4

39 6 0
                                    

Part 4: Last Part

Nang i-abot ni Don Leandro kay Felipe ang liham ay hindi niya muna ito binuksan. Nagmadali siyang pumunta sa dalampasigan, ang lugar kung saan nagtapat sila ni Stella ng pag-ibig para sa isa't isa. Natatakot man siya sa posibleng nilalaman ng sulat ay binuksan niya pa rin ito at binasa. Umaasang mabibigyang kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa kaniyang isipan.

Mahal Kong Felipe,

Una sa lahat ay nais kong humingi ng paumanhin sa aking pag-alis. Nais pa kitang makasama at mas makilala ngunit hindi tayo pwede, Felipe. Kung ating ipipilit ay mas lalo lamang tayong magkakasakitan. May nakapagsabi sa akin na ang pag-iibigan ni Feliciano at Celestia ay parang elemento ng tubig at apoy na hindi maaaring magsama. Hindi sila maaaring magsama sapagkat ito ang magiging sanhi ng pagkamatay ng isa. Mamamatay ang apoy kung patuloy niyang makakasama ang tubig. Napagtanto ko na ganoon din tayo, Felipe. Katulad lang tayo nila Celestia at Feliciano. Ako ay nagmula sa taong 2020 habang ikaw naman ay sa taong 1950 at pinagtagpo tayo rito sa taong 1857. Gustuhin man natin o hindi, kakailanganin natin na bumalik sa panahon kung saan tayo nabibilang. Hindi tayo maaaring magsama.

Kaya siguro ako napunta sa panahong ito ay dahil gustong ituro sa akin ng tadhana kung paano magmahal at tanggapin na kung hindi dapat ay wag ng ipilit pa. Hindi ko na ipipilit pa ang pagmamahal ko sa iyo, Felipe. Tatanggapin ko na na kayo ni Nenita ang nakatadhana para sa isa't isa. Alam ko na ang inyong plano ni Nenita. Narinig ko ang inyong naging pag-uusap kagabi. Huwag kang mag-alala sapagkat hindi ako nagalit sa iyo. Alam kong kasalanan ko rin, masyado akong nagpabihag sa iyong matatamis na salita. Babalik na ako sa panahong kinabibilangan ko pero hindi ko makakalimutan na nabuhay ako sa panahong ito na kung saan nakilala ko ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko at ang unang lalaki na dumurog nito.

Paalam na mahal ko. Nawa'y huwag mong malimutan ang ating pinagsamahan. Huwag mo sanang kalilimutan ang babaeng nagmula sa taong 2020. Ang babaeng lubusan kang minamahal. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Nagpapaalam,

Stella

Parang gumuho ang mundo ni Felipe nang mabasa ang liham ni Stella. Hindi niya matanggap na hindi man lang niya naipaliwanag ang totoong nangyari. Hindi man lang niya nasabi na ang mga narinig ni Stella ay pawang kasinungalingan lamang na kagagawan ni Nenita. Totoong mahal niya ang dalagang si Stella at kailanman ay hindi siya gumawa ng bagay na makakasakit sa damdamin nito.

"Kung narinig niya kaya ang buong usapan namin ni Nenita ay mananatili siya?" tanong sa sarili na hindi niya alam kung mabibigyan pa ng kasagutan.

»»----- - -----««

Modern World

February 12, 2020

Wednesday

5:23 pm

"Is there something wrong anak?" bigla na lang sumakit ang ulo ni Stella.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa lugar kung nasaan siya. Ang yateng sinakyan nila ay nandoon na muli. Maging ang resto na gawa sa semento at salamin. Higit sa lahat ay nasa harapan na niyang muli ang kaniyang mga magulang. Nakabalik na siyang muli sa panahong kaniyang kinabibilangan.

"Would you like to go to the clinic first? Malapit lang 'yon dito" tanong ng kaniyang Mommy.

Napabuntong- hininga na lamang siya sabay iling. "Hindi na po kailangan"

"Sigurado ka anak?" paninigurado naman ng kaniyang Daddy. Tango na lamang ang kaniyang naging sagot.

Katulad ng nangyari sa kaniya noong napapunta siya sa nakaraan ay sumakay sila sa kalesa na uso pa rin sa lugar na ito sa kaniyang panahon. Inililibot niya ang paningin sa paligid at masasabi niyang marami na ang nagbago. Ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang tumigil ang kalesa sa isang pamilyar na lumang bahay-ang bahay nina Don Alejandro.

"Ano pong ginagawa natin dito?" tanong niya sa kaniyang Mommy.

Sa halip na sagutin ay nginitian lamang siya nito.

Nang pumasok sila sa loob ay hindi maiwasan ni Stella na masaktan. Naaalala niya si Felipe mula pa lamang sa labas. Nakita niya na ulit ang lugar kung saan sila unang nagkita. Sinalubong sila ng dalawang matanda, ang mga mata ng matandang lalaki ay napakapamilyar sa paningin ni Stella. Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo nang mas titigan niya iyon. Isang pamilyar na senaryo at pamilyar na pakiramdam.

"Bakit bumibilis na naman ang tibok ng puso ko?" tanong niya sa sarili.

"Magandang hapon po, Lolo Felipe, Lola Nelia" bati ng kaniyang Mommy sa mga matanda.

Hindi na malaman ni Stella kung ano ang dapat niyang maramdam.

"Magandang umaga rin sa inyo, mabuti naman at nakarating kayo. Kanina pa namin kayong hinihintay" nakangiting sabi ni Lola Nelia. Ang mga balat nito ay kulubot na ngunit makikita pa rin ang kagandahan niya.

"Kaya nga po, Lola. Oo nga po pala. Ito ang aking unica ija, si Stella" pagpapakilala ng kaniyang Mommy sa dalawang matanda. "Anak, ito si Lola Nelia at Lolo Felipe Martinez" dagdag pa niya

Felipe Martinez. Ang lalaking minamahal niya ay muli niyang nakita. Naabutan niya si Felipe. Buhay pa ito ngunit ang nakakalungkot ay hindi na sila maaaring magsama. Hindi pa naghihilom ang sugat ng puso ni Stella mula sa nakaraan ngunit mayroon na namang panibagong sugat na kailangang lunasan. Parang paulit-ulit na tinutusok ang puso niya sa tuwing maaalala ang kanilang masasayang sandali noong nasa panahong 1857 pa sila.

Sariwang-sariwa pa ang lahat dahil parang kahapon lang nangyari ang lahat. Kababalik lang niya sa kasalukuyan.

Nagkatitigan sila ni Felipe at nakikita niya sa mga mata nito ang lungkot.

"Naaalala kaya nya ako?" muling tanong ni Stella sa sarili.

Hindi nagtagal ay inalis na ni Felipe ang kanyang paninggin kay Stella at inilipat ito kay Nelia. Mas lalong nadurog ang puso ni Stella dahil doon. Sa isip niya'y kinalimutan na siya ni Felipe dahil may asawa na ito. Nasasaktan siya sa katotohanang tingnan man siya nito nang matagal, ang kanyang mata ay mas gustong tingnan ang kanyang tunay na sinisinta.

"Anak diyan ka muna, ilalagay muna namin ito sa kwarto" sabi ng kaniyang Daddy na dala-dala ang kanilang mga bagahe.

Nang makaalis sila ay nagpunta naman sa kusina si Nelia upang maghanda ng pagkain.

"Felipe, naaalala mo pa ba ako?" tanong ko ni Stella. Nagbabasakali siya na kahit papaano ay hindi pa nakakalimutan ni Felipe na minsang nagkaroon ng Stella sa buhay n'ya. Na minsan silang nagtagpo sa ibang panahon.

"Ngayon lamang tayo nagkita, Ija" sagot naman nito na mas lalong nakapagpalala sa sugat sa puso ni Stella.

Hindi napigilan ni Stella ang mga luhang kumawala, samantala si Felipe na nasa edad siyamnapu na ay magkahalong saya at lungkot ang nadarama dahil muli niyang nasilayan ang dalagang inibig n'ya sa taong 1857 ngunit dahil sa matanda na siya ay hindi na sila pwedeng dalawa. Tumakbo palayo si Stella, dahil sa sobrang sakit na nadarama, samantalang lumapit naman si Lola Nelia sa kapatid na si Felipe.

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo?" tanong nito.

"Sapagkat tanggap ko na, na kaming dalawa ni Stella ay kabilang sa mga taong pinagtagpo lamang ngunit hindi nakatadhana para sa isa't isa kagaya nina Celestia at Lolo Feliciano" sagot ni Felipe habang tinatanaw si Stella na tumatakbo palayo sa kanya.





Stella|✓Where stories live. Discover now