Kabanata 35

11.9K 258 15
                                    


Tila ilang kilometro ang tinakbo ng mga paa ko sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. My hands begin to sweat, and my lips begin to stutter as Tita Selma staring at the both us with her suspicious look.

"Ano 'to, Horris? H'wag mong sabihing-"

"'Ma, I can explain. We're actually li-"

"N-Nagkakamali po kayo ng iniisip!" pagsingit ko. Magkakasabay silang bumaling sa akin. "W-Wala po kaming relasyon! K-Katulong n'ya po ako rito, T-Tita Selma. K-Katulong."

"Ano?" Kunot-noo akong sinipat ni Tita Selma bago bumaling sa anak. "Horris! Bakit mo naman ginawang katulong itong si Valerie? My God!"

I see how Horris clenches his jaw and seemingly doesn't know what to explain. Kaya imbis na hintayin na magsalita siya ay inunahan ko na, "A-Ako naman po ang may gusto, Tita. Kailangan ko ng trabaho pambayad ng tuition sa MIU, e nag-offer po si Sir Horris kaya tinanggap ko na."

I swallow and take a deep breath when I feel a heavy feeling in my chest. Muli akong sumulyap kay Horris. Napansin ko ang galit na namuo sa kaniyang ekspresyon. I'm sorry, Horris. Alam kong sinabi niya na hindi niya ako itatanggi sakaling may magtanong, ngunit ngayong nandito na kami sa ganitong sitwasyon, hindi ko yata kaya. I don't want him to disappoint his parents. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman na magkasama kami sa iisang bubong at nay relasyon?

I can't risk him losing the trust of his family, especially his job. Pinaghirapan niya iyon; pinaghirapan niya ang lahat. He's a good professor and a good son; he's always been good, and I don't want to be someone who might destroy him in a just snap because he chooses me. Iyon ang hindi ko kaya.

"How about your father? Hindi ka na bumalik sa inyo?"

Kinakabahang umiling ako kay Tita Selma bago muling dumako ang tingin ko kay Devianna na nasa kaniyang likuran. Palihim akong ngumiwi. God! I bad mouthed her when our first encounter, pagkatapos maririnig niya lang na katulong ako ni Horris? Siguradong pinagtatawanan niya na ako sa isip niya ngayon. And what is she doing here? I know that their family is close to the Costillano, pero kailangan ba na pumunta pa siya rito? She's an ex!

"What is she doing here?" sa wakas ay nagsalita si Horris, ngunit sa lamig niyon ay halos nakaramdam ako ng kilabot.

He's mad, I know.

"Why not? Parang wala naman kayong pinagsamahan nitong si Devianna," si Tita Selma.

Pumihit ang tingin ko pagilid dahil sa narinig.

"At saka kailangan din kitang makausap."

"Mauna na po kami ni Tita Nina sa inyo," ani ko bago pa ako magmukhang tsismosang katulong na nakikiisyuso sa kanila. "Halika ka na, Tita Nina."

Hinawakan ko ang braso ni Tita Nina upang hilahin siya papasok kahit bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha. Sumulyap pa ako kay Horris nang isang beses, ngunit hindi niya ako tinapunan ng tingin. Napabuntonghininga na lang ako nang nakapasok kami sa loob ng bahay.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Tita Nina na ikinatango ko. "Hindi ko alam na sekreto pala ang relasyon n'yo ni Horris. Pasensiya ka na."

I bitterly smile before I tap her shoulders. "It's fine, really. Magbibihis lang po ako, pagkatapos tutulungan ko kayo sa kusina mamaya."

Tumango ito sa akin kaya nagmadali akong umakyat ng hagdanan upang makapagbihis. Napahawak na lang ako sa aking dibdib nang tuluyan akong nakarating sa kuwarto.

Damn. I don't think I still can face Tita Selma if ever she finds out the truth. Paniguradong...kamumuhian niya ako at ng buong pamilya ng mga Costillano.

The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon