Chapter 43 | In danger

476 20 0
                                    

Trigger Warning

[Y/N'S POV]
"Bye Mike, Jayson. Bye ibon!" Kumaway kami pabalik kay Yuna bago s'ya sumakay ng kotse at sinara ang pinto nito.

Sa wakas, natapos din. Ang na-enjoy ko lang ata ay 'yung pag-kanta ng Ben&Ben.

Nanatili kaming tatlo na naka-tayo habang naka-sandal sa gate ng main entrance.

"Sino magsusundo sa'yo?" Tanong sa'kin ni Mike at napa-kurap-kurap ako.

"Uhh, uhmm. Si kuya Jah daw eh, pero hindi nasagot sa tawag." Sagot ko dito at triny ulit tawagan si kuya Jah.

Bilin kasi ni kuya Ken sa'kin na iiwan n'ya raw 'yung kotse kay kuya Jah at s'ya 'yung magsu-sundo sa'kin since s'ya pinaka-malapit 'yung office sa school.

"Nga pala, Jayson. Si Lav kasayaw mo kanina, ah." Pang-aasar ni Mike kay Jayson at agad s'yang umiwas ng tingin. Nahihiya pa yata.

Lav. Estudyante din s'ya dito, halata naman, kilala ko s'ya since famous s'ya dito sa school. Pero ba't iba sa pandinig ko? Ba't iba nararamdaman ko?

"'Wag kang mahiya, normal lang magka-gusto sa tao." Nasamid ako sa sarili kong laway sa sinabi ni Mike.

Sabi n'ya, hindi ko required na sumagot sa sinabi n'ya. Eh pa'no kung gusto ko rin s'ya, tss.

Pa'no lang haaa.

Nabalik ako sa sarili ko nang biglang tumunog phone ko dahil may notification.

Kuya Jas10:
Hi bunso! Sorry, 'di ka masusundo ni kuyaaaa :(( Dami kong kailangang gawin!! Baka 'di ka rin masundo nila kuya kase nasaken kotse. Book nalang kitang xxxx? Oks ba?

Ngumiti ako ng konti bago mag-reply. Ano ba 'yan! Excited pa naman ako i-kwento kay kuya mga nangyari ngayon, mamaya na nga lang pag-uwi!

Sige lang kuyaaa, ingat sa pag-uwi!!! Sana matapos mo na mga gagawin moo<333

Isinara ko kuna ang phone ko at nag-intay ng reply ni kuya nang makita mo si ma'am- ay si ate Bea.

"Ate bea!" Tawag ko dito hahang naka-ngiti at nakaway, agad s'yang napa-tingin sa gawi ko at dali-daling pumunta.

"May date kayo ni kuya Pau today?" Pang-aasar ko dito at pabiro n'ya naman akong hinampas.

"Pa'no mo nalaman?" Natatawa n'yang sabi na ikinagulat ko.

"Weh? Sabi n'ya over-time s'ya, sinungaling 'yun." Sabi ko atsaka ngumiwi.

"Hayaan mo na, baka nahihiya lang sabihin na may date kami." Tumawa nalang ako nakipag-beso sakanya.

"Sige na po, baka ma-late ka pa sa date nyo." Ningitian n'ya ako na para bang nagpapa-salamat dahil tanggap ko relasyon nila ni kuya atsaka umalis na.

"Uwi na ako guys ah." Paalam sa'min ni Jayson. Ningitian namin s'ya atsaka nagb-bye, inaasar pa nga ni Mike dahil sa sayaw n'ya kanina.

"Ikaw? Asan na kuya mo?" Tanong sa'kin ni Mike, pa-unti nang pa-unti narin 'yung mga estudyante.

"'Di daw ako masusundo, eh. Nag-book nalang ng xxxx para daw sundo ko." Napa-tango tango naman s'ya at tumahimik na ulit kaming dalawa.

Awkward.

"Ikaw? Wala ka pang sundo?" Pag-balik ko nang tanong sakanha at umiling lang s'ya.

Tumunog ulit ang phone ko at agad ko iyon ni-check.

Chinat na sa'kin ni kuya 'yung plate number nung sasakyan at model at agad ko naman iyon nakita. Luh, bilis!

"Ummm, nandyan na 'yun xxxx." Paalam ko kay Mike kaya napa-tingin s'ya sa'kin.

"Ingat, mamahalin pa kita." Natatawa n'yang sabi kaya't dali-dali akong pumasok sa sasakyan. Pagka-sara ko ng pinto ay agad akonh sumandal at hinawakan dibdib ko.

