Chapter 08

4K 80 3
                                    

Chapter 08

----

Nang tinanong ako ni Gerald kung gusto ko siya, alam ng puso kong hindiko lang siya gusto kundi may namumuong pagmamahal ngunit tumatanggi ang utak ko. Pagmamahal na mabilis na umusbong. Tinatanggi ng utak na naroon ang pag-ibig ngunitsadyang mapilit ang puso at alam kong bibigay at bibigay kahit anumang prinsipyong pinanghahawakan nito. Gusto ko na siyang sagutin noon ngunit ngumiti lang ako. Maraming mga takot sa nakaraan na pumipigil sa akin ngunit sa tuwing nagkakatagpo ang aming mga mata o kahit yung alam kong nandiyan siya ay pilit nitong hinihigopkahit katiting na himaymay ng nakaraan. Mahal ko na din ba siya? Bakit parang napakabilis naman akongnahulog? Bakit hindi ko na ngayon kayang paglabanan ang lahat?

"Nagugutom na ako. Siguro mas magugustuhan pa kita kung kakain muna tayo." Pabiro kong pagtatapos sa aming usapan.

Pumasok kami sa isang restaurant na kahit hindi man ganoon ka-class ay nakagagaan ng loob ang kinakantang love songs. Magkakalayo ang bawat table na parang nasa gitnalang ng gubat dahil sa mga artificial na puno ngunit puno ng mga totoong halaman at bulaklak ang paligid na binagayan naman ng mga maliliit na falls. Tama lang ang lakas ng live band na hindi kailangan magsigawan ang mga kumakain para magkarinigan.Noon lang ako nakapasok sa ganoong lugar at inalalayan naman ako ni Gerald para hindi ako makaramdam ngpagkailang.

Habang kumakain kami ay kunukuwento niya sa akin kung gaano kahirap sa kaniyang pigilin ang nararamdaman niya sa akin. Kilala daw kasi ako sa buong campus bilang tahimik ngunit matalino sa College ofMedicine. May mga sandaling kapag nagkakasalubong kami ay natatakot siyang masalubong ko ang kaniyang mga titig. Iyong papasok siya ng library para magresearch at magreview ngunit lahat ng konsentrasyon niya ay mawawala dahil ang utak ay nakatuon sa akin athindi sa kaniyang binabasa. Nalulungkot siya sa maghapon kung hindi niya ako makita. Kailangan pa niyang hintayin ang oras na paglabas ko bago siya uuwi. Kung nakikita na niya akong naglalakad pauwi ay doon na rin siya sasakay sa sasakyan at masaya na daw siyang lilingunin ako sa tabi ng daan hanggang tuluyan niyaakong malampasan at sa gabi mukha ko ang laman ng kaniyang isip. Akala niya hanggang doon na lang ang lahat.Akala niya magiging masaya na siya ngpagano'n gano'n lang.

Sinikap siyang mapansin ko siya sa pamamagitan ng pagtatabi sa akin kapag nagreresearch ako pero ni hindi ko daw matapunan ng tingin. May isang araw daw na tumingin ako sa kaniya ngunit blangko ang utak ko.Iyong parang tinitignan ko siya ngunit hindi ko siya nakikita. Siguro iyon yung mga panahong ang utak ko ay nakatuon lang sa isang direksyon. Iyon ay ang aking pag-aaral. At dahil sa tatlong taon na pagtitiis niya at sobrang nahihirapan na siya ay naglakas loob na lamang ang siyang makipagkilala sa akin. Iyon na daw ang pinakamahirap na nagawa niya sa buhay niya. Hindi kasi daw niya alam kung paano simulan ngunit naisip niyang kung hindi siya gagawa ng unang hakbang ay baka pagsisihan niyang dadaan ako sa buhay niya na hinayaan niyang takot at hiya lamangang tanging dahilan kung bakit nagiging blangko ang kuwento naming dalawa. Kaibigan, iyon muna daw ang hangad niya ngunit nang nakausap na daw niya ako, hindi na lang iyon ang gusto niya at kung papayag daw ako ay higit pa dun ang ninanais niya.

"Bakit ako?"

"Bakit nga hindi ikaw? Nasimulan ko na ito. Handa kong tapusin ang lahat kahit anuman ang magiging kapalit. Lagi ko ding iniisip kung papasukin ko ito, dapat paghandaan ko kung anuman ang magiging kapalit ng kasiyahang ito. Una, magugustuhan mo ba ako?"

"Gusto mong sagutin ko ang mga tanong mo sa unang araw na paglabas natin?"

"Look, we're not born yesterday. Sa katulad natin, sa una pa lamang ay alam na natin kung magugustuhan natin ang isang tao o hindi. Hindi natin kailangan ng mahabang ligawan dahil naniniwala akong sa unang tingin o sa unang paglabas ay nalalaman kaagad natin kung puwede o hindi puwede. Hindi ko maipaliwanag pero alam kong alam moyung sinasabi ko sa iyo. Siguro dahil kapwa tayo ng kasarian kaya mabilis nating malalaman kung magugustuhan o kaya nating mahalin ang isang tao at alam din natin na hindi talaga puwede at walang patutunguhan kayahindi na dapat pang tinutuloy. Kaya sana sagutin mo ako ayon sa iyong nararamdaman ngayon."

EVERYTHING I HAVE [completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu