3

37 6 0
                                    

PART 3

Sa ilang araw na lumipas, si Stella at Felipe ay nanatili pa rin sa katauhan nina Celestia at Feliciano. Palagi silang magkasama dahil sa tinggin nila ay sila lamang ang nagkakaintindihan sa mga nangyayari sa kanila. Sabay nilang hinahanap ang mga kasagutan na makapagpapaintindi sa kanila ng dahilan kung bakit sila pinagtagpo sa taong 1857. Hindi nila naiwasan na palihim na mahulog ang loob sa isa't isa at iyon ang pareho nila ikinakatakot.

Kasalukuyan silang nakaupo sa ilalim ng puno ng niyog habang nakatanaw sa papalubog na araw at nagku-kwentuhan ng iba't-ibang bagay.

"Ano na ang mga pagbabagong naganap sa ating bansa sa iyong panahon?" tanong ni Felipe kay Stella.

"Hindi na radyo o liham ang ginagamit para makausap mo ang pamilya mong nasa ibang lugar sapagkat laganap na ang makabagong teknolohiya na nagpapadali sa gawain ng mga tao" sagot naman nito.

"Sana sa panahong iyon ay nananatili pa rin akong buhay" seryosong ani ni Felipe habang nakatingin sa repleksyon ng araw sa dagat. Hindi pinalampas ni Stella ang pagkakataong iyon upang matingnan ang maamong mukha ng binata na kanyang palihim na iniibig.

"Sana ay masilayan ko pa ang panahong kinabibilangan mo hindi lamang dahil mukhang masaya roon kundi dahil upang muli kitang masilayan" nagtama ang kanilang panginin nang humarap si Felipe kay Stella.

Animo'y bumagal ang pag-ikot ng mundo para lamang sa kanilang dalawa noong mga sandaling iyon. Hindi maintindihan ni Stella kung bakit kakaiba ang pagtibok ng kaniyang puso.

"Mahal kita, Stella" kinakabahan man ay sa wakas, nasabi na rin ni Felipe ang laman ng kanyang isip at puso-ang pag ibig niya para sa dalagang si Stella.

Sa mga sandaling pawang pag-ibig lamang ang nangingibabaw na damdamin sa pagitan nila, lingid sa kanilang kaalaman ay may isang taong sa kanila ay nakamasid at ang puso nito ay punong-puno ng selos at galit.

"Sisiguraduhin kong mapapasakin si Feliciano. Hindi ako makapapayag na sa pagkakataon na ito ay may makuha na naman sa akin si Celestia!" sabi sa sarili.

Sa kabilang banda, inamin na rin ni Stella ang kanyang nararamdaman para kay Felipe. Ngunit nang maalala niya ang kanilang unang pagkikita hindi niya naiwasan na itanong kung sino si Nenita. Tinugon naman ito ni Felipe.

"Si Nenita ay kababata ni Lolo Feliciano kung kaya't itinuring ko na rin siyang kaibigan sapagkat sa panahong ito ay ako mismo si Lolo Feliciano"

Matapos ang ilang minuto pang pag ku-kwentuhan ay nagpasiya na silang umuwi sa kanilang tahanan.

Malalim na ang gabi ngunit gising na gising pa rin si Stella. Hindi niya inakala na pareho sila ng nararamdaman ni Felipe. Hindi niya maiwasan na kiligin sa tuwing naalala niya ang kanilang naging pag-uusap kanina habang pinapanood ang pag-lubog ng araw. Sa kabila noon ay pilit pa ring kumakawala ang lungkot sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang pagbanalik n'ya sa kanyang panahon. Hindi niya sigurado kung matatagpuan pa niya ang kanyang minamahal sa panahong iyon. Hindi niya maiwasang mapatanong sa sarili kung bakit sa dinami-rami ng lalaki ay kay Felipe pa siya nahulog. Sa lalaking hindi nagmula sa panahong kaniyang kinabibilangan.

"Stella. Ang pagkakamali ni Celestia ay hindi mo na dapat inulit pa!" agad na napabalikwas ng bangon si Stella dahil sa narinig niyang sigaw.

Nakita niya ang isang babaeng naka puting bestida. Nasa tapat ito ng bintana at seryosong nakatingin sa kanya.

"A-ano ang ibig mong sabihin? Sino ka?" natatakot na tanong nito.

Dahan-dahang lumapit ang babae sa kanya dahilan upang manginig at mas lalo siyang matakot.

Stella|✓Where stories live. Discover now