CHAPTER EIGHT

Começar do início
                                    

“Wala!”

“Talaga lang?” pangungutya ni Mr. Hawtson. “I really like Trevor to be my son-in-law for real.”

“Dad!”

Napatawa na lang si Mr. Hawtson. Agad na nagpaalam si Yuuskei na ibaba na niya ang linya dahil tumatawag si Manager Klein.

“Yuu!”

“Manager, bakasyon ko ngayon pero—”

Manager Klein cuts him off, “Someone took a picture of you and Trevor. I send you the picture. Different issues are now circulating.”

Napapikit na lang si Yuuskei sa walang tigil sa mga isyung kumakalat. Mabilis na binuskan ni Yuuskei at kitang-kita niya ang litrato nilang dalawa ni Trevor na nasa bahay ng kasong inimbestigahan nila. Unti-unting kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya akalaing may makakakilala sa kaniya.

“Ano ang ginagawa mo sa isang case?” seryosong tanong ni Manager Klein. “Kahit ano pang disguise ang gawin mo ay makikilala ka pa rin.”

“Manager, I can explain.”

“Detailed.”

Napabuntong hininga si Yuuskei at sinabi ni Yuuskei lahat, wala siyang iniwan kahit katiting man lang.

“Alam kong si Trevor ay isang detective at bakit ka pa sinali ni Mr. Hawtson? Hindi pa ba siya nadala dati?” bulong ni Manager Klein.

“Anong dati?” Hindi sumagot si Manager Klein kaya mas lalong naintriga si Yuuskei. “Manager, kilala ko na ba si Trevor dati?”

“I trust Mr. Hawtson’s decision and his plan. Huwag mo na lang alamin pa, Yuu. For your own good. I will be writing a statement about the issue.” Ngumiti si Manager Klein bago binaba ang tawag.

“My own good, huh?” usal ni Yuuskei sabay haplos sa pamilyar na signature. “Halata namang ako ang tinutukoy ni Trevor.”

Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Yuuskei habang nakatingin sa mga litratong pareho silang nakangiti ni Trevor. Kasiyahan at kalungkutan ang gumugulo sa kaniyang puso. Natatawa niyang sinulyapan si Trevor at mahigpit na nakahawak sa frame. “Akala mo siguro na hindi ko ugaling mangialam pero pasensiya ka na lang.”

Napabagsak na lang siya sa sahig nang bumigay ang kaniyang mga tuhod. “Bakit wala akong matandaan? Bakit ayaw niyang makaalala ako? Saka, Minahal niya ako?” Mabilis siyang umiling. “Bakit ang hilig kong umasa?”

Hindi niya kayang iiwas ang mga mata sa mga litratong masasaya na kabaliktaran naman sa nararamdaman ni Yuuskei, wala siyang matandaan, ang tanging nag-iingay lang ay ang puso niyang puno ng katanungan.

Napabuntong hininga na lang si Yuuskei habang dinadama ang pusong umiiyak na nakabalot sa pangungulila. Napailing na lang siya sa mga naiisip. Hindi niya kayang kumbinsihin ang sarili na may namamagitan talaga sa kanila ng detective.

“Trevor, hindi ka marunong magtago.” A tear fell on the picture.

Hindi na makahinga pa si Yuuskei sa silid na iyon kaya agad siyang lumabas at tumungo sa sala. “May kinalaman ba ’to sa alaala kong nabura?”

Nakakunot ang noo ng detective na ngayon ay papasok sa bahay. Nadatnan niyang nanonood lang ang aktor sa sala. Nang makita siya nito ay agad na lumiwanag ang mukha. Ngunit hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pamamaga ng mga mata ni Yuuskei.

Inilahad ni Trevor ang dalang ubas kaya malugod itong tinanggap ni Yuuskei. Nanatili itong nakayuko kaya napabuntong hininga na lang ang detective. “Mag-ayos ka dahil pupunta tayo sa SAS. Umuna ka na sa kotse pagkatapos mo.”

Living under the Microscope - [BL]✓Onde histórias criam vida. Descubra agora