In the blue corner

Magsimula sa umpisa
                                    


"It's that exact thinking that scares me right now, you should think a bit more about your self some time, so that you can enjoy yourself naman, have fun, be with people your age," sermon niya na lang sa lalake dahil sa tila pag-uugali nito.


"I'm having fun naman eh, and also na-e-enjoy ko pa rin naman lahat ng gusto ko kasi hindi niyo ko pinagbabawalan, mas gusto ko na iyong ganito," magiliw na saad ni Mikael na ngiting-ngiti pang pinaglalaro ang kilay.


"Eh paano naman iyong pangarap mo na magka-anak at pamilya." Pamamaywang na lang niya rito.


"Ayos na po iyon!" Makulit na tango na lang nito sabay halakhak.


Hindi niya tuloy napigilan ang pagkunotan ng noo ang binata dahil sa mabilisan na nitong sagot.


"What do you mean by that?" Pagtataas niya na lang ng isang kilay sabay halukipkip dahil sa inaasal nito.


"Lalake naman ako mam Lucy, kahit anong oras pwede ako magka-anak," magiliw na sagot na lang ni Mikael.


Napabuntong hininga na lang siya muli dahil mukhang hindi nanaman nakakarating ang nais niyang sabihin sa binata, halatang sarado nanaman ang isipan nito ng mga oras na iyon.


"Eh paano naman iyong nangyari sa amin, don't you feel the least bit angry about it?" pagpapaalala niya na lamang.


Naroon kasi ang parte na nais niyang maintindihan nito na sadyang hindi talaga sila pwede dahil sa lagay nilang dalawa, maliban roon ay naisip niya rin ang sinabi ni Andrew na baka iyon ang paraan para makapag-isip-isip na ito.


"Siyempre nagagalit rin po, pero wala na naman ako magagawa kasi nangyari na, tsaka wala naman sa usapan na hindi pwede iyon," sambulat na lang ni Mikael.


Doon niya lang napagtanto na talagang mukhang iba na talaga ang pag-iisip ng binata, dahilan para lalo lamang siyang mag-alala rito.


"And this is exactly the reason why we need to stop, this kind of relationship isn't healthy for you," turan niya habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ng binata.


Pilit lambing niya na lang na paliwanag dahil nakikinita niyang talagang iba na ang nagiging epekto ng relasyon niya sa binata.


"Okay lang naman po ako mam Lucy, promise," sabi ni Mikael na puno ng paglalambing habang iniaangat pa ang isang kamay.


"Hindi ganoon ang nakikita ko," sita niya na lang rito.


"Wala naman nagbago sa akin mam Lucy, okay naman ako o," Pumostura na lang si Mikael na nakaangat ang dalawang kamay at ngiting-ngiti pa.


Napabuntong hininga na lamang si Lucy sa kakulitan nito. "No you are not Mikael," Marahan niyang hinaplos ang magkabilang pisngi nito para mabalik sa pagseseryoso. "I knew I should have never agreed to that set up, sorry for everything, sorry for doing that to you, sorry na hindi ko man lang naisip ang kalagayan mo, sorry if hinayaan nasira ko ang kinabukasan mo ng ganoon and sorry na I just couldn't return your feelings for me," kagat labi niyang sambit.

Their Complexities (Book 3 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon