Chapter 15: FINAL CHAPTER

Start from the beginning
                                    

"Dok, hindi ko alam ang gagawin ko kung tuluyan na siyang mawala sa akin."

"Gano'n din siya sa iyo. Ngayon lang ako nagkaroon ng pasyenteng kahit sa gitna ng kaniyang paghihirap ay mas iniisip niya ang para sa mahal niya. Lagi kongnaririnig na isinisigaw niya ang pagmamakaawa niya sa Diyos at ganito ang laman ng lagi niyang panalangin...

"Diyos ko, ibalato mo na sa akin ang buhay ko para sa baby ko. Kunin mo na lahat lahat ng kahit pa talino ko, lahat ng material na bagay na mayroon ako...ng kahit anong magandang kinabukasan para sa akin huwag lang ang buhay ko dahil hindi ko kayang maihiwalay sa taong mahal ko. Hindi ko siya kayang iwan Diyos ko."

"Bakit hindi nakinig ang Diyos? Bakit hinayaan niyang naghihirap parin siya?" pasigaw ko na iyong nasabi.

"May dahilan ang Diyos kung bakit niya ginawa ito sa inyo. Hindi mo man ngayon nakikita dahil nauuna ang galit at pagdadalamahati mo ngunit sa pagdaan ng buwan o taon, malalaman mong may dahilan din ang Diyos sa pagdating ni Gerald at ang tuluyan din niyang paglaho sa buhay mo."

"Anak!" boses ni Daddy sa likod ko.

"Dad, bakit ganon? Bakit ito ang kapalit ng pagkabuo natin. Daddyayaw kong mamatay si Gerald. Hindi ko kakayaning mawala siya sa atin. Bakit siya pa Dad? Bakit hindi niyo ito sinabi sa akin?"

"Dati tinanong ko na rin ang Diyos tungkol diyan ngunit sa pagdaanng araw ay natanggap ko na lalo na nang nakausap ko si Gerald at buong puso na rin niyang tinanggap ang kapalaran niya. Walang may gustong mamatay si Gerald anak. Napakabuti niyang tao. Kayanin natin ang maaring pagkawala niya sa atin kahit gaano pa iyon kasakit. Hindi ko alam kung bakit siya ngunit ayon sa kaniya, siya ang binigyan ng Diyos ng ganoong karamdaman dahil alam ng Diyos na sa ating lahat, siya ang pinakamatatag at siya din ang kailangang maghintay sa taas. Hindi ko sinabi ito sa iyo dahil sa kahilinganniya. Gusto kong gawin mo ang kaisa-isa niyang hiling sa ating lahat. Walang luluha sa harap niya. Walang magpapakita ng awa, walang magpapakita ng kahinaan. Irespeto natin ang kagustuhan niyang iyon. Alam kong hindi mo kaya iyon ngunit nakikiusap akong kayanin mo tulad ng pagsasakripisyo niyang hindi niya hinayaang maapektuhan ka sa kaniyang karamdaman. Anak, hiling niya iyon na alam kong mahirap mong gawin ngunit kailangan nating ibigay sa kaniya. Kung hindi mo pa kaya, pumunta ka muna sa kuwarto mo, isigaw mo doon ang sakit ng loob mo. Iiyak mo doon ang paghihirap ng kalooban mo at pagbalik mo sa kuwarto niya, lahat ng naipon diyang sakit ay kaya mo ng pigilin kung nasa harap mo na siya. Ganyan ang ginagawa ko anak bago ko siya harapin."

Ginawa ko ang hiling ni Daddy. Nagbasag ako sa sobrang pagsisisi ko sa mga nagawa ko sa kaniya. Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko. Sumigaw ng ubod ng lakas. Lumuha, humagulgol, umiyak ng umiyak ngunit hindi ko kayang ubusin ang sakit. Naroon iyon na parang bukal na pabalik-balik. Parang dagat na hindi maubusan ng tubig. At noon alam kong hindi ko maipapangakong kaya kong magpakatibay sa harap ng taong nasaktan ko ngunit nanatiling tapat sa kaniyang pangako.

Kinahapunan ay kinatok ako ni Dok Joey sa kuwarto ko. Gising na daw si Gerald at kailangan ko ng ihanda ang aking sarili sa muli naming pagkikita. Kailangan ko daw patatagin ang loob ko. Hindi ko alam kung paano ko gawin ang hiling niya. Hindi ako makakapangakong kaya konglabanan ang pagluha.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakasandal sa unan. Taglay nito ang kakaibang ngiti. Walang nakikitang paghihirap sa kaniyang mukha. Maaliwalas ang kaniyang pagkakangiti sa akin at nang mabungaran niya ako ay itinaas niya ang dalawang kamay at isinigaw niya ang katagang...

"Hey baby ko!"

Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya. Pilit kong pinigilan ang pagluha. Niyakap din niya ako. Mahina ang kaniyang pagkakayakap ngunit sinikap niyang higpitan iyon. Tumuloy ang pag-agos ng aking luha ngunit ayaw kong ipakita iyon kaya panakaw kong pinusan iyon sa aking kamay at tinagalan ang pagkayakap ko sa kaniya nang di niya makita ang basa kong mga mata.

EVERYTHING I HAVE [completed]Where stories live. Discover now