Chapter Thirty-Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

"Xanthos... ikaw na lang ang gumawa ng soup for us," sabi ko saka tumagilid at yumakap sa batok n'ya.

Xanthos' forehead creased. "Why? You already made one, let's eat this," he said and pointed the soup I made.

"That soup... is terrible," I murmured and scratched my nape.

Xanthos chuckled and kissed my lips. "I will still eat it because you made it," he said and took the spoon to have a taste of the soup I made.

I stared at him and waited for his reaction.

"It doesn't taste terrible, it's just kinda bland. We can still do something about this," he said then hugged my waist tighter.

"Mahal mo pa rin ako kahit ganito ako magluto?" nakakunot-noong tanong ko.

Natawa si Xanthos. "Of course... I can cook for us anyway."

I sighed and buried my face on his neck. "Teach me how to cook, Xanthos. I want to learn how you cook delicious menudo and carbonara," I said and played with his hair.

"Sure, baby," he mumbled and kissed my temple.

HINDI KO alam kung gaano kami katagal naglandian ni Xanthos sa bahay n'ya na 'yon. Kung hindi ko pa ipapaalala sa kanya ang kambal, baka nakayakap pa rin siya sa 'kin at hindi nakilos.

"Ay wow, matapos kong alagaan ang mga anak n'yo at papasukin sa school, babalik kayo rito nang hindi na mapaghiwalay? Grabe naman, mga mare," napapailing na sabi ni Cad habang nakatingin sa 'min.

Hindi siya pinansin ni Xanthos at tuloy lang na nakayakap sa 'kin. Natatawang napailing na lang ako at marahang hinaplos ang likod n'ya... para siyang bata.

"H'wag ka ngang panira, Cad. Nakakakilig kaya! Myghad, sa wakas at nangyari na talaga ang matagal ko ng hiling," tila kinikilig na sabi ni Denise habang nakatingin sa 'min ni Xanthos.

Natigilan lang kami nang umalis si Xanthos sa pagkakasubsob sa leeg ko saka tiningnan nang masama sina Cad.

"Umalis na kayong dalawa," masungit na sabi ni Xanthos saka mas lalo akong hinila palapit sa kanya.

"Ay grabe, Sir... wala kang utang na loob sa president ng fans club n'yo. Excuse me lang, pero ang laki ng contribution ko. Kung wala ako, malamang hanggang ngayon hindi pa kayo nagbabalikan kasi mga pabebe kayo," nakapamaywang na reklamo ni Denise.

"Thank you, Denise," nakangiting sabi ko na lang.

Si Xanthos naman ay tila walang pakialam sa pag-e-emote ni Denise at patuloy lang na nakayakap sa 'kin.

"Fine, makalayas na nga lang. Mukhang gusto na kaming sipain paalis ni Sir, e," napapailing na sabi ni Denise saka tumayo at lumabas na ng pad ni Xanthos

"Bye na rin, malalandi." Napakamot naman si Cad sa batok n'ya at sumunod na lang din kay Denise at umalis.

"Umalis na sila, Xanthos," sabi ko na lang saka marahang hinaplos ang buhok n'ya.

"I love you so much," Xanthos murmured and planted soft kisses on my neck.

I smiled and swirl his curly hair around my finger. "I love you too."

Napatunghay si Xanthos sa sinabi ko saka tumitig sa 'kin. He let out a heavy sigh and caressed my cheek gently. He smiled at me and kissed my lips.

"Please, say it again," sabi n'ya habang titig na titig sa akin.

"I love you, Xanthos Archante. I love you, I love you, I love you..."

Xanthos bit his lower lip and smiled. Tila nanggigigil na niyakap na naman n'ya ako saka sumubsob sa leeg ko. Natawa na lang ako ay niyakap din siya. Para talaga siyang bata ngayong araw.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon