CHAPTER THREE

Magsimula sa umpisa
                                    

" Wow mukhang masaya ang baby ko ah, ano po yug ikukwento mo kay mommy hmm?" ani ko kay Cy. " Mommy perfect po ako kanina sa quiz namin sa science at math tapos po tinatakan ako ni teacher nang madaming star kaso pinunasan ko na pero kinuhaan naman po ni lolo nang litrato. " masayang tugon ni Cy. 

" Wow ang galing galing naman nang baby ko proud na proud sayo si mommy." ani ko habang pinupupog nang halik ang aking anak na ganyan kinakatawa naman. Natigil ang paglalambing ko sa aking anak nang dumating si ate.

" Oh napa uwi ka ate, hiwalay naba ulit kayo nang boyfriend mo kaya ka andito sa bahay nila mommy?" inis na tanong ko kay ate. Hindi ko lang matanggap na sinagot sagot niya si mommy at daddy para lang sumama sa boyfriend niyang hilaw at sabi niya pang hinding hindi na daw siya tatapak sa pamamahay na ito.

Nag simula ang galit sakin ni ate nang bumalik kami sa nang anak ko sa mansion, dahil na itsapwera na naman siya, once nakita namin siya ni daddy na pag bubuhatan sana nang kamay si Cy kaya takot na takot sakanya si Cy at simula nun hinding hindi ko na siya pinalapit pa sa aking anak.

" Hindi ikaw ang pinunta ko dito kaya lumayas kayo nang anak mong sampit." ani ni ate Agaad akong lumapit kay ate at binigyan siya nang malakas na sampal.

" WTF how dare you? sino ka para pag buhatan ako nang kamay?!!" galit na galit na tanong niya. Sasampalin na niya sana ako ngunit nahawakan ko ang kaniyang kamay at binato nang malakas. 

" Tarantaduhin mo ako? okay go pero tarantaduhin mo ang anak ko sa sarap ko diyan kana makakatikim sakin, hindi ako nag hirap nang 9months para lang pag sabihan mo nang ganiyan ang anak ko, Inggit na inggit kana ba kaya ka nag kakaganiyan?" ani ko

" Ano ako? maiingit sayo? bakit? sino kaba? at anong kainggit inggit sayo," ani ni ate. " Oh really kaya pala ibang iba ang salita mo sa pinapakita mo? kaya ka nga sumama sa boyfriend mong hilaw para mapamukha mo sakin na hanggang ganito lang ako na maagang nabuntis, pero pasensiya hindi ka kainggit inggit. At maganda na rin yun na umalis ka dito nawala ang demonyo sa bahay na ito." pang gagaya ko sa pananalita niya.

Mag sasalita pa sana siya nang biglang mag salita si Daddy na kasama si mommy.

" Anong karapatan mong tumapak pa sa pamamahay ko?" galit na tanong ni daddy. " At ano ring karapatan mong putulin ang bank accounts at ang credit card ko?" inis na ani ni ate

" Oh darling simula nang umalis ka at sumama ka sa boyfriend mong kano huwag ka nang umasang magagamit mo pa ang bank accs at credit card \ makaka kuha kapa nang suporta o kakarampot na mana mula samin nang daddy mo." ani ni mommy. Mahirap kalabanin si mommy dahil sa isang kurap o pitik nang kamay ay kayang kaya ka niyang burahin nalamang sa mundo.

Nang makaalis si ate ay tinawagan ni daddy ang security guard nang subdivison namin para higpitan ang pag babantay at hindi na maka pasok dito si ate. Pag katapos nang nangyaring iyon umakyat na muna kami ni Cy sa taas.

" Mommy totoo po bang sampit lang ako? kaya po ba wala po akong daddy? " naiiyak na tanong ni Cy. " No baby kung kasama natin ang daddy mo sigurado ako proud na proud siya sayo." ani ko kay Cy.

" Pero kung proud ko siya sa'kin at mahal niya tayong dalawa ay andito siya sa tabi na tin." ani ni Cy. Matagal na siyang nasa tabi natin anak. " Hindi mo pa kasi maiintindihan anak hindi ko masabi sayo ang dahilan dahil kahit sabihin ko sayo ay hindi mo maiintindihan dahil bata ka pa, Hayaan mo kapag nakahanap na nang tiyempo si Mommy ipapakilala kita sa Ama mo, basta ipango mo kay mommy na hinding hindi ka mag tatanim nang galit iyong ama dahil masamang mag tanim nang galit anak. " ani ko kay Cy.

" Okay mommy i promise po." ani naman ni Cy habang nakayakap ito sa'kin.

Ngayon ay nasa condo ako ni ate han kasama ang dalawa kong kaibigan. " Alam niyo ba napag isip isip kong ipakilala na si Elijah kay Cy, sobra akong naawa kay Cy dahil sa sinabi niya sakin kahapon." Tuwing nakikita kong malungkot ang aking anak ay para na din akong dinudurog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My son's father is a billionareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon