"Ano pang ginagawa mo dito? Umuwi ka na sa kubo niyo, hoy!"

Pagkatapos no'n ay pumasok na siya kasama ng aso. Mabuti pa yung aso kinarga at ipinasok sa loob ngunit ako na tao pinapalayas na masahol pa sa hayop. Bago ako umalis ay nakita ko ang pinagkakainan ng aso, May pansit at ilang buto ng pritong manok na madami pang laman na sa katulad kong mahirap lang ay ulam na din iyong maituturing. Napabuntong-hininga ako. Iisa ang tumatakbo sa isip ko no'n, naiinggit ako sa aso nila. Mas hamak pang masuwerte siya kaysa sa akin.

Pagdating ko sa bahay ng gabing iyon ay nakita ko na namang nagrarambulan ang aking mga magulang. Umupo ako sa unang baitang ng hagdanan namin. Sanay na kasi ako sa kanilang sigawan at sakitan. Kung dati umiiyak ako sa tuwing nag-aaway sila, ngayon ay parang drama na lang iyon sa AM radiostation na paulit-ulit kong pinapakinggan.

Dahil malapit lang ang school sa amin ay sinabi ko kay nanang na mag-aaral din ako katulad ng mga kapit-bahay namin. Walong taong gulang na kasi ako noon pero hindi pa ako marunong bumasa at sumulat dahil hindi naman ako nag-aaral. Mabuti na lang at magaling ang utak kong pumik-up. Nakikinig ako sa mga usapan nila kung nanood kami at tinatandaan ko ang mga mukha at pangalan ng mga artistang napapanood ko.

"Kung gusto mong mag-aral, magtrabaho ka. Mag-ipon ka para sa pasukan ay makapag-aral ka. Ako nga, di marunong magsulat at magbasa, tatang mo lang ang marunong niyan dahil noong panahon namin dito ay hindi uso yang pag-aaral na iyan. Malaki ka na, alammo na kung ano ang nakabubuti sa iyo." Iyon ang tinuran ni nanang noon.

Dahil gusto ko talagang mag-aral ay sinimulan kong pumunta ng bukid. Kung binabayaran si tatang sa mabibigat na trabaho, ako naman ay sa magagaan lang tulad ng paglilinis sa pilapil, pamumulot ng mga kuhol at ilalagay sa isang sako dahil nga kinakain ng kuhol na ito angmalilit na sibol ng tumutubong palay. Ang bayad ko noong 10 piso sa buong maghapon na nasa putikan sa gitna ngmatinding sikat ng araw ay iniipon ko para sa susunod na pasukan ay makapag-aaral na ako.

Habang ako noon ay nasa bukid na at nagtatanim ng palay ay madadaanan ako ng mga naka-uniformna mga kalaro ko at may mga bag papasok sa paaralan. Pag-uwi nila sa hapon ay naroon parin ako sa gitna ngputik samantalang sila ay nagkakantahan at naglalaro sa daan pauwi sa kanilang mga bahay. Naiingitako noon lalo pa't ang ilan sa mga kalaro ko ay inihahatid pa sila ng kanilang mga magulang at sinusundo kapag uwian. Hindi naman sila mayaman, mahirap lang din sila kagaya ko ngunit nag-aaral sila at tahimik ang kanilang bahay sa gabi maliban sa malulutong nilang mga tawanan. Bakit ako parang walang nagmamahal sa akin? Bakit ako, parang ulila ako kahit buhay na buhaypa ang aking mga magulang? Bakit ni minsan hindi man lang kami nagtatawanan sa bahay?

Dahil may kaluwangan ang likod bahay ay sinikap kong humingi ng mga buto ng talong, kamatis at iba pang mga gulay sa mga kalaro ko na may mga ganoong nabubulok na gulay sa bakuran nila. Kapag kasi tapos na ang taniman ay bihira na rin ang nangangailangan ng babayaran na magtratrabaho sa bukid kaya iyon na ang naisip kong gawin habang maghihintay naman ng anihan ng palay. Magsisiyam na taong gulang na kasi ako sa pasukan.

Sa pagdaan ng panahon ay mabilis namang lumaki ang mga pananim kong gulay na para bang nakikisama sa akin ang kapalaran kahit wala akong pataba at tubig lang sa ilog ang pinapandilig ko araw-araw. Nang namunga naman ay naging problema ko kung kanino ko iyon ibebenta dahil halos lahat ng mga kapit-bahay naming ay may mga gulay din sa likod-bahay nila. Malibansa mga ilang tamad na walang ginawa kundi magtsismisan at maglaro ng braha.

Naisip kong dalhin ang mga bunga ng talong, ampalaya, sitaw at kamatis sa bayan. Higit dalawang orasko din nilalakad iyon sa masukal na kagubatan at talahiban bago marating. Kung dadaan kasi ako sa daanan ng mga sasakyan ay aabutin ako ng tatlong oras kaya doon ako sa shortcut dumadaan. Nahihirapan ako noong magbilang lalo na sa pera kaya minsan binubungangaan ako ng mga bumibili sa isang bayong lang na gulayna paninda ko. Presko kasi ang mga paninda ko kaya sa akin bumibili ang ilan pero dahil sa bakuran lang ako nagtanim kaya ilang araw uli ako maghihintay bago magkabunga at ititinda. Sa harap ng parlor ng isang baklang parang babae ako noon nagtitinda. Sa akin din siya bumibili at napansin nga niyang hindi ako marunong magsukli. Nang minsang wala siyang ginugupitan ay tinawag niya ako sa loob. Wala na akong ibebenta noon.

EVERYTHING I HAVE [completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin