•••

"Shala, laki ng eyebags natin ah? Mabigat?" Bungad ni Yangyang matapos nyang makita si Jaemin after ng klase nito.

"Baobao wag mong asarin kita mong sobrang lungkot ng buhay nyan eh." Saway naman ni Renjun kay Yangyang.

"Ayaw mo pa umamin ha. Bahala ka baka may biglang manligaw kay Jeno. Mahuhuli ka." Dagdag pa ni Yangyang sa kanya na lalong nagpasimangot kay Jaemin.

Kakaiwas kasi ni Jeno sa kanya, nakipagpalit ito ng kwarto kay Chenle at pumayag naman yung isa kaya mas masama yung mood nya. Pati kay Chenle nagtatampo na din si Jaemin.

"Hindi pa ako ready ano ba."

"Kailan ka ba magiging ready?"

Napatingin din sila kay Donghyuck na parang hindi rin makafocus kanina pa dahil mukhang may malalim na iniisip. Hindi naman nila alam kung ano.

"Hoy ikaw. Anong problema mo?" Kinalabit sya ni Renjun.

"Huh?" Mukhang nagising ang diwa ni Donghyuck nang kulbitin sya ni Renjun. Npatingin din naman si Jaemin sa kanya. "Wala."

"Ano nga? Parang others naman to eh."

"Iniisip ko lang kung seryoso sakin si Sungchan. At pati na din yung pagiging distant ni Mark sakin."

"Talaga naman si Lee Donghyuck. Hindi pa kayo ni Sungchan pinagdudahan mo agad." Sabi ni Yangyang. "Saka anong kay Mark? Syempre kahit gaano kayo kaclose nun once na nagkaroon ka ng manliligaw matik na didistansya yun."

"Oo seryoso naman yun sayo. Ikaw lang ang bukang bibig nun eh." - Renjun.

"Di mo sure." Blangkong sagot ni Donghyuck sa kanya.

"Bakit?" - Jaemin.

"Nakita ko kasi sya nung isang gabi na kasama si ate Autumn tapos sobrang dikit nila at mukhang ano, ewan. May something eh, hindi ko matukoy."

Natahimik naman yung tatlo sabay biglang hila kay Donghyuck sa sulok.

"Hoy anong something yun? Anong nakita mo? Alam ba ni Jaehyun hyung?" - Jaemin.

"Hindi ko alam kung alam ni Jae hyung. Pero uma-attempt sya na halikan si Sungchan? Ewan ko din baka mali ang iniisip ko oh dahil inaantok lang ako."

"Huy? Seryoso?" Tanong ni Renjun.

"Hala bat di mo tanungin si Sungchan? Baka naman inaasar lang yun nung Autumn na yun."

"Ewan Yangyang. Hindi ko na alam pero pakiramdam ko may hindi tama eh."

"Walang something sa kanila Hyuck."

Napalingon silang apat kay Shotaro na bagong dating lang at may dala-dalang bag na lagi nya din dala kapag may practice ang dance troupe. Grabe yun, kakapasukan lang nila practice nanaman sila agad.

"Promise. Hindi nya lang magawang itulak si ate kasi ang daming nakakakita at baka kung anong isipin sa kanya kapag napasobra ang tulak nya. Buti nga nakita ko sila eh."

"Sigurado ka Taro?" - Renjun.

Sunod-sunod naman itong tumango. "Oo. Pero tama kayo dun sa part na may something. Walang something si Sungchan pero si ate parang meron."

Nagkatinginan naman si Yangyang at Renjun. "Alam mo kung ano yung naiisip ko?" Tanong ni Yangyang.

"Parang alam ko? Di ako sure."

"Hindi nyo ba napansin nung nasa beach pa tayo?" - Shotaro.

"Hala ewan ko. Hindi tayo sure pero let's just keep an eye on her nalang. Unang kita ko pa nga lang dun masamang spirit agad yung naaamoy ko eh." Sabi ni Yangyang. Tumango naman si Renjun at kumapit ngayon sa braso ng jowa nya.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن