Chapter 13 | New teacher

689 29 1
                                    

[Y/N'S POV]
Naga-almusal na kami ngayong lima. Wala si kuya Josh, napaka-aga raw pumasok.

"Kuya, alam kong maganda ako. 'Wag ka ngang tingin nang tingin sa'kin." Sabi ko kay kuya Ken bago ko kainin yung nasa kutsara ko.

"Ba't naman kita titignan? Chix ka ba?" Inirapan ko nalang si kuya Ken. Tss. Problema nito?

"Eh bakit kayo nag-aaway sa harap nang pagkain?" Pag-saway sa'min ni kuya Pau kaya't agad namin kinain ni kuya Ken yung pagkain namin.

Nang matapos na akong kumain, nilagay ko ang pinggan ko sa lababo atsaka pumuntang cr para maligo.

Naka-tulala lang ako habang nagsa-sabon. Iniisip ko parin yung sinabi ni kuya Ken.

Masyado na akong oa!!! Parang 'yun lang eh.

Hoy! Ba't mo nila-lang 'yung sinabi ni kuya Ken??? Eh, darating naman talaga yung araw na 'yun!!

Halaaaa, nababaliw na ako!!!

"Aaaahhh!!" Napa-sigaw ako nang malakas nang madulas ako. Sheeyy, ang sakett!!!

"Bunso, okay ka lang?" -kuya Stell

"Ano nangyayari sa'yo d'yan?" -kuya Pau

"Ayan kase, hindi nag-iingat." -kuya Ken

"Y/N, ayos ka lang?" -kuya Jah

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot sakanila.

"Opo. 'Dun na kayo!" Sabi ko sakanila habang dahan-dahang tumatayo.

Agad akong nag-anlaw tsaka nagpunas at nag-bihis na. Halaaa, ang saket na nang likod ko huhu.

"Okay ka lang ba? May masakit?" Tanong ni kuya Stell sa'kin pagka-labas na pagka-labas ko nang cr at ngumiti na. "Wala po."
_
"Y/N, sabay ka na sa'kin. May pupuntahan ako." Sabi sa'kin ni kuya Pau. Syempre naman hindi ako pwedeng tumanggi kaya tumango agad ako kesa masermunan ni kuya nang hfbfjfndishd jdndidjdidh.

Sabay-sabay kaming lima lumabas ng bahay at pumunta na sa gawi kung sa'n man dapat kami pumunta at nakahawak din ako sa kamay ni kuya Pau.

"Kuya, bakit hindi ka sa school ko nagwo-work? Bakit pa sa school na ginawa rin naman nang foundation namin?" Tanong ko kay kuya Pau habang naka-upo sa jeep. Syempre, kung naka-sabit kami ngayon-ay hinding-hindi 'yun mangyayari kasi ayaw ni kuya Pau nang ganun.

"Secret." Tipid nyang sagot at sumimangot nalang ako. Tsk.

"Para po!" Pagpa-para ni kuya sa jeep nang andito na kami sa school ko at agad naman itong tumigil.

"Dito ka rin bababa, kuya?" Tanong ko kay kuya habang inaalalayan ako nito bumaba sa heep at tumango naman s'ya.

"Pasok na. Galingan mo ha." Sabi ni kuya tsaka hinalikan ako sa pingi kaya napa-ngiti naman ako.

"Bye kuya!" Paalam ko po habang kinakaway ang kamay ko papasok nang school at ganun rin s'ya.

Mapayapa akong naglalakad papuntang room nang biglang-

"Ay, shemay!" Tinignan ko 'yung nang-gulat sa'kin.

"Ay, sorry. Nagulat ba kita?" Sinamaan ko s'ya nang tingin.

"Syempre. Ginulat mo ako." Sabi ko kay Jayson atsaka sumimangot.

"Eh? Binati lang naman kita." Pagde-depensa nya pa habang naka-hawak sa back pack nya.

"Weeehhh, bagong way ba nang pag-bati yung 'boo'" Parehas kaming natawa ni Jayson.

Pero nakaka-tuwa naman talaga dahil unti-unti na s'yang naging komportable sa'kin at sa'min.

Pag-pasok namin nang room ay halos lahat ata nang mga kaklase ko ay naka-tingin sa'min pero hindi ko nalang sila pinansin at dumaretso nalang sa upuan ko.

"Miss ko na agad si ma'am." Umupo si Mike sa upuan nang katabi ko dahil wala pa naman s'ya.

"Weh? Ikaw? Mami-miss si ma'am? Pffft." Sabi ko at si Mike naman ay may oo-nga-ang-kulet looks sa muka.

"Uy, Jayson. Ba't pala sabay kayo ni Y/N pumasok, ha?" Humarap sa'min si Jayson at napa-sapo nalang ako sa muka.

