Fourty One: Reunion

Start from the beginning
                                    

.

.

.

Wearing my crop top sleeveless shirt pairing with a pekpek short, I walked like a model in a red carpet fashion show pababa sa cab na sinakyan ko...charr! sa dami kong bitbit na gamit diko na nagawang mag-ayos pa, nagmukha akong pariwarang anak na napalayas sa bahay dahil sa dami ng bitbit ko, feeling ko patay nako nito bago kami makarating sa destinasyon namin, nakakahagard.

Naglalakihang bus ang ngayo'y hile-hilera sa may open field pagkapasok na pagkapasok ko palang, halo-halong ingay, tawanan at sigawan ang dumadagung-dong sa malawak na field ng school, halos lahat ng mga nag-aaral dito eh nandito para sa vacation slash final activity ng School Paper kaya nagmistulang palengke itong open field.

Agad ko namang nakita ang pagkaway ni Cray sa isang bus kaya nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nako maghahanap.

"We're about to leave dahil sabi nila kasama mo na daw si Shin papunta dun, eh nasan sya?" Isa Isa kong inakyat yung mga dala ko dahil nangangawit na talaga ang kamay ko.

"Ewan ko dun, anyway may bakanteng upuan pa ba?" hindi sya agad nakasagot at nagpabalik-balik lang sya ng tingin sakin at sa loob ng bus.

"Y-yun lang... kompleto na ang seat and we're about to leave, nasan na ba si Shin?" juice ko kung maiwan nalang kaya ako total mukha namang wala akong maiaambag dun, o kaya si manong driver nalang maiwan ako nalang magmamaneho pero sa langit ang destination hindi sa beach resort nila Giann hahahhahah.

"Tatayo nalang ako keri na yan, let's go"

"A-are you sure? Or hindi, ganito nalang I'll stay here total kasama naman si Shin, he can handle the event!"

"Hindi pwede, baluktot bituka nun saka para makapag-enjoy ka rin, once in a lifetime lang naman mangyayari sa college life natin to-"

*Peeepp....*Peeepp....(imagine-nin nyo nalang na busina yan ng kotse, diko knows tunog nun eh hahahhaah)

"There he is!" pag-nguso ni Cray sa kotseng mabilis na humarurut at humarang sa daraanan nung bus, yawa eksena naman ang lalaking to sarap tanggalan ng hasang.

"Hayaan mo yan, halikana....manong pakibangga nalang po yang epal na nakaharang dyan, don't worry ako na po bahala sa abogado, S.S.S at pag-ibig nyo, yung mayuyupi po sana yung kotse nya hah" natawa naman si Cray sa likod ko kaya tumingin ako sa kotse ni Shin na patuloy paring bumubusina sa harapan nung bus na sinasakyan namin.

"HOY! BOMBAY! TUMABI KA DYAN KUNG AYAW MO MASAGASAAN!"

Bumaba naman sya sa kotse nya kaya nataranta ako sa kinatatayuan ko at tuluyan ko ng pinasok yung loob ng bus at halos lahat ng nakasakay dito eh natatawa sa kagagahan ko.

Ramdam ko na ang presenya ni Shin sa likod ko at ang nakakaadik na pabango nito kaya tumigil ako sa paggalaw at dahan-dahang humarap sakanya.

"he-he charot lang... go na balik ka na dun hehe" seryoso lang syang nakikipaglabanan ng titig sakin kaya hindi ko mapirmi ang tingin ko sakanya at kung san san na dumadako ang tingin ko.

"Let's go sa kotse kana sumakay" seryosong tono ng boses nya kaya napangisi ako ng tumalikod ito at a-ambahan sana sya ng suntok, ng bigla nalang ulit syang humarap kaya naabutan nya ang kamay kong pasuntok na sana sa likod nito.

