Chapter 2

1 0 0
                                    

Chapter 2 (2020)

NANATILING tahimik ang dalawang babae ng makapasok kami ng bahay. Tahimik din akong nagmamasid mula sa kusina. Nakita kong namilog ang mata ng nagpakilalang Kristina. Si Christine naman ay nanatiling nakatingin sa kawalan na para bang kay lalim ng iniisip.

I don't know what happened to me kung bakit ko sila pinapapasok sa bahay imbis na ireport ang nangyaring ito sa police. But I know deep in me may panatag sa kaluoban ko na nandito sila sa bahay ko ngayon. I don't want to be a pervert or something but they have these unexplainable awra in them na para bang sinasabi na hindi sila masasamang tao and whatever they are saying now is the truth.

Saka ano bang makukuha nila dito sa bahay kung sakali mang magnanakaw sila. But I doubt na nagsisinungaling sila.

"Ginoo!" Sigaw nito kaya dali-daling akong pumunta sa sala kung saan naroon sila.

Nangunot ang noo ko ng makitang nagugulunan ito "Bakit?"

Nanatili lang tahimik ang nagpakilalang Christine. Nakayuko ito at magkahawak ang parehong kamay. Nangungunot ang noo at bumulong-bulong ng...

"This is so strange. I just remember why I came to this place but now... I can't remember anymore?"

"Nakakapagtaka... kanina lamang ay naalala ko kung bakit ako napadpad dito. Bakit hindi ko na maalala ngayon?"

Sabay na sambit ng dalawang babae. Nanindig ang balahibo ko ng marinig na sabay pa silang nagsalita at sabay din na nagkamot ng ulo.

Wag kang duwag vale! They're just fooling you! You don't have to be scared.
Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.

Baka kasabwat sila ng matanda kanina?
Napakamot nalang ako ng noo. Ano bang gagawin ko sa kanila ngayon.

Bahala na kung naglalaro sila then so be it. Im on.

Mawawalan na ako ng tiwala sa mga tao pag nakataon dahil ito ang unang pangyayari na agad akong nagpapasok sa bahay ko ng hindi ko pa masyadong kilala.

I'm on pero alam mo sa puso mo na hindi sila nagbibiro o nagsisinungaling, Vale! Sabi ng kabilang bahagi ng isip ko.


"So, pa'no ba natin masusolusyunan ang problema ninyo pareho? " Pagkuha ko ng atensyon sa dalawang babae. Umupo ako sa harap nila.

"Masusolusyunan? What is that word?" Maarteng tanong ni Christine. Napasampal ako ng noo at huminga ng malalim.

Mukang mapapasabak pa ako nito sa englishan ah! Shit. Hindi ako nakikinig sa mga English subjects!

Bahala na!

Napalunok ako at umayos ng upo "How are we going to resolve this problem?"

Tama ba iyon? Naku Vale mukang sablay ka don! Naku! kapag talaga narinig nila ang nasa isip mo. Iisipin nilang bading ka.

"I don't know either." Sabi nito sa mahinang boses, nilingon nito ang babaeng katabi saka kinalabit. "Ikaw? May susyulon ka ba sa problema?" Bulol pa nitong tanong. Mahinang akong natawa ng makitang mas nangunot ang noo ng babaeng si Kristina.

"Lo siento, binibini ngunit hindi kita naiintindihan." (Patawad) Anito at nilibot pa ang tingin sa loob ng bahay.

Hindi ba mapakali ang mata nito? Kanina pa ito tingin ng tingin sa bahay. Nakakaintindi ako ng espanyol dahil noon nagtuturo si Mommy sa mga batang espanyol at dahil palaging wala si Daddy palagi din niya akong sinasama pagnagtuturo siya na naging dahilan ng pagiging close ko doon sa mga estudyante ni Mom. I always play with them pag nagbebreak sila saka kapag nagtuturo si Mommy ay nakikisabay din ako sa kanila sa pag-aaral.

TimelessWhere stories live. Discover now