Chapter 13 - Family

Start from the beginning
                                    

Buti na lang at ang mga kapatid lang nila ang naabala nang pagtawa ni Jordan. Ang mga nakatatanda ay busy pa rin sa kung anong pinag-uusapan.

Siniko niya si Jordan. Sinulyapan niya ito saka siya sumulyap sa kuya niya.

Ang binatang katabi ay natatawang tumingin sa kanya, "Bakit?"

"Share mo raw bakit ka masaya."

"Bakit ako? Ikaw ang nagsabi noon kaya ako tumawa," naaaliw na tanggi ng binata.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata, "Hindi ako nagjo-joke kanina. Seryoso iyon. Ewan ko kung bakit ka tumawa. Explain mo sa kanila."

Lalo lang lumakas ang tawa ni Jordan. Nang makabawi ito ay umiling habang naaaliw na nakatitig sa kanya. "You really are something special, Pretzhel."

"She may be special but she's also off-limits, bro," seryosong babala ni Gabriel.

Pinaikot ni Pretzhel ang mga mata. Bumaling siya kay Jordan. "Kain na tayo nang mabilis para makaalis na tayo rito."

Jordan grinned and nodded.

"At saan naman ang punta ninyong dalawa?" tanong ni Riah.

"Sa dagat."

"Sa dagat?" Dumilim ang mukha ni Gabriel. "Anong gagawin ninyong dalawa sa dagat?"

Pinaikot niya ang mga mata, "My gosh, Kuya! Ano bang ginagawa sa dagat? Pick-up sticks. Tumbang-preso. Langit-lupa. Bahay-bahayan. Pwede rin magtakbuhan. Kung trip mo, pwede ring magbaril-barilan."

Napatawa si Riah, maging si Jordan.

Nagdilim lalo ang mukha ni Gabriel. "Sumagot ka nang maayos, Pretzhel. Kung hindi ay hindi kita papayagan."

Ibinaba niya ang kobyertos at pinagsalikop ang mga braso sa tapad ng dibdib. "OA mo naman kasi, Kuya! Sa dagat lang naman kami pupunta! It's not as if sa kwarto kami pupunta at magsu-swimming sa kama."

Napamaang si Riah. Pero lalong nanliit ang mga mata ng kuya niya. "Watch your language, Pretzhel! Baka maikulong kita sa Casita!"

"Magka-kayak lang kami, bro, then swimming after," ani Jordan na hirap na hirap magpigil ng tawa.

"Hindi pwede," pinal na sagot ng kuya niya. Bakas ang pagdududa sa mga mata.

Umikot ang mga mata ni Pretzhel. "My gosh, Kuya! Ayan ka na naman. Hindi na ako bata. Malaki na ako. Kaya ko na mag-decide para sa sarili ko."

Isa ito sa madalas na pagtalunan nila ng kuya. Double-edged sword ang presensiya nito sa bahay nila. While she's very happy that her kuya is with them, it also means that her movement will be scrutinized to the tiniest level. Mas mahigpit pa nga ito kaysa sa Papa nila!

Lumamlam ang mga mata ni Gabriel. "Mananatili kitang baby sister, Pretzhel. Ayaw ko lang na may mangyari sa iyong masama. At ayaw kong kung saan-saan ka dinadala ng mga lalaki. Kahit na ba pinagkakatiwalaan ko pa sila, ibang usapan kapag ikaw na."

She is torn between being touched and annoyed. And she choose to understand her kuya. Nakalakihan na niya ang kwento na siya ang wish ng kuya noong mag-birthday ito. At nang mabuntis ang Mama nila ay gayon na lang daw ang panalangin nito na sana ay baby girl siya.

Her Kuya Gab was always been so protective of her. Even to a fault. He would go out of his way just for her comfort. Even just to give in to her whims and caprices.

Pero ibang usapan kapag lalaki na.

Nagsalita siya sa mas malumanay na boses. "Sa dagat nga lang kami pupunta, Kuya. Open space iyon. Open area. Maghiram ka na lang ng binoculars sa lifeguard kung gusto mong bantayan kaming dalawa."

Hinawakan ni Riah sa braso ang kuya niya. Nang tumingin ang kuya niya rito ay ngumiti ang babae. "Let them be, Gab. Malalaki na sila at alam na nila ang ginagawa nila."

"But, honeypie. Paano kung-"

Ihinarang ni Riah ang daliri sa labi ng kuya niya, bakas ang kaaliwan sa mga mata nito. "Don't be silly, kind sir. I know my brother. Hindi siya flirt at unruly."

Inalis ng kuya niya ang daliri ng fiancée. "Hindi naman iyon ang iniisip ko, honeypie."

Umangat ang kilay ni Riah, halatang hindi naniniwala.

"Paano kung kailan nasa gitna na sila ng dagat ay saka biglang tumaob ang kayak?"

"Maalam naman akong lumangoy, Kuya."

"At maalam din akong lumangoy, bro," ani Jordan. "Lumaki ako sa tabing beach. Kahit hindi maalam lumangoy si Pretzhel ay kaya ko siyang i-rescue."

Kokontra pa sana ang kuya niya nang humilig sa gawi nito si Riah at bumulong sa tenga nito.

Tumikhim ang kuya niya. "Okay," pabulong din na tugon nito.

Tumingin sa kanila si Riah at saka ngumiti. "Sige na. Finish your breakfast and go. Enjoy the sea."

Nagsulyapan sila si Jordan saka tahimik na bumalik sa pagkain. Naunang natapos si Jordan at nang matapos siya ay halos sabay silang tumayo. Hiningit ni Jordan palayo ang bangko para maayos siyang makaalis sa lamesa. Ang lalaki na rin ang dumampot sa sling bag na dala niya kanina.

"Thank you," she beamed at him.

Jordan just smiled.

Palabas na sila sa restaurant nang muling tawaging ng kuya niya ang binatang kasama niya. Sabay silang lumingon ni Jordan sa lamesang pinanggalingan.

Hindi nagsalita ang kuya niya. Itinapat lang nito ang hinlalato at hintuturo sa mga mata saka iyon itinuro sa kanila. Subtly telling them that he will be watching.

Pretzhel eyes went heavenwards while letting out an exasperated sigh.

Pero bago pa siya makapihit paharap sa entrance ng restaurant ay nagtama ang mga mata nila ni Clifford. Kasama nito sa lamesa ang mga mistah, na kumaway sa kanya nang makitang nakatingin siya sa gawi ng mga ito. Ngumiti siya bilang pagbati. Na sinuklian din ng mga ito ng ngiti.

Maliban sa isa.

Hindi na nga ngumiti, mababakas din sa mga mata nito na hindi ito masaya. Manapa'y selos ang nakikita niyang nakaguhit sa mga mata ng binata.

Nagbawi siya nang tingin nang humawak sa siko niya si Jordan at iginiya siya palabas ng restaurant.

"Diretso lang ako sa kayak rental. Sa tabing dagat na tayo magkita," ani Jordan nang makalabas sila sa restaurant.

"Sure." nakangiting sagot niya. Kinuha ang sling bag dito bago lumakad pagawi sa mga nakalinyang beach chair at umbrella sa baybay-dagat.

Nang makarating doon ay ipinatong niya ang sling bag sa beach chair. Ang nakalugay na buhok ay itinali niya sa ibabaw ng ulo. Ayaw niyang mahirapan mamaya sa gitna ng dagat. Mahirap magsagwan na nakasabog ang buhok sa mukha. Kasunod na hinubad niya ang suot na puting button down kimono style cover up. Isinampay niya iyon sa sandalan ng beach chair.  Naka pulang one-piece swimsuit siya. Plunging ang neckline niyon. Ang design ng likod ng swimsuit ay mga strap na naka crisscross. Matangkad na siya, pero mas lalo siyang nagmukhang matangkad dahil high cut ang bottom part ng swimsuit.

Binuksan niya ang sling bag. Pasado alas siyete na. At kung magtatagal sila sa gitna ng dagat at tiyak na masakit na rin sa balat ang sikat ng araw. Kinuha niya ang sunscreen at naglagay sa palad. Ipinatong niya ang paa sa beach chair saka nilagyan ng sunscreen ang hita. Maging mga braso, ang naka-exposed na bahagi ng dibdib, at leeg ay nilagyan niya ng sunscreen.

Naglagay siya ng sunscreen sa kamay at sa abot ng makakaya ay pinahiran ang likod. Iyon nga lang, hirap siyang maabot ang buong likuran.

"Ako na, Pretty."

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now