Napakuyom siya ng mga palad at nagpigil na sagutin ang mga ito.

Tumawa ang kapatid niya. "Opo,daddy! Kaso nga lang may trabaho ba yun?"tuya sabi nito sa kanya.

Nanliit ang mga mata niya rito pero mataray na tingin ang tinugon nito sa kanya.

"Kasi kung happy-go lucky lang siya..kawawa ka naman saka sa gwapo nun siguradong maraming babae na magkakagusto sa kanya na mas..."hindi na nito natuloy ang sasabihin pa ng tumayo na siya.

Walang emosyon na tinitigan niya ang kapatid.

"Aalis na ko,"malamig niyang paalam.

Bago pa man siya makahakbang nagsalita ang kanyang ama.

"Give me your keys,"untag ng kanyang ama.

Natigilan siya sa sinabi nito.

"Po?"

"Susi daw! Ibalik mo kay Daddy susi ng kotse,"maarte sabi ng kapatid niya.

Napaawang ang mga labi niya. Hindi na siya nakakontra pa dahil alam niya pag-aari ng kompanya nila ang kotse na ginagamit niya.

Tiimbagang na dinukot niya ang susi ng kotse sa loob ng bag niya.

Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng ama niya ng ilapag niya ang susi sa harapan nito.

Masakit at masikip ang dibdib niya ng makalabas siya ng bahay.

Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya pero hindi siya iiyak.

Sanay na siya sa ganun trato sa kanya ng magulang.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib saka nagmamadali na siyang naglakad upang pumara ng taxi.

Kabado siya ng makarating sa opisina ni Mr.Azer dahil late na siya nakarating!

Humihingal na agad siya lumapit sa kinaroroonan ng isang babae na abala sa harapan ng computer nito.

"Excuse me,Miss,"untag niya rito kaagad naman ito nag-angat ng mukha sa kanya.

"Ms.Yvas?"

Agad na tumango siya. "Yes! Pasensya na nalate ako,"pagpapaumanhin niya.

"Okay lang,kanina pa nga naghihintay sayo si Sir Wendell,"anito saka siya giniya sa pintuan na nakasarado.

Huminga muna siya ng hangin saka siya sumunod sa babae at pinagbuksan siya nito ng pintuan.

Agad na pinukulan siya ng ngiti ni Mr.Azer.

"Dito ka na pala,Ms.Yvas!"friendly nitong bungad sa kanya.

Nahihiya na tumango siya rito at bumati din.

"Pasensya na,Sir..na-late ako,uh,nahirapan po kasi ako makahanap ng masasakyan ng taxi sa lugar namin,"pagdadahilan niya.

Private village ang kinaroroonan ng bahay nila nilakad pa niya hanggan sa makarating siya sa gate ng village. Kung nakakuha lang siya kaagad ng grab madali na sana kaso walang available kaya wala siya choice kundi maghanap ng masasakyan taxi.

"Bigyan mo ng maiinom si Ms.Yvas,"untag nito sa nakaabang na sekretarya nito saka ito mabilis na tumalima.

Napapahiyang ngumiti siya rito.

"Maupo ka muna,"alok nito saka siya sumunod. Umupo siya sa harapan ng desk nito. Agad naman nakabalik ang sekretarya nito na may bitbit na isang basong tubig.

Nahihiya man siya agad na uminom siya. Ayaw niyang makipag-usap na halos tuyo ang lalamunan niya sa kakamadali.

Napangalahati niya ang baso at mas lalo siya napahiya ng makitang nakatingin sa kanya ito pero kaagad din ngumiti sa kanya.

"Huwag ka mahiya sakin,okay?"magaan nito sabi.

Nahihiya na tumango siya rito.

"Okay,hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa..you're hired,Ms.Yvas!"

Expected niya na yun pero iba pa rin na marinig iyun mismo sa magiging amo niya!

"S-salamat po,Sir!"

"Natanggap ka dahil alam kong may kapasidad ka maging isa sa empleyado ko..at..syempre dahil na rin alam kong may pinagdadaanan ka at gusto ko makatulong sayo,"anito.

Natigilan siya sa huli nito sinabi. Isang alanganin na tawa ang pumukaw sa kanya mula rito.

"Tsismoso ng dating ko pero alam kong karapat-dapat ka na matanggap,"anito.

Nagtataka pa rin siya kung bakit nito nasabi ang huli nitong sinabi.

Napabuga ito ng hangin saka sumulyap sa bandang likuran niya kaya napalingon siya at hindi niya inaasahan na makitang nakatayo roon si Kennet na may malaking ngiti sa mga labi nito.

Awang ang mga labi na napalingon muli siya sa magiging bagong boss niya.

"It's happen na magkaibigan kami and hindi sadya na makita niya ang resume mo,"sagot nito sa tanong na nasa isip niya.

Muli bumalik ang mata niya kay Kennet na may ngiti pa rin sa mga labi nito.

"Galingan mo! Si Wendell ang bahala sayo!"masaya nitong sabi sa kanya.

Hindi na siya nakapagsalita dahil masyado pa siya shock sa nangyayari.

Swerte talaga sayo ang nilalang na yan!

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now