"Bitawan niyoo koo! Yung aanaak ko! Pinatay niyo ang anaak ko!!!" Pagwawala nito.





Tatlong pulis ang lumapit para tuluyan na mapigilan sa pagwawala si Mr. Trinidad.








Pilit itong nagpupumiglas sa mga pulis, napatingin naman ito kay Abby.

"A-abby, dalhin mo na si Coleen sa bahay.."  utos nito sa pamangkin.




Halos hindi na makahinga si Abby dahil sa lubusang paghagulgol.

"M-masyadong delikado dito Abby iuwi mo na si Coleen.." Patuloy ni Mr. Trinidad, unti unti nang lumalakas ang tono ng boses nito.




"T-tito.."



"Please Abby, h-habang natutulog pa ang pinsan mo, Iuwi mo na siya!"





"Tito! Tama naa!"





"Abelaine! Sundin mo ko! Iuwi mo na si Coleen!" Patuloy na sigaw nito habang walang tigil ang pagbuhos ng luha sa mga mata.

Kahit nanghihina pilit naglakad si Abby para lapitan ito. bakas ang galit at poot sa dalawang mga mata nito.

"N-namatay siya dahil sayo!" Sigaw nito sabay bigay ng napakalakas na sampal sa pisngi.

Sinubukan pigilan ng pulis si Abby, pero nagpatuloy pa rin ito sa pagsampal sa tatay ni Coleen.

"Namatay siya dahil sayo! Ikaw ang may dahilan ng lahat ng 'to! Pinatay mo si Coleen!"







Puro sampal ang natangap ni Mr. Trinidad mula sa pamangkin, ngunit hindi pa rin ito sapat para magising siya sa katotohanan na wala na si Coleen.









"B-bitawan niyo ko.. kaylangan ko nang iuwi ang anak ko! Bitawan niyo ko!"
Pagwawala ni Mr. Trinidad.











Tuluyan na siyang binitawan ng mga pulis at agad itong tumakbo papalapit sa katawan ni Coleen.

"B-baby.. uuwi na tayo, gumising ka na." Malambing na sambit nito habang marahang tinatapik ang pisngi ng kaniyang anak.







"Coleen, please wake up, nandito na si daddy.." ngiting sambit nito habang patuloy ang buhos ng luha sa magkabilang pisngi.




Unti unting lumakas ang kaniyang paghagulgol habang patuloy pa rin sa pag gising kay Coleen.

"C-coleen, please.."







"Gumising ka.."









7:32AM - at Cullen's Hospital.

"Good job, doc." Bati ng assistant nurse nito pagkatapos dahil sa kakatapos lang ng succesful na surgery.

Napaupo na lang si Josh dahil sa pagod agad naman lumapit sa kaniya ang isa pang lalaking nurse para maghatid ng kwento.

"Doc, may sinugod kani kanina lang na dalawang dalaga, pinipilit ng mga parents nung dalawang dalaga na gamutin sila."





"Oh? Anong problema don? Hindi ba nandito naman ang lahat para magpagamot?" Tanong ni Josh.







"Doc, dead on arrival po e." Sagot ng Nurse, napatigil naman ito sa paginom ng kape.

Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib na nagdulot ng kuryosidad kaya muli niyang tinanong ang nurse.

"Anong pangalan nila?"













"Re-write."  (sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon