Nginitan ko naman siya. "Of course baby. Anything for you. Prepare lang si mommy." saka ko siya iniwan sa kwarto at pumasok sa cr. Nang makapasok ako sa cr ay nagring ang phone ko at nakitang sa skype pala ang notif na 'yun. Binuksan ko ito at nakitang si Anton pala. Ano naman kailangan nito? 

Anton10496: Bakit ka napatawag. Sorry nabusy lang.  

Inirapan ko ang phone ko bago nagtype. 

DromiCassy: May sasabihin sana ako sa'yo. Nevermind. Sige maliligo na ako. 

Di naman matagal ang naging reply niya kaso I wished hindi ko nalang binasa. 

Anton10496: Ayos 'yan! Video chat tayo habang naliligo ka. 

Di ko na sinagot dahil gago at agad na naligo ng mabilis dahil nag-aantay na yung maliit na tao sa labas. Nang matapos ako nakita kong naguusap si Cassy at Anton sa laptop ko. Tawa ng tawa si Cassy na akala mo'y kinikiliti. Naririnig ko rin ang tawa ni Anton. "Where's mommy baby?" tanong ni Anton na rinig ko naman Tinuro ako ni Cassy saka hinarap ang laptop sa akin. "There," ani Anton at ngumisi inirapan ko naman siya at tumalikod. 

"Cassy, mommy's going to change. Kayo na muna magusap ni Tito Anton." tumango naman si Cassy pero hindi bago niya ako kinorrect. "It's daddy Anton, mommy." 

"Oo, nga naman Andy. DADDY Anton daw kasi." narinig kong saad ni Anton. Napangisi ako saka napailing. How I wish siya na nga lang ang naging tatay ni Cassy at hindi ang traydor na si Jake. Ang Jake na walang ginawa kundi gamitin kaming magkapatid. 

**

"Are you ready?" tanong ko kay Cassy. Kanina pa sila natapos magusap ni Anton at ngayon ay nasa car na kami para pumunta sa amusement park. Nagtatalon naman siya habang yakap yakap parin ang rag doll niya, yung doll na kahit saan kami magpunta o kahit ano man ang gawin niya, hindi niya maiwan iwan. 

"I'm ready, mommy!" tuwang tuwang saad niya. Napangiti naman ako, "Then let's go." saka ko siya isinakay sa child seat sa likod ng car. Nang masigurado kong okay na siya ay sumakay na agad ako sa driver's seat ay agad na kaming umalis. 

On our way papunta sa amusement park ay in-on ko ang radio para magkamusic naman kami. Si Cassy ay mahilig sa music. Napapangiti ako kapag naghuhum siya kapag alam niya yung kanta. Minsan, narerealize ko na nakakatuwa palang maging ina. Kahit pa ba, ako lang at wala akong kasama sa pagpapalaki sa kanya. Ay, hindi pala. Meron nga pala akong mga kasama, mga kasamang hindi ako iniwan kahit anong mangyari. 

Kung tatanungin mo ako kung magiging isang ina ako 6 years ako. Sasamaan lang kita ng tingin at kapag sinabi mong magbabago ang buhay ko at magiging mapag-bigay para sa anak ko ay baka binaril na kita dahil pakiramdam ko noon nonsense ang pinagsasabi mo. Pero what can I say? I've changed for the better. For the best. 

"We're here!" ani ko at kinuha ang ball of energy na kasama ko. Hinawakan kong mabuti ang kamay niya, "Wag kang lalayo kay mommy ha?" tumango naman siya habang yakap-yakap parin ang rag doll niya. 

Andromeda 2: Her Retribution ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon