"Hey," natigilan siya nang maramdaman niya ang paghawak nito sa isang balikat niya.

Pinihit siya nito paharap sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi dahil 'di talaga siya makatingin ng diretso rito. Umayos ka Cambria kung ayaw mong ipasagasa kita sa daan. With all her super powers ay matapang na tinignan niya ito.

"Aalis ka na? May payong ka ba?"

"Ah eh -"

"No, ang mabuti pa ay samahan mo nalang muna ako."

"Huh?"

"Halika, sumama ka saken sa loob. May bibilhin tayo." 

Mabilis na napatingin siya sa kamay ni Crosoft nang hawakan nito ang kamay niya. Lalo lang siyang naloka dahil hindi lang 'yon isang simpleng hawak kamay lang na typical na nakikita niya sa mga drama sa TV. Ito 'yong klase na makahugpong talaga. 'Yong mga moment na nababasa niya sa libro na when he laced his fingers to hers. Puputok na yata ang puso niya sa kilig.

"Pasok na tayo," bago pa siya makahuma ay hinila na siya ni Crosoft pabalik sa loob ng Mall. Lihim naman siyang napangiti. 

Naiilang siya sa mga tingin ng ibang tao sa kanila ni Crosoft sa Mall. 'Yong iba ay nahuhuli pa niyang nagbubulungan. Hindi naman sa pag-a-assume pero hindi naman siya ganoon ka tanga para 'di ma gets na sila ang pinag-uusapan ng iba. Kinikilig dapat siya pero mas nangingibaw naman ang pagka-ilang niya. Ang gwapo naman kasi ng kasama niya. Samantalang siya, mapagkakamalang yaya o PA niya.

May dumaang dalawang babae sa gilid niya.

"Ang aga naman nilang nagka-baby."

"Oo nga eh, sayang din ang guy. Ang gwapo paman din."

"Ang swerte ni girl kahit 'di kagandahan."

Huh? Anong maagang nagka-baby? Masyado na bang malaki ang belbel ko para pagkamalang buntis? Napahawak siya sa tiyan niya. Hindi naman malaki ah. Binalingan niya si Crosoft. Kumunot naman ang noo niya nang mapansin ang mga ipinasok nito sa basket nito. Lahat puro baby clothes and baby stuffs. 

Ngayon lang din niya napansin na nasa Baby Department pala sila. Huwag mong sabihing batang ama itong si Crosoft? Nooo! Hindi pwede. Masakit sa heart. 

"C-Crosoft," tawag niya rito. 

"Alin ang mas maganda." Iniharap nito sa kanya ang dalawang feeding bottle na may magkaibang kulay. 'Yong isa may design na Barney at 'yong isa naman ay si Spongebob. "Ikaw Cam, anong mas pipiliin mo?"

"Ahm... 'yong walang design para mas matantiya ang sukat ng tubig."

"Oo nga, 'no?" Ibinalik nito sa estatante ang dalawang feeding bottle saka kumuha ng mas simpleng feeding bottle. Maingat na inilagay nito 'yon sa basket na dala. "Good choice." Hinawakan ulit nito ang kamay niya. At hindi talaga siya sanay huhu. 

Bigla namang nag-play  ang kanta ni Toni Gonzaga na "Naman Kasi". Lalo lang tuloy siyang kinilig at feeling girlfriend nitong si Crosoft. Ang kilo ng atay at utak niya lumalaki na sa sobrang dami na ng hangin. Alam mo 'yong kahit na nakakailang sa ibang tao nakaka-proud pa din.

"Ahm, anyway..." simula niya. "Kung 'di mo mamasaain Crosoft. Para saan ang mga 'yan?"

Nakangiting sinulyapan siya nito. "Para sa baby natin."

"Huh?"

Natawa si Crosoft. "Joke, pero pwede din namang totohanin natin." Kumunot lang ang noo niya. Itinaas nito ang isang kamay at nag-peace sign. "Joke lang, ito naman. Pinabibili lang saken 'to ni Ma'am. Gagamitin daw sa assesment bukas."

MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOMWhere stories live. Discover now