"Hindi ako nagpakita kay Olivia, pero alam kong nasa mansion siya,"
"We have to go now," sabi ko sa babae.
Tumango ito. Isinama namin ang babae paalis, maraming tinanong sila Rhysand dito at paminsan minsan ay nagtatanong din ako, habang tahimik naman si Sawyer.
He like the girl, the one named Kelaya. Kahit hindi niya sabihin alam ko, una pa lang.
Rhysand's POV
Mabilis ang naging oras, kasalukuyan kaming nasa loob ng police station, kung saan nagtatrabaho ang Kuya nila Lorcán at Sawyer. Puro tanong ang kanilang ginawa at sumagot naman ang babae.
"Maaari mo bang sabihin sa amin ang pangalan mo?" tanong ng isang pulis.
"Lacuna West," maikling sagot ng babae.
Nakaupo ang babae at ganoon din ang iyong pulis na nagtanong. Nakatayo kami sa gilid ni Lacuna at ang kapatid nila Lorcán ay nasa nakatayo rin, nasa gilid ng isa pang pulis.
Ilang oras ang tinagal namin doon. Pagkatapos ay nagreport iyong pulis tungkol sa mga nakuhang impormasyon kay Lacuna.
Makalipas ang ilang oras dumating ang ibang mga pulis at kasalukuyang nag diskasyon.
Sumakay kami sa sasakyan ng mga ito, at sumama papunta sa gubat. Habang papunta roon ay may halong kaba akong nararamdaman. Siguro ay ito ang unang beses kong gagawin ang ganito at syempre nakakapanibago at nakaka-kaba.
Masyado kaming marami kaya naiwan sina Aillard at Maevel sa police station. Tahimik si Sawyer at parang malalim ng iniisip. Sa front seat ako nakaupo at ang tatlo ay nasa likod. Nasa pagitan ng dalawang lalaki ang babae na ngayon ay tahimik na nagmamasid sa amin. Nagtama ang paningin namin ng babae at naabutan niyang nakatingin ako sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil masyadong nakaka intimidate ang ito.
Limang sasakyan ng pulis ang nasa unahan namin. Ilang minuto pa ang itinagal namin.
Elias's POV
Iminulat ko ang aking dalawang mata mula sa malalim na tulog. Pinagmasdan ko ang aking paligid at napagtanto na nasa aking silid ako.
Sa totoo lang, sobrang nahihirapan at nanghihina na ako, masakit ang parte ng aking balikat, kung saan ako sinaksak ni Auntie Olivia. Mabuti na lang din at hindi masyado bumaon ang patalim. Pero kahit na ganoon ay sobrang sakit pa rin. May tapal ng benda roon at betadine. Nakakapagtaka na binuhay pa ako ng babae at ginamot.
Pero hindi mapapawi ng paggamot niya sa akin ang lalim ng galit na dinulot niya sa akin. Hindi ko matanggap na sa isang iglap ay nawala ang mga taong mahalaga sa akin ng dahil sa kanya! Una si Mama at Papa, at hindi na nakuntento pa! Dinamay niya si Kelaya! Si Kelaya na ang gusto lang ay makalaya sa impyernong ito!
Sobrang nakakagalit!
At hanggang sa pagtulog ko, mga mukha nila ang nakikita ko! Ang umiiyak na mukha ni Mama. Ang malungkot na ngiti ni Papa. At ang duguang mukha ni Kelaya. Lahat ng iyon ay nakikita ko! Sa tuwing gigising ako at pipikit sila ang nakikita ko! Sa ilang beses kong pagkukulong dito, naisip kong sumuko at hayaan na lang na mamatay.... Kaso nga lang, walang tutulong kay Lacuna....
Kahit hindi niya sabihin alam kong natatakot ang babae. Pareho lang kami, lumalaban, nag-aalala at natatakot.
Mula sa pagkakahiga, maingat akong bumangon at ininda ang sakit na nararamdaman. Kailangan kong makaalis magtago hangga't hindi pa dumadating si Lacuna. Kung maabutan man ako ni Auntie, paniguradong wala akong kawala. Hindi niya rin alam na ilang beses na akong nagising, nagkukunwari lang akong walang malay dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa akin sakaling malaman nito. Palihim din ang pagpunta dito ni Lacuna.
VOUS LISEZ
A Missing Part
NouvellesIn a small village with a small and less population, it tells the story of a girl seeking for help from a dangerous situation. Started: August 1, 2021 Ended: August 12, 2021 Disclaimer: This is written in Taglish Cover's not mine. Credits to the ri...
CHAPTER TWELVE
Depuis le début
