"What took you so long?" irita niyang tanong.




Napakurap ako. Ang gwapo---ay!




"Ha? Ano, wala!" Anong nangyayari sa akin? Bakit ako kinakabahan? Atsaka bakit ang lakas ng dating niya?!




Nakasuot siya ng puting shirt tapos may suot rin siyang blue na hoodie. Naka-pants din siya at white sneakers. Grabe naman 'to makaporma pero ang gwapo niya kahit ang simple ng suot. Nahiya tuloy ako :''>




"Oh? Ano pa hinihintay mo? Sakay na!" Natauhan ako bigla. Nakasakay na siya sa kotse. Dali dali akong sumakay at agad naman niyang pinaharurot 'yong kotse.




"Ano ba gagawin natin dito?" pag-uusisa ko.




"Will you just shut up? You're so annoying!" sigaw niya na ikinabwisit ko.




"Nagtatanong lang ako! Ako pa ang annoying ha?! Malay ko ba kung ano ang gagawin mo 'no, mamaya niyan may---ump!" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil sinalpakan niya ng candy ang bibig ko. Saan galing 'yon?!




Kunot ang noo niya at hindi talaga ko sinagot.





Umirap ako at nanahimik. Kanina pa kami dito sa mall pero paikot ikot lang naman kami. Kapag tinatanong ko naman siya ay sasabihan akong 'shut up.' -_-




Huminto kami sa covered court. Nakabuntot lang ako sa kanya at kung saan siya pupunta ay doon din ako. Daig ko pa nga 'yong anino niya eh.




"Tss. Dito ka nga sa tabi ko. Para kang stalker." Napasimangot ako pero hindi ko siya sinunod.




"Hoy." parang walang pangalang tawag niya na naman sa akin.




"Ano?" sagot ko, hindi siya tinitingnan.




"Dito ka sabi sa tabi ko!" angil niya.




"Ayoko."




"At bakit? Ang arte mo ah!" eskandaloso niyang sigaw.




"Sinong maarte ah?! Eh sa ayokong tumabi sa'yo!" naasar ko ng sambit. Bakit ba kasi sinama niya ako dito?!




Bigla niya akong hinatak at inakbayan. Papalag sana ako kaso tiningnan niya ako ng nagbabanta kaya hindi na ako umangal.




Kalma lang, Kends. Amo mo 'yan okay? Baka masesante ka ng wala sa oras.




Pinaupo niya ako sa isang upuan at tumawag siya ng waiter. Nag-order siya habang ako ay tahimik lang.




Dumating na ang order at lahat pero tahimik pa din ako.




Kumakain na siya kaya naisipan kong panoorin na lang siyang kumain. Tutal naman ay mukhang wala naman siyang balak na ayain ako. Adamot damot eh. -____-




"Ba't ang gwapo mo?" Aaaaah! Ano daw?! Ano ba 'yong sinabi ko?! Tengene! Nakakahiya ka Kendra! Dapat sa isip lang 'yon eh!




Napaangat naman siya ng tingin at maya maya lang ay ngumisi siya. Napayuko ako kasi nakakahiya!




Tumawa siya kaya mas lalo akong namula. Kasi naman!




"Ahm, Kendrick is that you?" anang babae kaya natigil siya.




Sabay kaming napatingin sa babaeng nagsalita.




Wow... Anghel ba siya? Bakit ang ganda?




"Hera? What are you doing here?" gulat na tanong ni Kendrick. Bakit siya nagugulat? Siguro na-star struck siya sa ganda ni ate ghorl 'no?




Bumeso naman 'yong babae sa kanya kaya nagulat din ako. Close sila? Magkakilala sila?




Aba malamang. Common sense, Kends. Tsk.




"Oh my god! Namiss kita Ken!" masayang sigaw nung babaeng Hera daw 'yong name.




"Kailan ka pa nakauwi?" tanong ni sungit. Mukha siyang masaya ngayon ah. Hmm, may something ba sa kanila?




Teka, girlfriend niya kaya 'to?!




"Kahapon lang! Tatawagan sana kita kaso hindi ko nga pala alam number mo! Haha!"




"Kamusta? Dito ka na ba for good?"




Sige lang, magkuwentuhan lang kayo. Hangin lang talaga ako promise.




Pwede ba mag-walk out? Nagchichismisan na kasi sila tapos ako nandito nakatunganga lang. Hangin lang ang ambag, tss. Nakaka-out of place talaga, pramis.




"Oh! Who's she?" Wow, napansin mo rin ako ah.




"She's my maid." Wow ulit. Okay, ang ganda ng pagpapakilala niya sa akin dito sa diyosa niyang frenny ah.




"Really? Ang ganda niya naman para maging maid mo lang!" Thank you sa compliment. BWAHAHA.




Bumaling sa akin 'yong babae at naglahad ng kamay.




"Hi! I'm Hera, and you are?" masaya niyang bati.




"K-Kendra..." Inabot ko ang kamay niya at nag-shake hands kami.




"What a nice name! Hihi, friends na tayo ah?" Alanganin akong tumango at nahihiyang ngumiti.




Sumabay sa amin si Hera at nagkuwentuhan sila ni Kendrick. Dahil chismosa ako ay nalaman kong galing palang US si Hera at dito na siya titira sa pilipinas for good. Bestfriends din sila ni Kendrick at talaga namang close nga sila.




Nakatitig lang ako sa kanila at pinagmamasdan silang dalawa. Kung titingnan, bagay sila. Maganda si Hera at gwapo naman si Kendrick. Para nga silang couple eh.




Kung pwede nga lang na sabihin ko na...




Gusto ko ng umalis...

---

END OF CHAPTER 7

One Hundred Days To Love Him [ Completed ] BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon