Kinaumagahan ay naglalakadako papunta sa school nang malagpasan niya ako gamit ang kaniyang motor. Nang nakatapat sa akin ay sinigawan niya ako ng "Modelong Charing!". Luminga ako sa paligid ko noon dahil sa takot na bakamay iba pang nakarinig.

Nang nasa campus na ako at hindi ko pa naibaba ang aking gamit nang lumapit sa akin si Juvie na may luha ang mga mata.

"Sumunod ka sa akin. Mag-uusap tayo."

Doon kami sa likod ng aming classroom nag-usap. Umiiyak siya. Noon ko lang naranasang iyakan ng kahit sino. Bukod sa aking ina, may babaeng umiiyak at nasasaktan dahil sa mali kong pagkatao. Alam kong nagkausap na sila ni Richie at iyon ang sasabihin niya sa akin.

"Bakit mo ginawa sa akin ito, Mhar?"

"Sorry. Alam kong alam mo na."

"So, totoo lahat ang sinabi ni Richie sa akin?"

"Alam ko namang hindi ko puwedeng hugasan ang kasinungalingan sa isa pang kasinungalingan. Ngunit gusto kong malaman kung ano ang mga sinabi niyapara maamin ko ang totoo at masabi kung alin ang hindi totoo."

"Wala siyang sinabi. Pinabasa lang niya ang laman ne'to." Nilabas niya ang diary ko na nasa loobng kaniyang bag.

Yumuko ako. Hindi na ako nagsalita.

"Totoo ba? Sumagot ka sa akin. Totoo ba ang lahat ng nakasulatdiyan?"

Tumango ako. Tinignan ko siya at sa isang iglap ay tumama ang palad niya sa pisngi ko. Isang malutong na sampal ang pinakawalan niya sa akin.

"Niloko mo ako. Akala ko totoo kang lalaki. Ginamit mo ako para makalimutan mo si Richie? Ginamit mo ako para magselos siya atmakuha muli ang atensiyon niya. Kungmahal mo siya? Bakit hindi ka magpakatotoo? Kung mahal mo siya, bakit kailangan mong gumamit ng ibang tao. Sa akin pa? Walang hiya ka!" Puno ng luha ang kaniyang mga mata ngunit mabilis naman niyang pinunasan ang mga iyon ng kaniyang panyo. Tumingin siya sa akin nang matagal saka tumalikod.

"Juvie, sorry. Patawarin mosana ako"

Ngunit hindi na siya lumingon pa. Napaupo ako. Ganoon pala ang pakiramdam kapag may nasaktan ka. Sobrang sakit din sa iyong may nagamit at naloko kang taodahil lang sa pansarili mong kagustuhan. Malaki ang naging kasalanan ko ngunit mas sinisi ko si Richie sa lahat ng nangyari. Ang dating pagmamahal na naramdaman kosa kaniya ay biglang napalitan ng pagkamuhi. Galit na galit ako sa ginawa niya sa akin. At nang bumalik na ako sa classroom namin ay nagkakantahan na sila ng Modelong Charing ni Black Jack. Lahat sila nagtatawanan. Ang ilan ay nakatinginlang sa akin at may mga tanong sa mukha. Karamihan ay namumula na sa katatawa. At si Richie ay akala mo lead singer sa banda na may nalalamang pakendeng-kendeng pa sabay na mga hagalpak niyang tawa. Umupo lang ako. Tahimik na parang walang naririnig o nakikita. Masakit, nakakahiya, nanggagalaiti ako sa galit ngunit may iba pa ba akong puwedeng gawin? Nagpupuyos na ang aking damdamin ngunit hindi ako paapekto. Hangga't kaya ko, kailangan kong pigilin ang galit sa dibdib ko. Kailangan kong magpakatatag.

Lalo ko pang inigihan ang pag-aaral. Lalo kong pinamukha sa lahat na kahit ganito ang aking pagkatao ay maliit lang iyan na bahagi ng kabuuan ko. Oo nga't bakla ako ngunit ako at ako lang ang tanging nagbibigay ng karangalan sa aming paaralan. At si Richie? Sino ba siya ngayong hindi na ako gumagawa ng kaniyang assignment at hindi na makakopya sa akin sa mga exam? Di basiya ang kung hindi man bagsak ay laging pasang-awa lang ang grades dahil sa pagkalulong niya kay Juvie nanaging syota niya ilang araw bago natuklasan ang pagiging Darna ko.

Ensayo namin ng JS Prom noon nang hindi ko alam kung bakit nanggagalaiti siya sa akin. Napakarami niyang sinabi tungkol sa akin pagkabakla. Pinigilan siya ng bata pa ngunit matalino naming teacher ngunit hindi siya nakikinig. Pakiramdam kasi niya ay dahil siya ang pinakamayaman at star sa campusay lahat puwede lang niyang sabihin at gawin. Ngunit nang nabanggit na niya ang sikreto ko tungkol sa pagkabuntis ng nanay ko ng ibang lalaki dahil nakasulat iyon sa aking diary ay biglang kumulo ang dugo ko. Hindi na ako nakapagpigil pa ng sabihin niyang puta ang nanay ko. Hamakin na ang buo kong pagkatao, sabihin na niya ang gusto niyang sabihin sa akin pero wala siyang karapatang sabihan ang nanay ko ng ganoon. Wala siyang karapatang maliitin ang nanay ko at sa isang iglap ay malakas na suntok sa panga niya ang pinakawalan ko. Nang bumangon siya at suntukin ako ng malakas ay nailagan ko ang suntok niya at nawalan siya ng balance kaya sumubsob sa semento. Mabilis siyang bumangon. Hiyawan na ang lahat. Gusto kong ipamukha sa lahat na nang-aapi sa akin na kaya ko ding lumaban. Alam kong narinig lahat ng teachers ko ang mga sinabi niya kaya malakas ang loob kong gawin ang alamkong tama. Nang suntukin niya ako samukha ay nasangga ko iyon at isang malakas na suntok ang sukli ko sa kaniyang sikmura. Namula siya sa sakit. Kinuha ko ang kamay niya at pinilipit iyon patalikod saka ko sinabing hindi ko iyon bibitiwan at lalo kong pilipitin ang kaniyang kamaysa likod kung hindi niya babawiin ang kaniyang sinabi tungkol sa aking ina. Iyon lang ang gusto kong sabihin niya noong una... ngunit nang murahin niyaako at sinisigaw na bakla ako ay lalo ko pang pinilipit kasama ng hinliliit niya hanggang sa sumuko at binawi ang sinabi niya tungkol kay nanang atsa huli ay pinilit kong sabihin niyang siya ang bakla at hindi ako.

EVERYTHING I HAVE [completed]Where stories live. Discover now