"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Race.

"Kahit saan.. basta hindi ko lang kayo makita pa!" sigaw ko ulit.

"Sa gwapo naming ito?!" sambit pa ng isa na alam kong si Mickey iyon. Sa ilang araw na nakasama ko sila, kabisado ko na ang mga impakto nilang mga boses kahit hindi ko pa tignan ang mga impakto nilang pagmumukha.

Wala akong sinagot sa sinabi niya. Nagpatuloy na akong maglakad kahit pa pinipigilan pa nila akong umalis.

"First, please don't leave." pakiusap ni Craig. ..please not again. Maawa ka naman sa akin." muling tumulo ang luha ko sa pakiusap niya. Paano kung andun siya sa pool kanina habang sinasabi ni ate Sage ang katotohanan? Kakausapin pa kaya niya ako ng ganito? Hindi ba sila matatakot sa akin? Hindi ba sila masusuka dahil sa kasamaang ginawa ko?

"First!" natigilan ako sa taong tumawag ulit sa akin mula sa likod ko.

Clover.

"First don't go." malungkot niyang sigaw.

Nakuyom ko ang dalawang palad ko bago malalim na huminga.

Malungkot ko lang siyang nilingon bago pabulong na nagpaalam.

"Goodbye Clover." mahinang sambit ko bago malungkot na ngumiti sa kanya.

Mapait na lang akong napangiti. Siguro ito na ang huling beses na makakasama ko sila. Ito ang kabayaran ng paghangad kong makalaya mula sa bangungot ng nakaraan ko.

"First!!" sabay-sabay pa nilang tawag sa akin ng tuluyan na akong makasakay sa sasakyan ni Blue.

Parang kelan lang nang tinatawag din nila ang pangalan ko sa school.

Napabuntong hininga naman na bumaling sa akin si Dew bago balikan ng tingin ang mga impaktong nakatanaw lang din sa papalayo naming sasakyan.

Inikutan niya pa ako ng mata bago nagsalita.

"Baliw ka talaga! Why you let that bitch na lunurin ka gaga!" palatak pa ni Dew patungkol sa ginawa ni ate Sage na hindi ko na magawang sagutin. Nanghina ang kalooban ko sa rebelasyon at naging reaksyon ng mga kaibigan ko na dinagdagan pa ng mga hitsura ng mga impakto.

"She wanted her to end her life na pwedi naman nating gawin para sa kanya." bored na sabat ni Ivory.

"If you want to die,. die decently. Hindi 'yung malulunod ka lang sa 6 ft." sambit din ni Blue na tinawanan naman ni Dew.

"Nakakahiya. Isang myembro ng D 'STERCES nalunod sa 6 ft. Ahahahaha." patuloy pa ring tawa ni Dew na katulad kanina ay hindi ko pa rin binigyan ng pansin.

Nasandal ko na lang ang ulo ko sa bintana ng magsimulang sumakit ang ulo ko dahil sa lahat ng nangyari ngayon.

Ito ang kapalaran ko. Ang maiwan ng lahat.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko na nga din alam kung sino ang nagmamaneho dahil sa masakit ang ulo ko,  parang wala ding pumapasok na anumang bagay sa utak ko.

"You didn't explained to Tork." buntong-hiningang sambit ni Ivory mula sa harap.

Nagaya ko na din ang pagbuntong hininga niya habang nakatanaw sa tanawin sa labas ng bintana. Siguro okay na din iyon na hindi ako nakapag-paliwanag sa kanya upang hindi na siya sumunod sa akin. Natatakot akong sagutin ang mga magiging tanong niya kung saka-sakali dahil alam kong masasaktan ko siya.

"Paano ang pamilya mo? Aaminin mo ba sa kanilang ikaw ang batang inakala nilang namatay noon?" sambit na naman ni Blue na inilingan ko lang.

"Hindi na nila kailangang malaman Blue.. ilang taon ko na din iyong tinago sa kanila.. ilang taon ko nang sinanay ang sarili ko na wala akong matatawag na pamilya kaya hindi ko na kailangan magpakilala pa." mahaba kong sagot habang nakatuon pa rin ang paningin ko sa labas.

"What about your dad?" tanong naman ni Ivory. Mapait na lang akong napangiti sa sarili ko. I don't know. Okay na din sigurong isipin niyang hindi niya ako totoong anak.

"Think of it First.. paano malalaman ni Sage ang tungkol sa pagkamatay ng ina niya kung walang nagsabi sa kanya?" singit naman si Dew sa usapan na ikinabaling ko na ng tingin kay Ivory. Alam kong may alam siya dahil kung wala ay hindi niya malalaman ang pagdating ni Ate Sage kanina.

"See it for yourself First dahil doon tayo pupunta ngayon." sagot lang ni Blue na katabi ni Ivory sa harapan. Hindi na din ako nagtanong pa sa kanila dahil alam kong tamad naman din silang sumagot.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum