Chapter 4

6.9K 166 0
                                    

PAgdating sa bahay wala talagang katao tao.

"Wala tayong katulong so you must learn to cook and house hold chores"-saad nito.

Wala namang problema sa akin ang pagluluto kasi marunong ako niyan dahil naging independent na ako.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa itaas.

"Ito maging kuwarto natin,at isa pa dapat na natin mabigyan ng apo si Vice President dahil matanda na ito "-saad nito na nakakanganga pa ako dahil naman nabigla ako.

Pumasok ako sa kuwarto daw namin,sobrang laki parang puwedi na pang dalawahan na kuwarto.

"You want to take shower first?"-tanong nito sa akin.

"Mauna kana baba lang ako at magluluto"-saad ko dito dahil mag aalas sais na wala pa kaming hapunan.

"No need,nag order na ako ng food"-tumalikod na ito pumunta ng shower room.

Napabuntonghininga na  lang ako.Alam ko magagalit talaga sila Mommy sa akin.

After 15 minutes lumabas na ito na naka boxer at white sando,napatulala ako.He's like a greek God!oh my gulay!

Biglang pinitik nito ako sa noo.

"Mapasukan ng langaw ang bunganga mo"-sabi nito na ikinapula ng mukha ko.

Nakakahiya!

"Ma-maliligo  na ako"-naiilang na sabi ko dito.

Pumunta na ako sa kabinet para maghanap ng damit.kumuha lang ako ng isang malaking t-shirt at may nakita akong bagong panty din.Hindi ko na kailangan ng short dahil sobrang laki ng t-shirt,siguro kay Lewis ito ,mas komportable kasi ako sa malalaking damit pag natutulog.

Afte thirty minutes natapos na din ako,paglabas ko ng bathroom wala na si Lewis sa room namin baka nasa baba na.

Well,hindi rin ako nagsuot ng bra kasi hindi naman kalakihan ang dibdib ko kaya okay lang hindi naman halata sa t-shirt na wala ako bra.Napasimangot tuloy ako,inggit talaga ako sa mga malalaking boobs.Iyong friend namin na si Jenny sobrang laki ng boobs .

Bumaba na ako at nadatnan ko si Lewis na inaayos ang pagkain sa mesa.

"Let's eat"-agad na bungad sa akin.

"Tomorrow ,alas otso ng umaga ang alis ko papuntang opisina"-sabi na kumakain kami.Ang sarap ng pagkain.

"You have a class tomorrow?"-he ask..

"Wala busy ngayon sa school at sembreak na namin"-saad ko dito.

"What's your plan?-tanong nito na titig sa akin.

"Maghahanap muna ako ng work habang wala pang pasukan"-gusto ko muna magtrabho para hindi ako maiinip sa bahay.

"Doon kana magtrabho sa Company ko"-saad nito.

"Ay! ayoko,sa company lang ng friend ko"-sabi ko dito na tinaasan pa ako ng kilay.

"You want or not ako pa rin ang masusunod and  we need to have a baby this year"-mautoridad na sabi nito.

"Hindi puwedi ,hindi puwedi ako mabuntis kasi magtataka ang pamilya ko kasi every three months I need to visit them in US"-

"Wala silang magagawa dahil may asawa kana,kung hindi dahil sa kalokohan mo wala ka sana sa sitwasyon na ito!"-bigla itong tumayo at Niligpit ang pinagkainan namin.

Tumayo na rin ako at nag punta sa lababo para maghugas ng kamay.

"Sumunod kana agad sa kuwarto ,we need to rest dahil bukas isasama kita sa office"-sabi nito na nauna ng umakyat sa taas.

Stolen GroomOnde histórias criam vida. Descubra agora