Sana kahit isang tao nalang ang manatili sa kaniya ..

Tumayo siya at pumunta sa kapatid ng lumapit si Baste sa kaniya. Mabuti nang ganito, ayaw na niya umasa na babalik sila noon.

“Jocelyn” Nahawakan ni Tein ang braso niya.

“You okay ?”

May pakialam ka ba? Gusto na gusto niya itanong 'yon sa binata pero nanatili lang siyang tahimik at kinuha ang kamay ng binata sa braso niya. Tuloy ang lakad niya at walang lingon na umupo sa kama ng kapatid. She lift her fingers to touch Darren's nose and gently pinched it. Jocelyn squeezed her eyes as her hands caressing the edge of darren fingers, it is little bit warm. Naka-hinga siya ng maluwag malaman lang na  gumagalaw ang kamay nito. Hindi niya alam kung anong meron kay Baste na wala sa kaniya? Darren finger moves because of Tein words and story. Iyon ang sabi sa kaniya ng mga doctor.

Yumuko na niyakap niya ang kamay ng kapatid. Hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Hindi niya susuku-an ang kapatid kahit anong mangyari.

Kapag magising at maayos na ito, aalis na sila dito at bumalik sa probinsya. Kakalimutan na nila ang lahat.

“Kumain kana ba ?” Tanong sa kaniya ni Baste.

Hindi siya sumagot, pagod na pagod ang katawan niya lalo na't hindi pa humihilom ang sugat niya sa likod. Gusto na niya ipikit ang mata niya sa sunod-sunod na problema hinaharap.

“Jocelyn..” Tila nawawalan ng pasensiya sa kaniya ang binata.

Bumuga ito ng marahas na hininga.

“Stand up and eat” He said in authority.

Hindi 'yon pinansin ni Jocelyn, nagbibingi-an siya dito. She doesn't like someone pitying on her. Hindi niya kailangan ang awa nito.  Kaawa-awa ba siya ngayon?

“Jocelyn..”

“H-hindi ako nagugutom” Hinalikan niya sa noo ang kapatid niya at kinuha ang bag.

Hindi niya ito tinitingnan ..

“B-babalik ako bukas, may asikasuhin lang ako”

Napasinghap siya ng hinila siya ng binata at pinaharap sa kaniya. His presence gives her inexplinable feeling, she felt uneasy and uncomfortable. Kinakabahan siya na hindi siya mapakali.

“M-may problema ba?”

Umiling siya at lumayo dito.

“Aalis na ako”

Baste eyes telling her not to give him a lies again. Lumapit ito sa kaniya habang siya ay umaatras hanggang sa pader na ang napatigil sa kaniya. An-ong ginagawa nito ? ..

“P-pagod ako, Tein. Wala akong tulog dahil sa pag-aalala sa kapatid ko”

“Magpa-hinga ka muna, may kwarto ako sa office ko dun ka magpahinga” May pag-aalala sa boses nito.

Umiling siya sa binata. Kailangan niyang bumalik sa apartment nila, pinapalayas na sila ng may-ari doon. Saan ako titira? Hindi naman niya mahingi-an ng tulong ang mga kaibigan dahil nahihiya na siya. Kailangan niya rin maka-kita ng pera para mahanap si Brace. Sinisisi niya ang sarili sa kapabayaan.

Kailangan ko siya mahanap, hindi na ako mapakali kapag hindi ko siya makita.

Gabi-gabi iyak nalang ang ginagawa niya dahil dito, dahil nawala niya ito.

Ano ba ang ginawa niya at kailangan pa siyang pasurahan ng ganito?

“Aalis na ako” Akmang aalis na siya ng pinigilan siya ulit ng binata.

AlphabetusSeries 2: One Wild NightUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum