"Anak, kay Yeng na lang ako sasabay, ha. May pupuntahan pa kami, eh. Siya na lang maghahatid sa akin pauwi." sambit ni Nanay pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko para sana umuwi na.

Kunot noo naman akong napatingin sa kanila ni Yeng. At saan naman dadalhin ni Yeng ang nanay ko?

"Makatingin ka naman, Erik, para namang may masama akong gagawin kay Tita. Gigimik lang kami." nakangisi niyang sabi sakin. At ang nanay ko naman ay tumawa lang sa sinabi niya.

Tiningnan ko sila ng masama kaya agad naman silang sumeryoso ng tingin sakin, ngunit halata ko pa rin ang pagpipigil nila ng tawa.

"May bibilhin lang kami ni Tita. Ito naman, wala bang joke sa mundo niyo? Sungit masyado"

Natawa na lang ako ng bahagya sa sinabi ni Yeng. Wala na rin naman akong magagawa sa gusto nila dahil malaki na rin ang nanay ko, kaya na niyang magdesisyon sa sarili niya.

"Iuwi mo ng buo yang nanay ko, Yenggay"

"Oo na. Dami pang sinasabi, mauuna na kami ni Tita, ha! Adios!"

Mabilis pa sa alas kwatro silang nawala sa paningin ko at nakaalis sa dressing room.

Natatawa na lang akong napailing sa kanilang dalawa. Ngunit, agad din iyong nawala nang maalala ko na maagang umalis si Angeline at hindi man lang ako nahintay. Ang totoo niyan ay siya lang naman ang gusto kong makasama ngayon. Yayain ko nga sana siyang lumabas pagkatapos ng ASAP pero hindi na posible iyon.

Pagkatapos ng ginagawa ko sa dressing room ay agad din akong pumunta sa parking para umuwi na. Ngunit kumunot ang noo ko ng mapansin kong wala ang kotse ko sa lugar kung saan ko ito pinark kanina. Kinabahan naman ako, pero hinanap ko pa rin ang kotse ko sa loob ng parking at baka nalito lang ako kung saan ako nagpark.

"Need a ride home, handsome?" agad naman akong napatigil nang may marinig akong pamilyar na boses.

Hindi agad ako lumingon. Naramdaman ko naman ang papalapit niyang mga yapak. Awtomatiko namang gumuhit ang ngiti sa aking muka nang maamoy ko na ang pamilyar niyang amoy. Napakabango talaga.

"Hindi mo man lang ba ako lilingunin, Pogi?" sambit niya nang makalapit na siya ng tuluyan sa kinatatayuan ko.

Agad ko naman siyang nilingon at ganun na lamang lumapad ang mga ngiti ko nang makita ko na siya— ang babaeng mahal ko. Malapad rin siyang nakangiti sa akin.

"Akala ko umalis ka na?" tanong ko sa kanya habang may malapad pa ring ngiti sa aking muka.

Mas lumapit siya sa akin at pinulupot niya ang mga kamay niya sa batok ko.

"Actually, kakabalik ko lang ulit, may inasikaso kasi akong importante kanina." marahan niyang hinapit ang ulo ko para maisandal niya ang noo niya sa noo ko.

Hinawakan ko naman ang bewang niya at hinapit siya palapit sa akin. Ngayon ay magkadikit na ang mga katawan namin. Nasa tagong parte naman na kami ng parking kaya walang kaso kung maghalikan pa kaming dalawa dito dahil wala namang makakakita samin.

AE One Shots (Angeline Quinto & Erik Santos)Where stories live. Discover now