Dumiretso agad ako dito sa terminal galing sa bahay. Hindi ko na kayang pakinggan ang mga maaanghang na salita ni Mama.

"Ayos ka lang, Neng? Heto oh, gamitin mo. Kanina pa kita napapansin na parang wala ka sa sarili." Inabutan ako ni manong ng panyo at nag-alinlangan pa akong tanggapin iyon kaya siya na ang nalagay sa kamay ko.

Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi gamit ang likod ng aking palad.

"Kung ano man 'yang problema mo, Neng, malalampasan mo din 'yan. Maraming nagmamahal sayo, hindi mo lang napapansin at nakikita. Subukan mong buksan ang mga mata mo, doon mo makikita na hindi ka nag-iisa."

Nakatingin lang ako kay manong habang nagsasalita siya. Funny how this man who doesn't know me can see how vulnerable I am when my mom can't. Wala pa siyang pakialam sa nararamdaman ko.

Mahigpit ang hawak ko sa dalang maleta at napansin iyon ni manong. Dahil sa wala ako sa sarili kanina pagdating ko dito, hindi na ako nakakain, hindi na rin ako nakabili pa ng ticket.

"Wala kang ticket?" Umiling lang ako. "Tara na. Ako na ang bahala." Sabi niya at nauna ng maglakad palapit sa nakaparadang bus.

Wala na akong lakas para magreklamo pa,sumunod na ako sa kanya. Pinapasok niya ako at pinaupo sa isang bakanteng upuan sa gilid ng bintana at hinintay nalang ang pag-alis nito.

Sometimes, I really feel like I don't even exist.

I'm tired. I'm tired of the bullshit. I'm tired of being ignored and forgotten by my own mother! I'm tired of everything. I'm just hoping that she'll realize how much she's hurting me someday. Ganoon naman talaga siguro. You cannot force someone to love you.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil sa pag-iyak. Mugtong-mugto na ang aking mga mata. Kumakalam na ang aking sikmura. Hinang-hina na ang aking buong katawan. Durog na durog na ang puso ko.

I'm freezing. I'm starving. I'm bleeding to death, but...everything's fine. I guess.

"Tandaan mo ang sinabi ko sayo, Neng. May taong nagmamahal sayo ng higit pa sa inaakala mo at iyon ang pinakamagandang pakiramdam sa lahat. Huwag mong kakalimutan 'yan." Paalala saakin ni manong pagkababa ko.

"S-salamat po."

"Mag-iingat ka." Sabay tapik niya sa aking balikat.

Wala sa sariling naglakad ako hila-hila ang aking maleta. May mga nakahilera ng tricycle sa gilid at inanyayahan na akong sumakay pero hindi ko iyon pinansin.

"So I breathe and let you go
How do I breathe and let you go?
Before it's too late
I'll take a step away
I know one word would make me go
Rushing back to you."

Nakarinig ako ng isang malamig na boses ng isang babae at paglingon ko, hindi ko namalayang nandito ako ngayon sa harapan ng Conde Victoria.

I took a deep breath before entering the Restobar.

Maluwag sa loob. Una kong nakita ang isang babaeng nakaupo sa high chair sa itaas ng stage nagg-gitara habang kumakanta. She has a very lovely yet cold and mysterious voice that can captures anyone's attention. Damang-dama niya ang kanyang kinakanta at nakapikit pa. Halos hindi na makakain ang mga customers dahil sa kanya na lahat nakatingin.

"So I'll just shut my eyes
Forget that you were mine
How do you go from making one your home
And then just letting it all go
Let me take it in
Before it sinks in."

Pumuwesto ako sa gilid,at may lumapit agad na isang waiter. Tumingin muna siya sa maleta ko bago saakin.

"G-good evening, Ma'am. A-ano po ang order niyo?" He asked.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now