"I'm sorry.."







"Gabb, please wake up.."









Nanginginig ang kamay ni selang humawak sa kaniyang bibig nang madatnan niya ang kaibigan.

"G-gabb, hinde.." bigkas nito at kusa na lang bumagsak ang tuhod sa sahig.








"S-sela!" Alalang pagtawag ni Abby kay Sela, agad itong tumakbo papalapit ngunit napahinto na lang ito nang makita niya kung saan nakatingin si Sela.







"G-gabb.." hindi makapaniwalang sambit ni Abby.












Naestatwa na lang si Mr. Trinidad ng makita niya ang kasintahan ng kaniyang anak na wala ng buhay.

Sunod sunod ang paglunok at tila namumuo ang butil ng pawis sa kaniyang sentido. Isa lang ang nasa isip niya. Kaylangan niyang makita ang anak niyang si Coleen.

Agad itong tumakbo papasok ng building, hindi na siya napigilan ng mga pulis dahil nagkakagulo na rin ang mga ito.






Napahinto na lang ito ng makita niya si Abby na tulala.

Agad siyang lumapit at hinawakan sa magkabilang balikat ito, halos hindi na makatingin ng deretso ito dahil sa sobrang pagkabigla dahil sa nangyari kay Gabb.





"Abby, kaylangan na natin iuwi si Coleen, masyado ng delikado dito.." sambit ni Mr. Trinidad sa pamangkin, at bakas ang kaba sa mukha nito.

Halos wala nang maisagot si Abby, kundi paghikbi.

"Abelaine! Hindi ito ang tamang oras para umiyak!" Sigaw ng tito.








Agad naman pinunasan ni Abby ang kaniyang pisngi habang nanginginig pa ang mga palad nito.




*ting!*

Biglang tumunog ang pinto ng elevator.
Sabay silang napalingon dito. Niluwal nito ang dalawang pulis habang buhat buhat ng isa ang katawan ni Coleen.






"C-coleen.." bigkas nito nang mamukaan niya ang anak.








Agad siyang lumapit kahit nanginginig na ang tuhod sa kaba. "Ang anak ko.."





















Tuluyan na itong nawala sa sarili ng makita niya ang damit ng anak na nababalot ng pulang likido.

"A-anong nangyari sa anak ko.." bulong nito habang hindi inaalis ang tingin kay Coleen.



Marahan niyang hinawakan ang pisngi ng kaniyang anak, unti unting bumuhos ang mga luha sa mga mata nito.




"Sir.." bago pa matapos magsalita ang pulis agad itongm nakatangap ng malakas na suntok mula kay Mr. Trinidad.

"Ang sabi mo hindi mo hahayaamg masaktan ang anak ko! Ang sabi niyo! Ilalabas niyo siya ng ligtas!! " Sigaw nito, Sunod sunod ang natangap na suntok ng pulis mula sa tatay ni Coleen.














Halos maestatwa si Abby sa kaniyang kinatatayuan nang madatnan niya si Coleen na wala ng buhay.

"C-coleen.."








Agad na pinigilan ng iba pang pulis si Mr. Trinidad. Naghilamos na sa dugo ang mukha ng hepe na nangako sa kaniyang ililigtas ang kaniyang anak.



"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now