Chapter Thirty-One

Magsimula sa umpisa
                                    

"Let's go at my place. Xiana and Xevan are sleeping there. You'll feel much better once you see them," he said and smiled.

I wiped my tears and nodded. "Yeah, that's right. Just seeing them will make me feel better."

Sumakay na kami sa kotse n'ya. Tahimik na tumingin na lang ako sa mga gusaling nadadaanan namin. Mabigat pa rin sa loob ko ang nangyari. Alam kong hindi ko basta basta makakalimutan si Archer at ang nararamdaman ko para sa kanya... pero iisipin ko na lang na ginawa ko 'yon para sa ikabubuti ng mga anak ko at iyon ang mahalaga... ang mga anak ko ang mahalaga.

Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa pad n'ya. Ang tagal na rin noong huli akong nagpunta rito, pero walang nagbago sa paligid.

Agad akong inihatid ni Xanthos sa silid ng mga bata at naabutan ko silang mahimbing na natutulog. Pakiramdam ko agad na naalis ang bigat sa dibdib ko nang makita sila. Napangiti na lang ako at agad na lumapit at tumabi sa kanila. Buti na lang at malaki ang kama nila.

"You can sleep there beside them... You can also take a shower if you want to, your old clothes are still there," sabi ni Xanthos sa mahinang boses na tila nag-iingat siya na magising ang mga bata.

Napangiti ako at tumango. "Salamat, Xanthos."

Tumango na lang siya bago lumabas ng silid.

Sinunod ko ang sinabi n'ya at nag-shower muna at nagpalit ng damit saka muling humiga sa tabi ng kambal. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na lang na hilahin ako ng antok... Pakiramdam ko talagang napagod ako ngayong araw.

NAGISING AKO nang maramdaman kong may tumatalon sa kama. Kinusot ko ang mga mata ko saka unti-unting idinilat ang mga mata ko.

"Yehey! Nandito si Mama, kuya! Meaning to say, we will finally live together as a whole family!" excited na sabi ni Xiana at muling nagtatalon sa kama.

"Yehey!" sabi rin ni Xevan at nakitalon. Hindi ko inaasahan na sasabihin n'ya 'yon.

"Mga anak..."

Napatingin silang dalawa sa 'kin at agad akong sinugod ng yakap. Napangiti na lang ako at niyakap din sila.

"Mama! Dito na po ba tayo ulit titira kay Papa?" excited na tanong ni Xiana.

I sighed and caressed her hair. "No, baby. I'll just stay here for today. Babalik din ako kay Ninang Denise n'yo mamaya."

Kitang kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Xiana dahil sa sinabi ko, gano'n din naman si Xevan.

"Mama, isusumbong po kita kay Papa," paghihimutok ni Xiana at dali daling lumabas ng kwarto. Agad namang sumunod si Xevan sa kanya.

I just shook my head and stood up to take a quick shower before heading out of the room. Umaga na pala. Mukhang tuloy-tuloy ang naging tulog ko rito kagabi.

Dumiretso ako sa kusina nang makaamoy ako ng mabangong niluluto. Naabutan ko si Xanthos na nagluluto habang ang kambal naman nakayakap sa baywang n'ya at ginugulo siya.

Napatitig ako sa kanila. Napapatawa na lang si Xanthos at tila hindi ito naiirita sa pangungulit na ginagawa ng kambal. Hindi ko namalayang napangiti ako habang pinagmamasdan sila.

"Sabi po ni Mama aalis din siya. H'wag ka pong pumayag, Papa! We should live together again, forever and ever! Iyon po ang gusto namin ni Kuya Xevan... Diba?" tanong ni Xiana sa kakambal.

"Opo, Papa," pagsang-ayon naman ni Xevan kay Xiana.

"We can't force your mother to stay here... Now, go back to your seat. I'll prepare your favorite carbonara," Xanthos said and turned off the stove.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon