SIMULA

5 0 0
                                    

AMANDA DEL ROSARIO

Ako si Amanda Del Rosario, ipinanganak noong Abril-24, taong 1970. Mayroon akong apat na nakakabatang kapatid, na sina Isabella, Marcos, Eduardo at ang bunsong si Emillia. At, ako ang panganay sa kanilang lahat..

At, ang aking ama na si Peblito Lajara Del rosario na tubong Laguna ay napagpasyahang sumama at bumuo ng pamilya kasama ang aking inang si Maria Theresa Alonzo na tubong La union..

Masaya ang aming pamilya, simple, tahimik, hindi ganoon karangya ngunit, nakukuha ang mga bagay na aming minimithi, Ang aking ama ay mayroong katamtamang laki ng sakahan na kanilang nabili dahil sa pagsisikap at pag iipong mag-asawa, nakapag pundar din sila ng maliit na tindahan at bahay paupahan sa bayan.

Kung kaya't masasabi nga naming nakaka angat kami sa iba, Nakakapag-aral din kami sa magandang eskwelan mula sa aming bayan at nakakapag bayad ng matrikula ng walang nangyayaring aberya. Maayos na ang lahat sa amin ngunit, hindi ko akalain mayroon pagsubok na na darating sa aming pamilya na susubok sa aking dibdib, dahil ang aking amang si Peblito  ay nalululong sa sugal at malaki ang pagkaka utang sa alkade ng aming bayan.

At, para makabayad sa pinagkaka utangan niya..

Ako ang naging kapalit niyon, sapilitan akong pinakasal sa anak ni Alkalde Franciso Bañez, kahit ito'y nasa Ka- Maynilaan pa dahil nag-aaral.

Masakit, at halos hindi ko matanggap ngunit dahil hindi naman nagpapakita sa akin ang anak ng alkade ay naging panatag ako, ngunit..  Isang gabi habang ako ay himbing na natutulog sa aming silid, akoy nagulat ng biglang mayroon sa aking sumiping at malambing ang pagkakasambit ng mga katagang...

"Kamusta na mahal kong asawa.. kaytagal nating hindi nagkita.."





Ang Liham ni AmandaWhere stories live. Discover now