"d-darna!" palusot kong sigaw sa kamay kong ready ng manuntok sakanya, muli lang syang tumalikod sakin at nauna ng bumaba sa may bus, aba't ang loko wala man lang ka-gentel-gentlemen at hahayaan lang talaga nyakong magbuhat ng bagahe ko?. umaii na-alibadbaran tuloy ako, nawalan nako ng gana sumama. Oo... o-a ako bakit? eh sa gusto ko ng ganun sa mga napapanood kong k-drama, yung sweet yung leading man sa partner nya eh pero yung akin mukhang wala man lang ka-sweetan sa katawan tsk!... ganda ka? hindi gold ako *flip hair

Bagsak balikat nalang akong bumaba dun sa may bus at kinaladkad yung mga bagahe ko ng walang buhay... boom! wala na, wala na yung excitement ko kanina.

"Sorry about yesterday, kailangan lang talaga matapos yung article hindi kita nasamahan *yawnn" sobrang lalim ng paghikab nito at halata rin ang pagod sa boses niya, kaya medyo naging marupok tayo sa part nayun.

"Suyuin mo lelang mo!" naku! hindi ako pwedeng madala sa kinemeng pa-cute ng lalaking to no!?. huh! who you sya gold ako remember?

"Sorry na misis ko *yawn " nabigla naman ako sa biglang pagsubsub nya sa leeg ko kaya halos ma-alarma ako dahil ramdam ko ang mainit na hininga nyang dumadampi sa leeg ko.

"Let's stay for a while like this, pagod pako dahil sa article kahapon *yawn " randam ko ang pagpikit ng mata nya habang nakasubsub parin ang mukha nya sa leeg ko kaya bumuwelo ako at malakas na tinampal ang mukha nito.

"Eh bakit dimoko sinamahan magbuhat ng gamit ko hah? yawa ka!" hindi parin nya inaalis ang  pagkaka-subsub nya sa leeg ko kaya nakaramdam ako ng awa na baka nga pagud sya, hahhahaha sorry na ang sama ko no? geh sa inyo na lang sya, yan ay kung gusto nya kayo bleehh :P nagayuma ko na sya no! wala na syang kawala.

"N-nagdala kapa ng gamit?" hindi ko alam kung bakit kusang hinahagod ng daliri ko ang hibla ng buhok niya and I found it cute dahil minsan lang ako sapian ng diabetes sa katawan kaya pagbigayan nyo nako.

"Mm...mm"

"Sh*t I forget to tell you, dinalhan na pala kita ng gamit mo for our 3 days staying there, pati na rin yung DSLR cam ko nandyan rin sa likod, I thought di kana bumili kahapon dahil hindi ako sumama kaya I bring it for you!" napangiti nalang nako ng palihim dahil aminin ko man sa hindi.... kinikilig ang lola nyo tagus hanggang sa apdo, oppss..opsss...opss...ingiit pikit tayo dito. :P

"Ang sakit ng sampal mo misis ko" malamlam ng boses ni Shin kaya nakonsesya ako, hahahahah pano ba kasi lumandi, any tips?... paseminar naman.

"Sorry na!" natatawang sabi sakanya at dinampi ang labi ko sa pisngi nyang natampal ko pero smack lang baka sabihin nyong malandi ako, well konting kembot pa magiging pokpok na tayo hahahahha.

"Masakit parin, isa pa"

"Utut mo Shin!, halika na nga malapit na silang umalis oh!" kahit pinipigilan ko ang sarili kong lumandi dahil sa kahurutan ng lalaking to, ramdam kong namulala na talaga ang pisngi ko, buti nalang nakapikit si Shin dahil kung hindi aasarin lang ako ng bombay nato.

"Lets take our time like this, nakapagpaalam naman nako kay Mr. Gomez, I'll just take a little nap besides you..." tuluyan ko naman ng naramdaman ang pagbigat ng ulo nyang nakasubsub sa leeg ko kaya pinilit kong wag gumawa ng galaw na ikagigising nito. hmmff... pag-nangalay talaga ako dito tatanggalan ko ng hasang bituka nito, hahahhaha joke lang.

Maingat kong inayos ang pwesto ko para maging komportable sya sa pagkakahiga nya hanggang sa dinalaw narin ako ng antok at sumandal rin sa ulo nya.

To be Continue...

A/N: okayy... medyo lame hahahhaha medyo masama-sama pakiramdam ko pero may panlasa pa naman po ako dipa to covid😂 don't forget to vote ang leave your feedback 😊 keep safe and get well soon sakin.

by: lalalans_m

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now