Chapter 06

3.5K 72 0
                                    

Chapter 06

-----

Naging parang napakabilis ng pangyayari. Nawala ako sa aking sarili. Tulala ako na parang sa sobrang paninisi ko sa aking sarili ay wala na akong ibang iniisip kundi ang nangyaring hindi ko sinasadya. Napatay ko si tatang at ngayon ay parang biglang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Parang hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para ibalik ang buhay niya. Kung sana muli kong ibalik ang buong pangyayari, sana hinayaan ko na lang na saktan ako ni tatang. Sana din ay inilayo ko na lang si nanang doon nang hindi ko siya nakikitang pinagbubuhatan ni tatang ng kamay. Anong silbi ng akingluha? Makakaya kaya niya itong ibalikang buhay ni tatang? Anong silbi ng aking mga hagulgol, kaya niya kaya akong iligtas sa kulungan? Anong silbi ng aking pagsisisi, kaya ba nitong linisin ang tatahakin kong landas tungo sa aking pagtatagumpay?

"Nang... patawarin mo ako. Hindi ko ho sinasadya alam niyo po iyon. Ayaw ko lang kasing makitang sinasaktan kayo. Hindi po ako lumabanng ako ang sinasaktan niya pero hindi ko na po kayang pigilan ang lahat ng nakita kong kayo na ang pinapalo niya. Nang...ano ang gagawin ko? Nang...patawarin niyo ako..." humahagulgol kong pagsusumamo kay nanang. Malakas na malakas ang hagulgol na iyon.

"Anak," si nanang. Hinawakanniya ang duguan kong pisngi. Puno ng luha ang mga mata. Wala akong nakitang galit doon. Katulad parin ng mga mata niya nang unang pambubugbog sa akin ni tatang at gabi na ako umuwi. Ganoon na ganoonang kaniyang mga titig. "ngayon, hayaan mong babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo noong bata ka pa lang. Gusto kong sundin mo lahat nang sasabihin ko. Magmula ngayon, tanggalin mo sa isip mo na wala kang kasalanan at aksidente ang lahat ng nangyari ngunit imbes na ikaw ang sumipa o kaya ay nanlaban kung bakit natusok si tatang mo diyan ay ako ang aako. Ako ang magsasabing sumipa sa kaniya ng ubod ng lakas."

"Nang, ayaw ko, hindi ko hahayaang kayo na walang kasalanan ang makukulong sa nagawa ko. Nang, hayaan ninyong ako ang haharap dahil ako naman talaga ang nagkasala. Saka menor de edad pa ako Nang, hindi pa ako makukulong." Umiiyak ako. Hindi ko kayang gawin ang pinapakiusap niya sa akin.

"Anak, sabihin na nating hindi ka nga makukulong anak ngunit habang-buhay na ikakabit sa pangalanmo na ikaw ay mamamatay tao, paanoang pangarap mo, paano ang mga pangarap ko sa iyo? Kung hahayaan kong mangyari iyon, tuluyang mawawala ang magandang kinabukasan mo at tuluyan mo ding pinatay ang pangarap ko sa iyo. Alam ko, matalino ka at alam kong kahit wala ako ay kaya mong itaguyod ang pag-aaral mo. Nanaisin kong makulonganak basta ang kapalit nito ay may marating ka. Iyon ang pinakamahalaga sa akin. Gusto kong may mararating ka. Matanda na ako, bata ka pa. Mas maraming oportunidad na naghihintay sa iyo at lahat ng iyon ay masasayang lang kung ikaw ang haharap dito samantalang ako, kahit nasa labas lang ay sa tingin mo ba may pag-asa pang mababago ang buhay ko? Ikaw, kung ikaw ang nasa labas, sigurado may pagbabago. Maraming mga pagbabago na puwedeng makakatulongdin sa akin para makalaya at muli tayong magsasama."

Naintindihan ko ang mga gusto niyang sabihin. Kaya ng utak kong intidihin ang gustong ipakahulugan ni nanang sa akin. Kaya kahit masakit para sa akin ay nakinig ako dahil alam ko at naniniwala akongang ina ang mas nakakaalam para sa kabutihan ng anak.

"Basta ipangako mo sa akin anak na magiging maayos ka. Gusto kong makatapos ka ng pag-aaral mo. Alam kong kaya ng talino mong iahon ang sarili mo. Naniniwala ako sa sarilimong kakayahan. Matatahimik ako sa kulungan kung alam kong pinagpapatuloy mo paring makamit ang iyong pangarap. Bata ka palang noon nakaya mo ng itaguyod ang sarilimo, mas kampante ako at mas bilib ako sa iyong kakayahan ngayon. Sige na anak. Patay na ang tatang mo. Wala na tayong ibang magawa ngayon kundi harapin ito. Hindi na natin kayang ibalik pa ang buhay niya."

Lumabas si nanang sa bahay, bumalik siyang kasama na ang kapitannamin. Dumami ang mga tao. Pinagkaguluhan kami ng buong baryo. Maraming espekulasyon ngunit alam ko ang buong katotohanan. Naroon lang ako, nawawala sa sarili, nagmamasid at tuluyang ipinaubaya kay nanang ang lahat alinsunod sa kagustuhan niyang mangyari. Nilinis ang bangkay ni tatang. Naiburol. Nailibing.Dinala si nanang sa kulungan. Nagsimula ang paglilitis. Nasistensiyahan. Naiwan akong mag-isa ngunit alam kong balang araw, kapag may sapat na akong pera, tutulungan ko siyang mailabas at sana hindi pa magiging huli ang lahat.

EVERYTHING I HAVE [completed]Where stories live. Discover now