CHAPTER 30: The Eanverness Forest

Magsimula sa umpisa
                                    

Nag-blush siguro ako dahil sa sinabi niya.

"Alam mo, ang galing mo talagang mambola."

Napatingin ako sa pwesto ng grupo namin. Tahimik lang din silang kumakain. Magkatabi sina Miguel at Erica na tila may sarili silang mundo. Si Alice naman ay nagbabasa ng libro habang may nakasalampak na earphones sa tenga niya. Nasaan si Tyrone? Kanina, nakaupo lang din siya dyan ah.

"Tara," hinila ako ni George patayo na ikinabigla ko naman.

"Teka, saan tayo pupunta?"

"Basta."

Napadpad kami sa elementary campus. Ngayon lang ako nakapunta rito at namangha talaga ako. Napakagaan ng vibe rito at natutuwa akong makakita ng mga bata. Karamihan sa kanila ay nasa playground, naglalaro kasama ang kanilang mga kaibigan at kaklase.

"Bakit mo ako dinala rito?"

Naglakad kami papunta sa stall na nagtitinda ng cotton candy.

"Wala lang. Masyado kasing mabigat ang awra roon sa campus natin. Maraming gustong makialam sa buhay ng iba. Dito, walang makikialam sa atin. Puro mga inosente pa ang mga estudyante rito at walang ibang gusto kundi ang mag-enjoy sa buhay na mayroon sila. Ito ang gusto kong environment," aniya na nakangiti at nakatanaw sa mga batang naglalaro.

Napangiti rin ako.

"Mahilig ka sa mga bata, ano?"

"Hmm. Yes, I love kids and they remind me of a childhood that I was not able to enjoy. But someday, I am gonna have my own kids and I will make sure that they will cherish every single day of being a kid, something that I was not able to do back then."

Tumingin ako sa kanya habang malayo ang kanyang tanaw. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, at nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman niya. Tumingin siya sa akin, at pilit na ngumiti.

"Tara na? May next class pa tayo. Baka ma-late tayo," tumawa kaming parehas.

~°~

Noong gabing iyon, hindi ako makatulog kaya pumunta ako sa sala. Sakto, naabutan ko si Alice na nagbabasa ng libro. These past few days, napansin ko na parang nakatuon ang buong atensyon niya sa pagbabasa ng mga libro. Noong tinanong ko siya noong nakaraan, sabi niya nakaka-anim na libro na siya in just a week. Bilib ako sa concentration niya when it comes to reading novels.

"Can't sleep?" tanong niya habang nakatuon pa rin ang sarili sa pagbabasa.

"Oo," natatawa kong sagot. "With all the happenings around me, parang aatakihin yata ako ng anxiety."

Sinara niya ang hawak na libro, ang pang-pitong libro niya sa linggong ito.

"Ang haba naman kasi ng hair mo. Biruin mo pinag-aagawan ka ng dalawang heartthrob sa campus natin," biro niya sa akin.

"Nako, Alice, hindi ko ginusto 'to. Ang hirap maipit sa dalawang kilalang tao rito sa academy. Idagdag mo pa 'yung mga taga-hanga at nagkakagusto sa kanila. Baka mamaya, gumamit sila ng spells para kulamin ako."

Natawa siya sa sinabi ko. "Edi i-turn down mo na sila para hindi ka na rin mahirapan."

"Kung alam mo lang, ilang beses ko na silang pinatigil kaso they really insist."

Eukrania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon