Tumikhim din naman ako at sineryoso ang mukha.

"My Grand Uncle told me you're the contructor of my project," wika ko nang ibinigay ko pabalik kay Harris ang aking bow.

Sumunod saglit ang tingin ni Asiel sa aking ginawa at tiningnan si Harris na umatras naman at nagtungo pabalik sa bench kung saan naiwan ang Archery bag.

"Yes. I'm here to negotiate about the project," sabi niya.

"Really? With an Archery equipments with you?" panunuya ko para tuksuhin siya.

"I need to get the trust of the client so..." Binasa niya ang labi at nagtagal ang paninitig sa akin.

I chuckled and shook my head. "So you're thinking I will not accept it once your performance isn't good?"

He nibbled his lowerlip, trying not to smile too much. Dahan dahan ang kanyang pagtango kaya muli akong natawa. How am I going to decline this when it's Asiel? Hindi ako pakipot. At kung trabaho lang din naman... edi sige trabaho lang.

"Trabaho lang naman ba?" I asked and tilted my head so I can see a clearer view of his face.

"Trabaho lang," he assured, like it's part of the negotiation.

Tumango ako ngunit nanunuya ang ngiti naming dalawa sa aming mga labi, para bang may sekretong lenggwahe kaming dalawa sa likod ng aming mga utak at nagkakaintindihan kami ng maigi.

"You can start implementing the project by tomorrow."

Gumala ang kanyang tingin. "Pwede nating pag-usapan agad ngayon. How 'bout lunch?" aniya sa pormal na tinig.

Trabaho pa rin ba 'yan? I want to argue with it pero s'yempre hindi naman ako aatras. Ngunit sa ginagawa ni Asiel, sa pag-angkin niya sa buong kompanya ng mga Villaraza kahit alam niyang balak ko iyong galawin, hindi dapat ako magpadalos dalos sa kanya. But even when he smells danger, I'll gladly welcome him with open arms. Ganitong klaseng kontrabida pa talaga ang ibibigay sa akin ng langit para masubok ako kung gaano ako katatag, huh?

Sumama ako kay Asiel para sa negosasyon ng proyekto. We dined in on a Restaurant nearby. Hindi gano'n ka init kahit summer kaya presko ang paligid lalo na't kalmado rin ang klima.

Pinaghila niya ako ng upuan. Gumala saglit ang aking tingin. Si Harris ay nasa labas, akala mo ay lawin na tahimik lamang na nagmamatyag sa aming dalawa. I smiled at him because he's too serious. Natauhan siya at kumurap habang dahan dahan ding sumisilay ang ngiti sa kanyang labi.

Tumikhim si Asiel kaya nakuha niya ang aking atensyon. He lazily drifted his eyes on the menu.

Kinuha ko rin ang menu at pinasadahan ng tingin ang gustong kainin. I nibbled my lowerlip while choosing a pasta. Nahuli ko ang pagnanakaw ng tingin ni Asiel sa akin.

"Are you going to order a pasta for yourself?" tanong niya.

Tumango ako. "But I'm a bit undecided. Hindi ko pa natitikman itong isa at mukhang masarap din 'to."

Nagtawag siya ng waiter.

"I'd like to order all the pasta on the menu," ani Asiel na ikinakurap ko.

"Asiel I can't eat all of it-"

"Tikman mo lang," putol niya at muling ibinalik ang atensyon sa waiter.

Natutop ang aking bibig. Tumatango na ang waiter at pinapakinggan ang bawat utos ni Asiel. Tinitigan ko siya ng malalim. Alam niyang mahilig ako sa pasta at talagang bibilhin niya lahat ng pasta sa menu, huh? That will cost too much. Ngunit sa narating niya ngayon, baka barya lang sa kanya ang bagay na 'to.

T A I N T E D (NGS #8)Where stories live. Discover now