Chapter 11 - Threatened

Start from the beginning
                                    

Lalong umangat ang kilay ni Pretzhel. Kung hindi sa ladies room ay baka bumalik ito sa condo unit ni Clifford. At malamang na doon din nagpunta ang mga ito kanina. Marahil ay pinagod ni Clifford kaya hindi kaagad nakasama ang babae nang bumalik kaninang alas kwarto ang lalaki. Siguro ay nagpahinga pa si Brigitte at nang makabawi ng lakas ay saka na lang sumunod sa party ang babae.

Sumulyap siya sa area kung saan nakaset-up ang party. May kalayuan man ay kita niya ang ngiti sa mga labi ni Clifford.

Umismid siya.

Naalala niya ang sinabi nitong pagbalik ay gagawin ang lahat para maging sila, ang yet, may Brigitte na kasama? Hindi lang basta kasama, ibinandera pa sa mga mistah! At sa mismong engagement party ng Kuya Gab niya!

Iba talaga!

Hindi makuntento ang lalaking ito sa isa.

Ganito rin ang nangyari nang huli silang nagkita. Akala niya ay may unawaan na sila pagkatapos nang muntik nang nangyari sa kanila. Pero nalingat lang siyang saglit at ang kasunod niyang nakita sa garden ang dumurog sa murang puso niya.

And hell will freeze over before she let him kiss and touch her again!

He hurt her before and he won't have a chance to hurt her now!

Muli siyang tumingin sa pinsan. "Kung si Clifford ang nagsama sa kanya ay hindi talaga kailangan ang list mula sa akin. Ni hindi iyon susulyapan man lang ng security guard dahil siya ang may property rito. Si Clifford pa nga ang nag-endorse kaya narito tayo ngayon. Kaya kahit sinong isama niya ay makakapasok talaga."

Tinitigan siya ni Abby. "Pero okay ka na talaga? Handa ka nang makita si Brigitte? Okay lang sa iyo na makitang magkasama silang dalawa ni Kuya Cliff at sweet na sweet sa isa't isa?" nag-aalalang tanong nito.

Ngumiti siya, "Oo naman! Bakit naman ako hindi magiging okay? Kung trip nilang mag-sex sa harap ko ay okay lang din," aniya na tumawa pa, kahit ang totoo ay nag-umpisa na namang mamuo ang galit sa dibdib niya.

Mukhang nagkaka-ayos na ang dalawa. And she better step on the pedal and make sure those two won't be happy.

"Halika na. Babatiin ko pa ang happy couple," nakangiting salita niya saka humakhang pabalik sa venue.

******

"Hello!" ani Pretzhel na yumapos kaagad kay Riah paglapit sa grupo ng mga ito. "Sorry! Had to go to a wedding pa to set up the cake. At nang papunta na ako rito, saka pa ako na-flat-an. Ugh! Napako ang gulong ng kotse ko. Nakakainis. Nagpalit pa ako ng gulong sa gilid ng kalsada!"

"It's okay, Pretzhel. Ang mahalaga nakarating ka nang safe rito," nakangiting sagot ni Riah.

Ngumiti siya. Bumaling kay Jillian at dito naman bumeso. "Hi, Ate Doc Jill. Napaka blooming na buntis naman nito. Ka-insecure! Samantalang ako ang haggard-haggard ko na!" papuri niya sa babae.

At talaga namang maganda ito. She had a different glow. Even her eyes are twinkling. Halatang masaya sa buhay may asawa. Pero hindi siya totoong haggard dahil bago lumapit sa mga ito ay pumasok siya sa ladies room para mag-retouch. Inayos din niya ang off-shoulder top.

"Haggard? Hindi kaya. You are very pretty," nakangiting sagot nito.

"I agree. Actually, you are more than pretty, Pret," anang lalaking kanina pa niya ramdam na nakatitig sa kanya.

"Tigilan mo 'yang palipad-hangin mo, Sales," asik ni Gabriel.

Tumingin siya kay Clifford. Imbes na magsalita ay nagkibit-balikat lang siya. Itinulak niya palikod ang buhok na nakaharang sa harapan ng exposed na balikat. Mula sa mukha niya ang bumaba ang mga mata ni Cliff sa leeg, nagtagal sa tapat ng dibdib niya, saka bumaba hanggang sa mga paa niya. Clifford's eyes slowly surveyed her body. Pretzhel bit the inside of her lip when their eyes met. Appreciation in his burning gaze. He winked and grinned at her.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now