Chapter 2

2.2K 55 4
                                    

“For what ?” Walang boses na tanong niya .

“Kasi hindi kita sinupot nung araw na
kailangan na kailangan mo ako”

Madilim na tumingin siya sa paligid at hindi sumagot sa kaibigan niya. Kinaya naman niya ng mga araw na hindi sang-ayon sa kaniya ang mundo, kinaya niya kahit alam niyang kailangan na kailangan niya ng tulong sa mga kaibigan niya.

Tumawa siya ng mapakla. “Nakakatawa lang dahil sabay tayong iniwan ng babaeng mahal natin at pinagpalit sa ibang lalaki. What do you think, Lase hmm ?” Tinapik niya ang balikat ng kaibigan niya.“Wag kang humingi ng sorry dahil alam kung nasasaktan at nagdudusa karin sa mga araw na iyon . I mean, in just one snap, nawala na sayo ang fiance mo at nasa iba na .”

Tumingala si Lase at tumawa katulad niya. “Its okay, parang kagat lang nang langgam ang sakit.”

Binatukan niya ito . Alam niyang dinadaan sa biro ni Lase ang lahat at hindi niya alam kung nawala naba sa isip nito ang dalaga o tinatago lang nito ang lahat sa kaniya lalo na sa mga magulang niya. Before Lase left everything here in Philippines, ilang beses niyang kinuha ang pagmamay-ari nito pero kahit anong gawin niya, ayaw na sa kaniya ng dalaga .

“Pumasok na tayo sa loob”

Napailing-iling siya sa kaibigan niya at sinundan ito.

“Lase ?”

Napatigil sila ng kaibigan niya ng may tumawag sa kanila hindi kalayuan sa Chapel ng hospital . Hindi katandaan na lalaki ang huminto sa harapan nila.

“Ninong, kamusta po kayo ?”

Ngumiti ang matanda at nilahad ang kamay niya. “Im Calvin Gonzales”

Siniko siya ni Lase. Ngumiwi siya sa matanda at kinuha ang kamay nito at nakipag-shake hands. This hospital is quite different but lack of equipment and facilities. Nakikita niya agad iyon ng unang tapak palang sa hospital na ito .

“Tein Freimn”

“Yes, it's my pleasure to meet you Doc. Freimn. It's my first time to talk to you, honestly. Salamat at natanggap mo ang mensahe na pinadala ko sa sekretarya mo .”

Tumingin siya sa kaibigan . Tumango siya sa Doktor kahit binalewala niya ang lahat ng mensahi ng sekretarya niya . Alam na ng sekretarya niya ang gagawin nito. He's too busy to read all of his messages.

“Lahat gagawin ko para sayo, Ninong.” Pag-sulpot ni Lase sa usapan .

Mahinang tumawa ang Doktor. “Kung hindi lang sa bata na iyon, hindi ako hihingi ng pabor sa ama mo,hijo.”

“Its nothing, Ninong. Ano ba ang kondisyon ng pasyente mo ?” Tumingin sa kaniya si Lase .

Mabigat na bumuntong hininga ang matandang Doktor .“Delekado na makuha ang bala sa ulo nito. He needs to wake up as soon as possible. Five years in coma isn't good. Lumalala ang sugat niya sa ulo at maari niya itong ikakamatay. Hindi rin kaya ng pera ng dalaga ang gastusin ng hospital, isa akong ama at nasasaktan ako sa nakikita ko, hijo . She remind me from my poor Gigi.”

Tinapik ni Lase ang balikat ng matanda.

Tumikhim si Baste. “I want to transfer the kids in my hospital as soon as possible . Ako na ang bahala sa bill at mga kagamitan na kailangan sa pag-lipat nito sa hospital ko. I'll settle the payment and other equipment soon after this conversation end . Update me on time, Doc.”

Tumango-tango ang matandang doktor, hindi makapaniwala sa narinig sa kaniya. Lase lips raised a bit, he playfully look at him as if there's something wrong with what he said a while ago. Chismuso pa naman ito, alam niyang ipagkakalat nito ang narinig niya.

AlphabetusSeries 2: One Wild Nightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن