And that same feeling came back. Sabay na tumigil at bumilis ang ikot ng paligid ko habang tinitingnan ko siya. Naglakad ako papunta sa kanya. Siya ay abala sa paghahanap ng libro habang ako ay abala sa pagtingin sa kanya. Tinaas niya ang tingin niya at nakita niya akong nakatitig sa kanya. Mabilis siyang yumuko at naglakad palayo.

Oh no you don't. Hindi ka na makakatakbo sa akin. Umikot kaagad ako at sinundan siya.

"Hi." Salubong ko sa kanya. Binigay ko sa kanya ang pinakamaganda kong ngiti. I matched my smile with a death defying lip bite that will send any woman down on my knees. Nanatili lamang siyang tumitig sa akin kaya ganon na lang ang gulat ko. Inirapan niya pa ako bago nilampasan.

Hindi ko mapilan ang ngisi ko. Shit, nakahanap na yata ako ng katapat ko. Masama ito. Masamang masama dahil hindi ako naiirita sa ideya na hindi siya nahulog sa pagpapacute ko sa harapan niya.

This girl is beyond ordinary. Amazing.

Umiihip ang hangin sa mga kurtinang nagsisilbing pintuan ng altar. Ang buhangin sa dalampasigan ng Siargao ay napapalamutian ng mga petals ng rosas at iba't iba pang bulaklak. Ako ay hindi na mapakali sa kinatatayuan ko.

Nagsimulang maglakad ang kambal namin ni Daphne. Hindi ko napigilan ang ngisi ko habang naiisip ang mga araw na naging kasama ko silang tatlo. It is like a click from a missing puzzle piece. Iyong pagkatao kong butas butas at puro kulang, nabuo noong dumating sila.

'There must be a God

I believe it's true

Cause I can see his love

When I look at you'

Nangilabot ako noong nagsimula na siyang maglakad. Katulad noon, napapatigil niya pa rin ang mundo ko. Katulad noon, nawawalan pa rin ako ng hininga kapag natititigan ko siya. Katulad pa rin noon ang epekto niya sa akin. Walang pinagbago, tumindi pa nga.

'I have never been so sure

Of anything before

Like I am, in this moment here with you

And now for better or for worst

There's so much more than only words

That I mean what I say

When I say I do'

Inabot ko ang kamay niya. Sa tabi niya ay ang kanyang Daddy na magiliw na ngumiti sa akin. Tumango lamang ako at magalang ring ngumiti. Hinawakan ko na ng mahigpit ang kamay niya at sabay kaming humarap sa altar.

Hindi ko inisip na kailanman ay mahuhulog ako. Kaming magpipinsan ay hindi naniniwala sa ganyan. We thought that love is just for old people. Na kaya lamang masaya ang mga magulang namin dahil uso pa ang pag-ibig noong panahon nila. I never thought that something as great as this can happen. I never thought that this is possible.

But looking at this woman beside me, alam kong nagkamali ako sa mga inisip ko noon. Katulad na lamang ng iba ko pang pinsan. Sandro saw his own definition of love. Colton learned in giving value to things that are important. Andrew stopped playing around. And Xavier..natutunan niyang ipaglaban ang alam niyang makakapagpasaya sa kanya.

Marami akong babaeng ginusto. Pero iisa lang ang babaeng ipagpapatayan ko makuha lamang.  I have wished for someone who can complete me. Daphne answered those wishes for me. Nahulog ako sa kanya at hindi ko iyon pinagsisisihan. Lunod na lunod na ako at wala akong balak na umahon kahit kailan.

"Daphne Samaniego." Tawag ko sa kanya. Sa likod ng kanyang belo ay bumakas ang kanyang ngiti. Kinagat ko ang labi ko at hinintay na kumalma ang emosyon ko. I can't believe this. Finally, this woman is mine. This woman is my wife.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon