Chapter 8 - He's a Nice Guy

Start from the beginning
                                    

"So, who are the late comers?". Bungad samin nung prof.

Biglang natahimik ang buong klase, habang ako napayuko nalang sa hiya.

"good morning everyone my name is Andrei Delgado". Serious nyang sagot at saka naghanap ng mauupuan. Hindi nya manlang binati yung prof.

"And you?". Balik sakin ng professor.

"Good morning Sir, good morning classmates, I'm Darwin Ispiritu". Nakangiti ngunit nahihiya kong sagot.

"Okay you can sit at the back dahil wala nang available chair dito sa unahan, and next time be early dahil ayaw ko ng mga late comers, pagbibigyan ko muna kayong dalawa dahil 1st day palang, and besides orientation palang naman ngayon so again.... good morning everyone!". Mahabang wika ng professor namin habang tinutungo ko ang isang chair sa huli.

"I am professor Emmanuel Flores, and I'm your teacher for your Evolution of Architecture subject......" Pagpapatuloy pa nya, marami pa syang mga sinabi about sa subject at sinabi nya din ang mga rules and regulations nya tuwing klase nya.

Tahimik lang akong nakikinig nang may kumalabit sa braso ko.

"Hi, I'm Romel Ramos, are you from province? Kasi halata sayo". Sabi nya.

I don't know kung nangiinsulto ba to o ano, pero nginitian ko parin sya.

"Oo taga probinsya ako". Tipid kong sagot.

"Actually I'm from province din kaya we're the same, etong mga katabi ko they are both from province din, meet Vincent Dela Cruz and Vhince Villarin". Sabi pa nya saka pinakilala yung mga katabi nya.

"Hi". Sabay na sabi nila Vincent at Vhince.

Nginitian ko nalang sila at nakinig na sa professor namin.

So far wala naman masyadong nitopic si sir about sa subject namin pinaliwanag lang nya ang mga subjects na itatake namin this 1st sem. Agad din syang nagdismiss.

Isa-isa naring nagsilabasan ang mga kaklase ko. Habang ako di ko alam gagawin ko, san ba ko pupunta?

"Hey Darwin, tara sama ka samin sa labas". Si Romel kasama sila Vincent at Vhince.

"Ah Kayo nalang muna siguro, pasensya na". Sagot ko. Iwan ko ba tinatamad akong lumabas. From what I heard kanina sa prof namin after orientation ay magkakaroon daw ng welcome program para sa mga freshman sa oval.

"Ah sige okay lang walang problema". Agad namang sagot ni Romel saka na sila lumabas. Naiwan akong mag-isa

Ayokong umattend dun, di ako sanay, saka ano namang gagawin ko dun? Panggugulo ng isip ko.

Kaya mas pinili ko nalang magbasa ng pocket book tungkol sa Vampires. My favorite. Perfect place pa kasi walang tao at tahimik lang.

Nasa kalagitaan ako ng aking pagbabasa ng makarinig ako ng tunog na parang sa cellphone.

Kaya napatayo ako at tiningnan ang bawat sulok ng room. At dun nakita ko nga ang isang cellphone. Kaya nilapitan ko yun at tiningnan.

Sa pagkakaalam ko isa iyong touchscreen na cellphone. At mukhang mamahalin.

"Hindi pa ko nagkakacellphone". Sabi ko sa sarili ko. Wala kasi akong cellphone kahit na keypad lang, di ko din naman kasi need sa probinsya kasi mahina din signal dun.

"Mukhang may nakaiwan nito dito kailangang ibalik ko to". Sabi ko.

"Yes naiwan ko nga yan, salamat nahanap mo". Nagulat ako nang bigla nalang may magsalita sa likod ko dahilan para mabitawan ko ang cellphone na yun. Agad naman nya itong pinulot at napansin kong nabasag ang screen nito. Naku!!!

"Hala sorry! Hi-hindi ko sinasadya, nagulat kasi ako, pasensya na talaga, magkano yan? Babayaran ko nalang". Sunod-sunod kong sabi.

"Haha don't worry, screen protector lang naman yung nabasag pwede naman tong mapalitan saka mura lang naman yun, at isa pa, ako din naman may kasalanan kung bakit mo nabitawan yan, nagulat ka ata sorry din". Malumanay nyang sagot. Tiningnan ko sya at ngayon ko palang napansin ang kanyang maamong mukha.

Para syang artista, ang tangkad nya din, parang magsing tangkad lang sila ni Andrei.

"By the way, my name is Xylver Miranda". Pakilala nya sabay iniabot ang kamay nya para makipag shake hands.

"Darwin Ispiritu". Nakangiti kong sagot at nakipagkamay sa kanya.

"Are you alone?". Tanong nya.

"Ah oo e". Sagot ko.

"Tara let's eat, treat ko pathank you ko narin sayo dahil nahanap mo phone ko, marami kasing importanteng bagay dito e". Nakangiti nyang sabi. In fairness palangiti sya di gaya ni Andrei.

Wait bat ba laging naisisingit ko si Andrei dito?

"Ah sige salamat pero may pera naman ako dito di mo ko Kailangang i libre". Awkward kong sagot.

"Don't bother, as i said earlier, treat ko. So let's go?". Aya nya.

Wala nalang ako nagawa kundi ang umoo.

He is a nice guy!

Minsan lang ako makaencounter ng gaya nyang mabait sakin. Kahit papano ay maganda naman ang first day ko sa college.

Habang naglalakad kami ni Xylver ay nahagip ng peripheral vision ko si Andrei kaya natigilan ako sa paglalakad.

Again. He is looking at me seriously. I don't know but i was intimidated on the way he look at me kaya dumiretso nalang ako sa paglalakad.

good boy

With My Childhood Friend (bxb)Where stories live. Discover now