CHAPTER TWO

4 2 0
                                    

"Okay ka lang Ayen?" Tanong ni Shan. Tumango ako at uminum ng kape.

" Nag-away na naman ba kayo ni Cielo?" Napaisip ako sa tanong nya. Nitong mga nakaraang araw pa may gumugulo sa isip ko. Kung normal pa ba tong nararamdaman ko.

I've been in a relationship kay Cielo since Senior High School. Nitong  mga nakaraan ay lumalabo na kung anong meron kami. Palaging wala kaming oras sa isa't-isa at kung mag-usap man kami ay nag aaway lang kami.

" I think he's being toxic na " wika ko.  " I can't handle his attitude. " Napabuntong hininga nalang ako.

Tumango nalang si Shan at di na umimik.

Matapos matulala ng ilang minuto ay sinimulan ko na ang pagrereview.  May quiz pa kami bukas at kelangan ko maipasa iyon.

Nang sumapit ang ala una ng madaling araw ay naisipan kong  magbukas ng messenger ko. Na sana ay di ko nalang ginawa dahil na stress lang ako sa mga chat ni Cielo .

Palagi nalang ganito at paulit-ulit nalang ang nangyayare kapag nag uusap kami.

"Let's break up" sabi nya ng pangatlong beses.  Hindi nako nabigla o nasaktan man lang. Inaasahan ko nang sasabihin nya to .

" Okay!" wika ko sabay patay ng tawag.

Kelangan ko ng matahimik na araw. Kapag nandyan siya ay nai stress lamang ako.  Sana tama ang desisyon na ginawa ko.

********

Nakailang gilong na ako sa kama ko pero hindi parin ako makatulog. Alas tres ng madaling araw heto ako, mulat na mulat. Masama ata yung nainum kong kape kanina?

Tumayo ako at kinuha ang aking cellphone para umupo sa salas ng aming boarding house, magpe facebook nalang siguro muna ako. Habang nagi scroll sa aking facebook account ay napadaan sa aking timeline ang shared post nang kaklase kong laging tulog.  " ACTIVE NOW" nakalagay sa kanyang profile ng aking iclick.

Kaya naman pala laging tulog sa classroom kasi gising sa gabi. Sa isip isip ko.

Habang tinitingnan ko ang kanyang profile na sa palagay ko ay inistalk ko na e aksidente kong napindot ang like button ng isa nyang post .

"OMG" napakatayo ako at dali daling inunlike ang post nayun.  Agad akong nagpatay ng data at pumunta na lamang sa kwarto. Matutulog nalang siguro ako. Kung ano -ano nagagawa ko eh.

UNBRIDLED FEELINGSWhere stories live. Discover now