Kabanata 34

1.5K 98 54
                                    

Boss

"Sure ka na ba rito? Mukhang 'di mapagkakatiwalaan ang lugar, e," deskumpiyadong saad ni Jenna. "Makakatulog ka ba sa higaang 'to?"

Ginala ng aking mga mata ang buong lugar. Okay na 'to. Hindi man kasing komportable ng bahay na nasa Maynila, maayos na rin sa halagang isang libo bawat buwan. Kung tutuusin, swerte na nga at nakahanap ako ng mura.

Maayos kong itinabi sa isang sulok ang maleta at isang malaking bag bago umupo.

"Ang haba ng biyahe. Magpahinga ka muna."

She scrunched up her nose and repeatedly shook her head.

"Dito?" tanong niya. "Sorry kung nakaka-offend, ah? Pero parang may manunuklaw na ahas, e! Parang pugad ng ipis. Linisin mo 'to kung ayaw mong pagpiyestahan! Sa labas muna tayo. Tara!"

Kahit na 'di ko alam kung saan kami papunta, sumabay na rin ako. Hindi ako pamilyar sa Batangas. Isang beses lang naman akong nakapunta rito. Noong... anibersaryo namin ni Asio, kasama si Tito Alejandro.

It was one of the happiest moments of my life. But I didn't stay here because of that. Nagsara na rin naman 'yong lugar na pinuntahan namin. Medyo matagal na rin daw dahil sa pag-alis ng mga may-ari tungo sa ibang bansa at wala nang iba pang mag-aalaga sa lugar.

That put my heart in peace. At least, walang rasong hindi ko puntahan ang lugar na 'to.

"Hmm, tingnan natin," Jenna mumbled as she looked at the map on her phone. "May pasyalan kaya rito sa Lipa?"

Luminga-linga lang ako nang makalabas kami sa kalye ng Juarez, kung saan ako maninirahan dito. Batangas is a huge place. Kahit itong Lipa pa nga lang, malaki na. Hindi ko alam kung alin ang mas malaki sa Batangas at Maynila. Pero pakiramdam ko, lumiliit naman talaga ang mga lugar na nakasanayan mo na at pamilyar na sa 'yo.

"May golf, marunong kang mag-golf?" tanong niya sa akin.

"Mukha ba akong sporty sa 'yo, Jenna?"

"Tama, hindi nga. Sorry naman."

She browsed for more places as we walked along Trinidad Street, keeping myself informed by the signs posted on each street.

Hindi maingay. Mapayapa. Siyudad pa rin naman, pero mukhang mas kalmado kung ikukumpara sa araw-araw na buhay doon sa Maynila. Marami rin palang mga mayayaman dito. At maraming mga trabahong pwedeng pasukan. Sana, kung papalarin.

When we reached Magallanes, Jenna hailed a cab.

"Grabe, tangina, ang init! Mapapagastos pa 'ata ako nang malaki rito."

"Nagugutom na ako, Jenna," parinig ko.

Bagot niya akong tiningnan.

"Oo na! Kakain tayo."

"Kung hindi ka lang sana nag-inarte at pumaya na roon magpahinga sa apartment, walang problema."

Her face twisted in displeasure.

"Ipangako mo na lang sa akin na kapag nagkapera ka nang malaki ay hindi ka na roon matutulog. May tatlong libo naman, ah? Tanggapin mo na lang ang tulong ko—"

I rolled my eyes.

"'Yan ka na naman. Puro ka na naman tulong. Okay lang ako. Tatanggapin ko naman ang itutulong mo kung wala na akong makain. Safe naman 'yong lugar. Mabait pa ang landlady. Walang problema," pagpapaliwanag ko.

"I just want you to experience the best life, you know?" mahinang aniya. "Buong buhay mo naman kasi, parati kang nagtatrabaho. You always end up getting the short end of the stick. I don't get it."

A Second Past TimeWhere stories live. Discover now