Chapter 3

4 0 0
                                    

Chapter 3 (2140)

Humihikbing nakatanaw ako sa simbahan kung saan kinakasal ang lalaking iniibig ko. Hindi ko mapagsino ang lalaking nakikita ko pero alam at kilala ito ng puso ko.

"Hindi ko man lang nasabi sa iyo na mahal kita. I'm sorry wala akong sapat na oras para magpaliwanag. Hindi ko man lang..." Huminto ako sa pagsasalita at pinunasan ang mga luha.

"Hindi ko man lang nabago ang naramdaman mo ngayon. Tandaan mo at nandito lang ako palagi gaya ng pag-antay mo sa akin noon. "
Humihikbi pa rin ako hanggang sa matapos ang kasal ng lalaking iniibig ko.

Nakangiti ito pero hindi malinaw ang mukha ng lalaki. Para bang sinadya ng tadhana at isip ko na hindi ko dapat makita ang mukha ng lalaki. Pero hindi matatabunan ng isang blur na imahe ng lalaki ang nararamdaman ko para dito. Ramdam ko ang malaking paghihinayang sa puso ko kung bakit hindi ko sinabi ang nararamdaman ko noon no'ng may pagkakataon pa ako.

"I really regret that i didn't confess to you years ago. I really regret it." Humihikbing pinunasan ko ang sariling luha nang marinig ko na nagriring ang phone ko. Kinuha ko sa bag ko ang phone at sinagot.

"Yes?" Sagot ko dito.

"Tine! Your mom is looking for you! Mukhang hindi niya na kaya!" Sigaw ng katulong namin sa bahay. Nasanay na ako sa ganong pagtrato nito sa amin dahil naging pamilya na ang trato namin dito at ganon din kami ng mga magulang ko sa kanya. Noong hindi ko kasama ang mga magulang ko sa bahay dahil palagi itong nasa ibang bansa para asikasuhin ang mga negosyo namin. Noon lang nakaraang buwan sila umuwi dahil nagkasakit si mom ng breast cancer.

"Where's dad?" Natatakot kong tanong habang naglalakad patungo sa kotse.

"I've been calling him but his phone was out of coverage! Iyan kasi nag-away pa. Umuwi ka na!" Sigaw uli nito, alam kong nalulungkot lang ito sa mga nangyayari sa buhay niya. Ito kasi ang kasa-kasama ko noon no'ng bata pa ako and up until now kasama ko pa din ito. My life now is so tragic. It's like my life was destined to be tragic all along. Kasama ko na nga sila mom sa bahay pero parang wala ang mga ito sa tabi ko.

Mom was sick and hindi kami magkasundo ni daddy. Sa katunayan nagkasagutan kami ni dad bago ako pumunta dito sa simbahan. Iyon siguro ang dahilan kaya umalis si dad to stay calm.

Tyaka ko naalala ang sagutan naming ni dad kanina.

Nakatayo ako sa pintuan ng kwarto ni mommy. Tinatanaw ang pagbagsak ng kalusugan nito, ang paglagas ng mga buhok, at ang mga tubo na nakakabit dito.

"Look what have you done?" Narinig kong sabi ni daddy sa likod ko. Mapakla akong ngumiti at nilingon ito.

"I didn't do anything. You did something." Seryosong sabi ko. Nakita kong nanlumo si dad sa reaksyon ng mukha niya at nilingon ang asawa na naghihirap.

"You take mom away from me! You take her in the states para ano? para ipagamot kunyare! Not telling me that my mom was diagnose with breast cancer. Tapos makikita ko na kasama mo ang babaeng pinakaseselosan ni mommy? How dare you!" Emosyonal na sabi ko. Letting my emotion show telling him what exactly I am feeling right now is far different from who I am. I am used to let my feelings kept in me without telling anyone what I truly feel because I don't want to be anybody's burden.

Wala na akong pake kung makita niya man akong ganito dahil nasasaktan ako para sa mommy ko. Ngayon lang ako sumabog and I deserved to speak.

"How many times do I have to tell you, that there's nothing you have to worry! I said I came to have an opinion from her." Mahinang sigaw nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TimelessWhere stories live. Discover now