"Ahhh, nakita ko kasi s'yang naglalakad nang hallway." Page-explain ni Jayson at napa-"ahh" lang si Yuna kaya tinignan ko s'ya nang may ano-ba-akala-mo'ng muka at tinaas nya ang dalawa nyang kamay na parang dumi-depensa.

"Eh sino pala magiging homeroom natin ngayon?" Tanong ni Mike at napa-tango naman kaming tatlo nang biglang nag-ring 'yung bell.

"Dito na muna ako. Wala pa naman seatmate nyo." Sabi pa nya habang sumandal nang komportable sa upuan. Natawa lang si Yuna at Jayson at kinuha na 'yung libro sa first subject namin habang ako ay napa-iling-iling nalang habang naka-tingin sakanya.

"Goodmorning, Sir Ali!" Bati namin sa principal nang bigla s'yang pumasok sa room namin at sumenyas naman s'ya na umupo kami.

S'ya ba 'yung magiging homeroom muna namin? Pero pricipal s'ya ihh.

"Okay, class. I'm gonna introduce your temporary homeroom-slash-english, math, and science teacher. Be nice to him." Sabi pa ni sir pero tahimik lang kaming buong klase. I mean, duhh, principal 'yun.

Nag-bow naman 'yung magiging pansamantala naming teacher kay sir atsaka humarap sa'min.

No way.

No, no, no, 'wag nyo sabihing-

"Hi class! I'm John Paulo but you can just call me Sir Pau. I hope we get along well." Sabi nya pa sa klase at ngumiti, may pa-glasses-glasses pa si kuya g nalalaman. Pumalakpak silang lahat except sa'kin- 'di parin prumo-proseso sa utak ko.

I mean, private tutor teacher s'ya sa school na ginawa rin nang foundation namin, so bakit si kuya? Eh hindi nga s'ya nagta-trabaho dito?

Shocks. Yare na.

"Uhmmm, nasa president daw 'yung attendance nyo? Dun ko nalang kayo ifa-familliarize." Ngumiti si kuya Pau at natauhan naman ako. Oo nga pala! Nasakin yung attendance!

Tumayo ako nang biglang mag-salita si kuya Pau.

"Ipasa mo nalang sa kaharap mo para hindi mo na maabala mga katabi mo." Sabi nya since nasa pinaka-dulo nga ang upuan ko. Narinig ko 'yung iba na tumawa, sinamaan ko s'ya nang tingin at ngumiti naman s'ya. Pwede namang sabihin para hindi ako mahirapan, papahiya pa ako.

Huminga ako nang malalim bago umupo sa upuan ko at ipinasa ang attendanca sa nasa harap ko.

"Parang ang strict ni Sir." Bulong sa'kin ni Michael at tumango ako.

Sinabi mo pa.

Nag-bell na at recess na namin. Gusto ko sana munang kausapin si kuya Pau pero 'wag na. Napahiya ako kanina, tampo ako sakanya.

Naglalakad kami ngayong apat papuntang canteen. Arghhh, nakakabanas, ba't kasi si kuya Pau pa???

"Kanina ka pa wala sa mood." Sabi sa'kin ni Yuna at napa-tingin naman sa'kin sila Mike at Jayson nang matanaw ko si kuya Pau, agad akong tumakbo. Huhuhu, nahihiya talaga ako!!!

"Okay ka lang, Y/N? Bigla-bigla ka nalang tumatakbo." Tanong ni Jayson nang makarating na silang tatlo sa pwesto namin at napa-tingin ako sakanila.

"Yung bagong teacher naten." Sabi ko habang umuupo sila.

"Ayy, oo nga. S'ya palang nakakapag-pahiya sa'yo. Grabe, iba talaga." Sinamaan ko nang tingin si Mike na tumatawa ngayon habang nainom.

"Kuya ko s'ya." Nasamid si Mike sa sinabi ko at nanlaki naman ang mata ni Yuna 'tas si Jayson naman, so-so lang reaksyon.

"Weh? Talaga? Kailan pa? Saan? Bakit?" Napa-kurap-kurap kaming tatlo sa sinabi ni Yuna. Anong connect nang mga tanong nya sa sinabi ko? "Ayyy natatandaan ko na! Nasa ospital rin s'ya nun. Kaya pala sabi ko familliar ihhh."

"Ahhh, ewan." Napa-tungo nalang ako sa lamesa at si Mike na nasa tabi ko ay tina-tap ang likod.

"Alam mo Mike, kung ayaw mong masapak ng kuya ko, I mean, ni sir, ilayo mo 'yang kamay mo sa'kin." Agad nyang ini-alis ang kamay nya sa likod ko at lumipat ng upuan kaya naman napa-tawa kaming tatlo.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now