"Ace! Tatamaan ka talaga sa'kin! "

"Hindi na kailangan. Malakas na ang tama ko sa'yo eh. "

Makikita sa mukha ni Ash na malapit niya nang kalmutin si Ace.

"Salubong agad ang kilay mo, my love. Dapat mata natin ang magkasalubongan eh. Anyways, flowers for you. Happy valentine's. "

Binigay niya ang bouquet kay Ash na wala nang nagawa kundi tanggapin na lang.

"Wala man lang 'thank you' o kaya 'I love you' riyan? "

"Do you want me to slap your face using this bouquet?! "

Mabilis na umatras si Ace at nagtakip ng mukha.

"Huwag naman sa mukha, mahal. Mamanahin pa 'to ng mga anak natin. "

Tsk! Ang daming endearment ni Ace. Napaka-advance pa niya mag-isip. Hindi niya na pinatulan si Ace at tinalikuran na lang ito pero tinawag muna siya.

"Ano na naman ba, Ace?! "

"Alam mo ba sa tuwing nakikita kita parang nasa future life na ako. "

"What are you talking about? "

"Kasi nakikita ko na ikaw na ang magiging ASHawa ko. "

Pansin kong namula ang mukha ni Ash at walang lingon na umalis.

"Nice move, Ace. "

Napapitlag ako nang biglang may nagsalita.

"Kanina ka pa riyan, Kin? "

He kissed my forehead first before answering me.

"Hindi naman. Ang ASHawa lang ang naabutan kong scene. Galing bumanat Ace ah?"

Nag-fist bump silang dalawa.

"Kailangan kuya eh. Tingin ko malapit na siyang mapasa'kin. "

Napailing na lang kami ni Khirro. Nagpaalam na si Ace kaya naiwan kaming dalawa.

Magkahawak ang kamay na lumakad kami. Halos naka-color red ang mga estudyante at mayroon ding may dala-dalang bouquet, chocolates, and teddy bears.

"Kin? Naipagpaalam na kita sa parents mo na dadalhin kita mamaya sa bahay pero bago naman mag alas otso isasauli na kita. "

"Anong gagawin natin don? Buti pumayag si daddy? "

"Malakas kaya ako kay daddy mo. Magde-date tayo. Ipagbe-bake kita ng cupcakes. "

Ganito talaga siya tuwing sasapit ang araw ng mga puso. Marami siyang surprises sa'kin. Nabuking ko rin pala siya last year na hindi siya allergic sa sunflower. Reason niya lang daw yun kasi sobra siyang nagselos kay kuya Caesium. Pumunta kami kasi non sa flower shop tapos hinawakan niya ang sunflower at inamoy pa. Hindi niya alam na nanonood ako kaya hulicam siya. Sa tagal ng relasyon namin wala naman kaming naging problema maliban na lang minsan yung pagiging seloso niya.

"Pres! Aesthe! Register namin kayo dito sa wedding booth namin ah? "

Nasa tapat kami ngayon ng wedding booth nina Waffle.

"Sure. Libre ba? "

Sumang-ayon naman ako sa tanong ni Khirro. Kita kong napairap si Anne.

"Ang kuripot mo, Pres. Pero sige payag na kami na libre basta kami ang unang makakaalam kapag balak niyo nang magpakasal ah? " Anne

"Tapos exempted kami sa wedding gift ah?" Neptune

Natatawang pumirma si Khirro sa registration paper.

"Deal"

Napatakip ako sa tenga nang malakas na tumili sila.

"Umalis na nga kayong dalawa! Lalanggamin booth namin eh. Balik kayo dito mga alas dos ng hapon ah? Kayo ang gagawin naming highlights. "

Nagpaalam kami sa kanila at nagpatuloy sa paglibot sa school. Pumasok kaming dalawa sa photo booth, souvenir, math, science, at sa lahat ng both hanggang sa ang huli ay wedding booth at jusme! Highlights nga kami kasi nang-imbita talaga sila ng mga audience. May pa-wedding march at song din sila tapos ang singsing na ginamit nila ay promise ring pa nina Waffle at Alyxir. Sa huli, Khirro gave me a light kiss on my lips na umani ng hiyawan at tilian.



Papasok na kami ngayon sa bahay nila at nakasalubong namin si Aiden at Syed.

"Good eve po, ate, kuya. "

Binati naman sila namin pabalik

"Kuya, everything's perfect na po. Naayos na namin ni Syed. "

"Thanks to the both of you. Mamaya ko na lang ibibigay ang prize niyo. "

Nagtatakang tiningnan ko si Khirro habang papalapit kami sa living room nila.

"Anong ginawa nila? "

"Secret. It's a surprise. "

Umupo muna ako sa sofa dahil nangangalay na ang mga paa ko.

"Where's mommy and daddy? "

"May importante lang silang pinuntahan. Mamaya nandito na sila. "

May kinuha siyang paper bag sa glass table at binigay sa'kin.

"Here, you change clothes first in my room. Prepare ko muna ang mga gagamitin ko. "

Dala ang paper bag na pumasok ako sa room niya. Simpleng peach ang color ng dress na umabot hanggang tuhod ko at may kasama rin itong hair clip na may ribbon design na peach din ang color. Nag-apply ako ng polbo tapos liptint at magsusuklay na sana pero mukhang naiwan ko sa kwarto ko.

Siguro naman hindi magagalit si Khirro kapag ginamit ko ang suklay niya.

Lumapit ako sa life size mirror niya at hinalungkat ang bawat drawer na nasa gilid nito. May nakita akong puting suklay na mukhang mamahalin. May name na naka-ukit.

'Shanaiah Laurisse'

Hinalughog ko ang drawer at may nakita akong mga gamit pambabae like bracelet, panyo, pink watch, earrings na heart shape tapos may picture frame na nakataob.

Lahat ay may nakaburdang pangalan. Parang customized nga lahat eh.

Sa hindi malamang dahilan bigla na lang akong sinalakay ng kaba ang puso ko nang mahawakan ko ang picture frame. Parang bigla akong kinapos ng hininga.

Lakas loob na tiningnan ko ang litrato. Dalawang tao. Nakayakap ang lalaki sa likod ng babae na naka-peace sign habang ang lalaki naman ay nakangiting nakasandal ang panga sa kanang balikat ng babae. They look so in love in the picture at makikita talaga sa ngiti nila na umabot hanggang mata.

"Shanaiah love Khirro. Happy 1St anniversary to us, babe. I love you so much. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon