Bago kasi kami umalis, binilinan ko silang bantayan si Khirro. Not that I don't trust him but I don't trust the ladies around him. If he can be possessive then I can be one too.

I told them that I'll give my present to them after the program. Nandito kami ngayon sa photo booth at naka-5 shots kaming lima bago pumunta sa fortune wall kung saan may bayad na 15 pesos then we can pick a paper na nakasabit sa mga halaman. Though mga positive quotes lang ang laman still madami pa rin ang naeengganyong bumisita.

"You have a lucky day ahead of you. "

'Yan ang nakasulat sa papel ko. Sana totoo.

10:00 AM at nagsipasukan na kami sa gymnasium para sa mga hinanda nilang program. Hanggang 12:00 noon ang program kasi sa afternoon puro naman sports.

"SAGEUS UNIVERSITY? ARE YOU READY?! "

Ang lakas talaga ng energy nitong si Sir Luke Gabriel na head ng Drama Club. Napanood na rin namin ang mga sikat na palabas na binidahan niya at nakasama niya pa sa isang movie ang sikat na artista na si Adhelyne Reese.

"YES WE'RE READY!!! "

Pagkatapos nang sigawan namin ay siyang paglabas ng mga taga Dance Club at mas lumakas ang hiyawan dahil special guest pala si Creed Calmon na kumakailan lang nanalo sa Dance contest sa isang sikat na TV Show at nag-champion sa International contest na naganap sa USA.

Lahat napapasayaw nang nagsimula na silang sumayaw. Ito ang maganda sa university namin tuwing University Day dahil kung hindi artista ang special guests nila, mga famous personalities naman.

"I want to say thank you to Ms. Isolde for inviting me here to celebrate with you. Happy 143rd Anniversary Sageus University! Mabuhay! " Creed

We gave him a round of applause. Pumalit sa Dance Club ay ang Gymnastic Club na pinangungunahan ng coach nilang si Ms. Devyn Esmeralda. As usual lahat napabilib sa performance nila. Next ay ang Acting club kung saan gumawa sila nang live show to the point na dalang-dala na kami sa acting nila. Ang concept pala ng palabas nila ay parang love story ng dalawang tao na nagsimula at umusbong sa Sageus University.

After nila ay nagset-up ang Music Club sa stage.

"Tingin niyo magpe-perform ang 2KR1D? " Anne

"Panigurado yan. Next year pa naman sila ga-graduate kaya I'm sure that they will slay on stage again. " Neptune

Tinawag pala silang 2KR1D dahil binubo sila ng limang members. Ang dalawang K na si Kleo at Kiegan. Dalawang R na si Red at Ryuu then last si Dahlia. Dalawang babae at tatlong lalaki. Marunong lahat silang kumanta at mag-play ng instruments kaya normal na lang sa'min whenever they switched positions.

Tama nga si Neptune kasi after ng set up umakyat sa stage ang 2KR1D. They performed three love songs at salitan sa vocals si Red, Dahlia, at Kiegan.

Mukhang may isa pa silang kanta na hinanda dahil 'di pa naman sila umalis ng stage.

"How are you, Sageus University?! Same vibes pa rin talaga every University Day. Paniguradong mamimimiss talaga namin ang mga walang sawa niyong suporta kapag grumaduate na kami. Sana patuloy niyo pa rin kaming suportahan sa career namin. Today we will play our last song but we have a special guest! " Dahlia.

Naghiyawan naman ang mga estudyante at nagbulong-bulongan kung sino ang special guest.

"He will also be the vocalist. " Kiegan

I'm in love with you (COMPLETE ✅)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें