Chapter 15 - Lured

Start from the beginning
                                    

"Welcome aboard the Leopard, Ms. Pretzhel," nakangiting bati ng kapitan na nasa sa Aft deck. Sa wari'y sadyang inaantay siya.

"Thank you, Captain Cyrus," nakangiting tugon niya. Hinayaan niyang makuha nito sa kamay niya ang box ng cupcakes.

"I-assist mo na sa salon si Ms. Pretzhel, Jasper," utos ng kapitan. Ipinatong nito sa lamesa ang box na dala saka binuksan ang double sliding door papasok sa salon. And again, Pret was captured by the beauty of this boat.

Pero nalula rin siya.

For sure na malaki ang gastos ni Nicolette sa rental pa lang ng yate na ito.

She walked passed the Galley and on to the seating area of the salon. At nanghinayang siya na nakababa ang blinds sa mga bintana. Noong pumunta pa naman siya rito ay isa iyon sa magustuhan niya, ang panoramic view muna sa malalapad na bintana. Siguradong mas maganda ang view doon kapag naglalayag na.

"Take a seat, Ms. Pretzhel. Magpe-prepare lang ako ng lemonande para sa iyo," nakangiting wika ni Julius.

"Sure," aniya bago naupo.

Nauna mang nasabi sa kanya ni Nicolette na antayin niya ito dahil ipapakilala raw siya sa mga kaibigan. Ayon dito ay may kasunod na photo shoot silang gagawin at gusto nitong palagay na ang loob niya sa mga makakasama sa group shots.

Pero hindi pa siya natatagalan na nakakapaupo nang matigilan. Napalinga siya sa paligid, pero dahil nakababa ang blinds ay hindi niya makumpirma ang hinala. Bukod sa kanya at kay Jasper ay wala nang ibang tao sa salon. Bakante ang helm station sa unahan bahagi ng salon, kaya paano silang makakaalis sa dock?

Not unless, ang helm station sa Flybridge ang ginamit ni Captain Cyrus.

Kunot-noong tumigin siya kay Jasper. "Umaandar ba tayo?"

"Itse-check ko lang, Ms. Pretzhel," sagot nito. At dahil kadikit lang ng Galley ang sliding door ay mabilis na nakalabas si Jasper, mabilis din nitong isinarado ang sliding door. Pero sapat ang saglit na pagbukas niyon para masagot ang tanong niya.

Wala na nga sila sa dock. Nasa open water na.

And it confused her. Bakit umalis sila gayong wala pa naman sina Nicolette?

Tumayo siya. Pero ang planong pagpunta sa Flybridge ay naantala nang bumukas ang pinto ng isang cabin - ang cabin na hindi niya napasok nang unang lumulan siya sa yateng ito.

And walking towards her is the man she never even considered seeing today.

Ikatlong araw ngayon nang huli silang nagkita. Pero araw-araw itong nagte-text, tumatawag at nagtsa-chat. Sadya lang niyang binabalewala. He even visited her in the bakeshop yesterday. Sadya lang niyang hindi hinarap.

And her poor heart went overdrive when a corner of Clifford lips curl upward. A naughty glint dancing in his eyes.

"Hi, Pretty," anito nang tumigil sa harapan niya.

Pumikit nang mariin si Pretzhel. Realization dawn on her. Nicolette's urgent order was all a ruse to lure her into Clifford's yacht.

Sigurado siyang kay Clifford ito. Sa owner's cabin lumabas ang binata.

Naglapat nang mariin ang mga labi niya saka nagmulat muli ng mga mata. Tiningnan niya ito nang masama. "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo, Clifford? This is kidnapping, kung sakaling hindi mo alam."

Nagkibit-balikat ito. "A man's gotta do what a man's gotta do. Even if it means I have to kidnap you."

Humalikipkip siya. "This is illegal. At pwede kitang kasuhan, Cliff. Kaya kung ako sa iyo, pabalikin mo na ito sa dock."

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now