kaya palihim akong natawa dahil sa mukha nyang mukhang pinagsakluban ng langit at bulalakaw

"Ikaw nalang bahala sa pagkain, I'll look for our seat" pagbaling ko ng tingin kay Yukiro kaya napatango lang ito at muling humarap sa menu.

.

.

.

After an eternity of time ng chikahan namin ng hilaw na hapon na yun, eh sa wakas nakawala nako sa literally "AWKWARD" na usapang yun, pano ba naman kasi eh puro nakakaurat na pag-amin nya ang buong usapan namin, like alam ko namang maganda ako at hindi mapagkakailang baka mahulog sya sa alindog ko, but it's not my fault kung nakakasagabal na ang kagandahan ko😏.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now