Chapter 29 - Serendipity (Flashbacks//2)

Start from the beginning
                                    

The two were definitely head over heels in love with each other. They also decided na sa pagbabalik na lang niya sabihin sa lahat ang relasyon nila. Ryder thought it’s for the best at gusto niya ring patunayan ang sarili sa magulang ng kasintahan.

Ilang linggo na ang nakalipas at umalis na rin si Ryder papuntang Italy. Madalas kasama ni Seri si Wynnet.

Nasa amusement park sila at hinihintay nila ang bago nilang kaibigan na si Charity at Connor na magkambal. Malapit ang loob ni Wynnet sa kambal kaya naging kaibigan na rin naman ‘to ni Seri.

“Teka lang, Seri. Nagpapasundo ‘yung kambal sa bahay nila, eh.” sabi ni Wynnet sa kaibigan.

“Ha? Eh sasama ako,”

“Dito ka na lang. Madali lang ako, promise!” pagkasabi nito ay agad na umalis.

Naiwan naman si Serenity na nakatayo sa ginta nang amusement park. Masaya niyang pinagmasdan ang mga masasayang bata na naglalaro sa paligid niya

“Hija…”

Napalingon siya sa tumawag sakanya. Agad naman siyang napangiti nang mapagtanto niya kung sino ito.

“Lady Tauren,” she exclaimed. “Ano pong ginagawa niyo dito?”

Imbes na sagutin ay hinawakan nito ang mga kamay niya saka napapikit. Hinayaan naman ng dalaga ang ginawa ng shaman. Pero nagulat siya nang bigla nitong bitawan ang kamay niya at tiningnan siya ng nakakatakot na tingin na animo’y nakakita ng multo.

“A-ano pong—“

“Layuan mo siya. Huwag na huwag kang lalapit sakanya!”

“Po? Ano po bang ibig niyong sabihin?” naguguluhan niyang tanong.

“Maaring kayo ang nakatakda para sa isa’t-isa. Pero hindi gano’n ang nararamdaman mo para sakanya. Kaya ngayon pa lang kung maaari, huwag mo na siyang bigyan ng dahilan para angkinin ka.”

“L-Lady Tauren, ano po ba ang pinagsasabi niyo?” kinakabahan na sambit ng dalaga. Para siyang pinagpapawisan ng malamig dahil sa narinig. Nakakakilabot din kasi ang paraan ng pananalita nito at pakiramdam niya huminto ang ikot ng mundo dahil sakanya.

“Ang Crowned Prince, layuan mo siya.”

“Eh hindi nga po kami close ni Kuya Hunter, eh!” nakangusong sagot niya pero napangisi lang ang babae.

“Hindi mo alam kung paano gumalaw ang tadhana. Kung ayaw mong gumulo ang maayos mong buhay, mas makakabuting layuan mo siya.” Pagkasabi no’n ng Shaman ay tinalikuran niya ang nagtatakang dalaga.

Ilang araw nang nasa isipan ni Serenity ang mga katagang binitawan ni Lady Tauren. Hindi na rin siya makatulog ng maayos dahil sa tuwing pipikit siya nag-fa-flashback sakanya ang lahat nang sinabi nito.

Pero nagdaan na ang buwan at nakalimutan niya ang sinabi nito. Naisip niya na kahit kailan hindi siya mapapalapit sa kapatid ng kasintahan. Dahil kung nagawa niyang iwasan noon si Hunter, mas malamang na maiiwasan niya ‘to ngayon.

Pero tama nga ata ang shaman na hindi mo kayang kontrolin ang tadhana. Dahil sa kung kailan ingat na ingat ang dalaga na iwasan ang kapatid ng kasintahan, saka naman sila pinagtagpo sa hindi inaasahan na pagkakataon.

“Ano’ng ginagawa mo dito?!” pilit na tinatago ni Serenity ang kaba sa dibdib. Ano nga naman kasi ang ginagawa ni Hunter sa tree house nila Seri at Ryder. Dahil sa pagkakaalam niya, silang dalawa lang ang nakakaalam nito.

“May pinapakuha lang ang kapatid ko,” simpleng tugon ni Hunter. Parang nababalot ng yelo ang boses nito. Walang katiting na emosyon na makita si Serenity.

Vampire City 3: Crimson LoveWhere stories live. Discover now