Wait lang naman, puso ko. Mga paru-paru pa ata papatay sa'kin.

"Agatha Street po, 'diba?" Tanong sa'kin ng driver at agad akong tumango sa may rearview.

Pina-kalma ko muna sarili ko atsaka huminga ng malalim.

Totoo ba 'yun? Gusto n'ya talaga ako? Hindi charot charot? Hindi dare? Oh my gosh!

Chinat ko si kuya Jah na naka-sakay na ako pero 'di n'ya parin nasi-seen. Hays, busy-ing-busy ata mga kuya ko.

Ilang minuto na kami paliko-liko ng sasakyan at medyo nahihilo narin ako, tumingin muna ako sa bintana at tinignan 'yung dinadaanan namin.

Hala! Hindi naman namin 'to madalas daanan, ha?!?!

"Sir, tama po ba 'yung way?" Mahinahon kong tanong sa nagd-drive pero sobrang nagpa-panic na ako.

"Opo ma'am, shortcut po." Sabi n'ya at lumingon sa'kin, ngayon ko lang napansin na naka-mask s'ya. Ngumiti nalang ako ng pilit at tumango bilang tugon.

Shortcut daw, baka long cut? Hindi naman ganun kalayo bahay namin sa school eh.

Nang patuloy lang s'ya sa pagd-drive ay may iba na talaga akong nararamdaman, agad kong tinawagan si kuya Jah pero nag-ring lang ito at hindi nasagot, sunod naman ay si kuya Ken pero hindi rin ito sumagot, ganun rin si kuya Stell at, silang lahat.

Nang walang sumagot sa tawag ko ay naisipan ko nalang mag-chat sakanila.

Basta magkakapatid

Mga kuyaaa, iba na ata way na dinadaanan naminnn:((

Natatakot akooooo

Nasan kayooooo??

Mahal na mahal ko kayoooo

Natatakot akooooo, kuya

Hindi ko alam kung nasa'n kami, masyadong madilim 'yung daan

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero bigla nalang naging malabo paningin ko at medyo sumikip dibdib ko, hindi ako maka-hinga masyado.

Lord, help.
_
[PABLO'S POV]
"Shxx, shxx, shxx, shxx." Napa-mura nalang ako nang bigla kong mabasa chat ni Y/N, nakita ko ring andami n'yang missed call! Ba'y ba kase naka-silent phone ko?!?!

Hindi ba s'ya sinundo ni Jah? Ayun usapan nung nag-paalam si Y/N ehh!

Hindi ako mapakali, nanginginig mga paa ko at kagat-kagat ko na daliri ko.

Agad ako tumayo nang nakita kong lumabas na ng cr sa restaurant si Bea.

"Uhmmm, babe. I need to go. Y/N needs me." Pagpa-paalam ko sakanya atsaka s'ya hinalikan sa pisngi, tumango naman s'ya bilang sagot at agad akong tumakbo papalabas.

First date pa naman namin 'to, pero mas importante ngayon safety nang kapatid ko.

Tinawagan ko si Jah habang natakbo ako sa may malapit sa terminal, agad n'ya naman itong sinagot.

"Hello, kuya Pau?"

"Fxxx Jah, hindi mo ba sinundo si Y/N?" Tanong ko rito at sakalukuyang naka-tayo sa may terminal para mag-hintay ng jeep.

"Hindi, eh. Marami akong gagawin, pinag-book ko s'ya ng xxxx, bakit?" Napa-pikit ako ng marahan at pinagsu-suntok 'yung poste.

"What the hell? Nabasa mo ba chat n'ya? Umuwi ka na at i-check mo kung nasa bahay s'ya!" Pasigaw kong sabi at pinagti-tinginan na ako ng mga tao, agad kong pinara 'yung jeep at pagka-upo ko ay hindi parin ako mapakali. Muntik ko na ngang makalimutang mag-bayad.

Nang maka-pasok ako nang bahay ay para akong muling nabuhay ng makita kong bukas 'yung ilaw sa bintana, agad ko itong binuksan pero tumambad lang sa'kin si Stell na naiyak ngayon sa sahig, si Josh na maga ang kamao, si Ken na naka-hilamos sa muka, at si Jah na pinipigilan ang iyak.

Napa-sandal nalang ako sa pinto at napa-dasal.

Lord, sana po safe lang si Y/N.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now