Chapter 3

186 11 3
                                    

6 years ago

~(LIA ELIZA ALFARO POV)

"Lia, sige na please... kahit ngayon lang please listen to me." said Riel, my best friend.

"Riel, ayokong umalis. I just wanna stay here."

Inangat nito ang isang kamay sa ere in frustration. "And then what? Magpapakalugmok k?  Day and night you'll think of Timothy? For Pete's sake, Lia, it's been 2 years. You should be moving on."

Humugot ako ng malalim na hininga at tinungo ang malaking glass window. Tinanaw ko ang garden at swimming pool sa ibaba.

"Mabuhay ka naman. I'm sure 'yun din ang gusto ni Tim para sa'yo. Tim is dead, you should learn to accept--"

"Stop." Suway ko sa kanya.

Tumingala ako nang bahagya to stop my tears from falling.

Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nito. Maya-maya, naramdaman ko na ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko. Muli siyang bumuntong hininga.

"Hindi ko gustong saktan ka, bes. Ang gusto ko lang maging masaya ka naman. Gusto ko lang makitang buhay ulit ang best friend ko. Nag-aalala na ako sa'yo. Hindi naman pwedeng ganito na lang sa buong buhay mo, hindi ba? Mag-isa ka dito sa bahay niyo ni Tim. Ni ayaw mong makipag-socialize. Ang sa akin lang, please, please subukan mo naman, subukan mo lang."

Yes, its been 2 years pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari. Kung paano nawala sa akin si Tim nang ganu'n kabilis. It was so unexpected. I wasn't even prepared.

Sa bawat araw ng buhay ko, naalala ko pa rin ang huling beses na nakausap ko ito.

"Can't you tell me the problem, Tim? Kailangan ko na lang bang hulaan lagi kung anong problema? You know what, minsan hindi na kita maintindihan. I'm not sure if you trust me enough to tell me everything," I said over the phone call.

Naka-ilang missed calls ako sa kanya bago niya sagutin ang cellphone niya and it upsets me.

"Why do you always have to know? I told you, I can deal with my own problems. Stay out of it."

Napapikit ako nang mariin.

"Ang sabi ni Justin, kasama ka niya sa club ngayon. Mabuti pa ang kaibigan mo marunong sumagot ng tawag."

"You're already talking to me, pag-aawayan pa ba natin to, hon?"

"Is it still about business, Tim? Bakit hindi mo na lang hayaan si Lorence? Why don't you just be happy for your brother--"

"Stop it!" Sigaw nito sa kabilang linya. "Paano ako magiging masaya kung inagaw niya sa akin ang posisyon ko?"

"Tim, he worked hard for that position hindi naman basta-basta ibibigay--"

"Why are you always defending him, huh? Sa tingin mo ba hindi ko rin pinaghirapan ang posisyong 'yon?" Nabakas ko agad sa tinig nito ang galit.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagbusina sa kabilang linya.

"Tim, are you driving? I told you not to drive if you're drunk."

"Pati ikaw pinamumukha mo sa akin na hindi ako magaling!"

"No, no, Tim. That's not what I meant."

"Damn! Akala mo ba maliit na bagay lang 'yon para sa akin? No! No! I will do whatever it takes para mabawi ko ang posisyon na dapat para sa akin!"

"Where are you? Stop driving, I'll pick you up. Malakas ang ulan, Tim. Please stop driving."

"You know why I'm not telling you all my shits? Because you're always favoring other people than me. Para sa'yo ako lagi ang mali!"

A Wife's RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon